11

20.2K 562 69
                                    

PAGKATAPOS ng munting salusalo at makaalis ang marriage celebrant ay lumipat sa family room ang lahat.

"For the newlyweds..." Itinaas ni Renz ang wineglass bago dinala sa bibig at inubos ang laman.

"You're beautiful, Chantal," masuyong wika ni Alvaro sa kanya. "Iyan ay sa kabila ng..." Hinagod nito ng tingin ang damit-pangkasal niya, "ng suot mo."

Hindi siya na-offend sa pagtukoy nito sa damit niya. Warmth spread through her and smiled at the old man and whispered, "Thank you." He was sixty-one. Marami nang puti sa buhok. But he was still a handsome man. Parang si Quinn na tumanda maliban sa malaking pangangatawan nito at sa kulay ng balat.

"Kung narito lang si Quinn at kayo ang nakita kong ikinasal ay naging lubos sana ang kaligayahan ko. At di sana'y—"

"Di sana'y hindi ako ang tumayong groom sa kasalang ito, Papa," agap ni James sa matabang na tinig. Natuon dito ang lahat ng mga mata. Biglang nagkaroon ng tensiyon sa paligid. "Di sana'y hindi ko kailangang saluhin at pagtakpan ang mga kapabayaan niya..."

"That's unfair, James," Alvaro said sharply. "Wala na rito ang kapatid mo para ipagtanggol ang sarili niya..."

"Hindi kailanman ipinagtanggol ni Quinn ang sarili niya, Papa," patuloy ni James, in an angrier tone. "Tinatakasan niya ang anumang problema."

Nanlaki ang mga mata ni Chantal.

Si Nayumi ay humakbang palapit dito at hinawakan sa braso ang kapatid. "James, please," she said in a hushed tone. Almost begging her brother.

Subalit hindi nito pinansin ang kapatid. Patuloy ito sa pagsalakay kay Quinn. "Matanda siya sa akin ng anim na taon. Pero hanggang sa mamatay siya'y hindi nakilala ni Quinn ang kahulugan ng salitang responsibilidad. Bakit kailangang ako ang sumalo sa lahat ng mga pagkukulang niya?

"Hindi ko ininda ang ginawa niya sa Rancho, Papa, pero paano ang ginawa niya kay Chantal? Dammit, he knew he was dying pero nagpakasal siya sa isang babaeng mas bata pa kay Nayumi. At ni hindi niya nakuhang tiyaking maiiwan niyang hindi bastardo ang magiging anak niya!"

Chantal sucked her breath. Then she saw Alvaro winced. It was more of pain than anger. Sapat iyon upang mapatayo siya mula sa kinauupuang settee, hinarap si James, her face red in anger.

"Hindi ako nagpasalo sa iyo! I didn't ask you to marry me! At kung may pagpipilian ako'y hindi ako pakakasal sa iyo kahit na ikaw na lang ang huling lalaki sa lupa! At hindi sinasadya ni Quinn na hindi marehistro ang kasal namin. He was very sick! At dapat kang makonsensiya na nagpapasasa ka sa kasaganaan dito habang naroon siya't maysakit!

"And I love Quinn, alam niya iyon. Pero hindi niya ako pakakasalan kung hindi ko ibinigay sa kanya ang ideyang iyon. While I wanted to be married to him, he married me to save me from my step-uncle! At hindi niya intensiyong magdalang-tao ako! I... I..." Hindi niya makuhang tapusin ang sinasabi. Paano niyang masasabi na hindi binalak ni Quinn na i-consummate ang kasal... na kung may nangyari man sa kanila'y hindi nito iyon pinlano.

At bago pa bumagsak ang mga luha niya'y marahas siyang tumalikod at lumabas ng silid at tumakbo patungo sa hagdan papanhik sa silid niya sa itaas.

"Damn!" usal ni James. His nose flared in both anger and guilt as he watched his new wife dashed up the stairs.

"Puntahan mo ang asawa mo, James," utos ni Alvaro. "She was upset, baka kung ano ang mangyari sa dinadala niya..."

James gritted his teeth. Halos mabasag ang wineglass nang marahas niya iyong ilapag sa ibabaw ng bureau at walang kibong lumabas ng silid at tinungo ang hagdanan.

HINAWAKAN ni Nayumi ang magkabilang sentido at banayad iyong minasahe.

"Hindi ko alam kung ano ang maaari kong sabihin sa ama mo, Nayumi," halos pabulong na wika ni Adora nang makitang tumayo si Alvaro at nagtungo sa bar upang magsalin ng alak.

"He's hurting, Adora," malungkot niyang sabi, nasa tinig ang pang-unawa. "Mahirap para sa kanyang tanggaping wala na si Quinn."

"'Andoon na ako. Pero anak niya rin si James," patuloy nito at sinulyapan si Alvaro. "Mabait at maganda si Chantal, sana'y matutuhan niyang pakibagayan si James. Umaasa akong mapaghihilom niya ang lahat ng sakit sa damdamin nito..."

"Chantal's afraid of my brother. Hindi mo ba nakikita kung paano siyang naiilang kapag nasa paligid si James? Kahit kaninang ikinakasal sila'y tila tuod siyang nakatayo at muntik nang hindi sumagot nang tanungin ng nagkakasal kung hindi pa siniko ni James..."

Si Alvaro ay nilingon si Renz. "Gusto kitang makausap sa study ko, Renz, pagkatapos nito..." wika nito, then downed his wine in one gulp.

Si Renz ay nagkibit ng mga balikat at tumayo rin. "I need a refill."



****************Naku lagot ka talaga sa akin  bibi Renz. Lagot ka sa akin mamaya sa bahay char hahahahaha. Grabe mga kaganapan dito,, parang nawala yung lamig sa kamay ko, kanina pa ako nilalamig talaga eh. So busy today at sa mga darating na araw , sana magkaroon ako ng time para sa inyo mga beshie. Parang need ko ng pampakalma hahahaha at pampalakas kasi mapapalaban ako mamayang gabi kay bibi Renz ko char hahahaha. Any recommendations mga beshie? char hahahahaha.  Kwento kona lang sa inyo sa Monday ang mga ganap namin ni bebe Renz mamaya hahahahaha. Keep safe mga beshie. God bless. - Admin A ************************

Kristine Series 19, James Navarro (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon