29

22.1K 588 58
                                    


LA PRINCEPESSA, a Roman word that meant The Princess.

Animnapu't limang talampakan at nagre-reflect ang puting pintura sa dagat. Stainless steel fittings at mga bintanang salamin. A great white whale of a power cruiser. It was a double engine yacht.

Nang umalon ay nauga at nahatak nang marahan ang lubid na nakatali rito sa dock. At napahawak sa railings si Chantal.

Nakatayo sila ni James sa main deck habang inihahanda ng kapitan, si Antonio, a Mexican in his early forties, at ng isa pang crew who must be the first mate, ang paglalayag patungong Batangas.

"Do you like her name, La Princepessa?" tanong ni Chantal.

"Pansamantala," sagot ni James. "Hahalinhan ko ang pangalan ng yate ng pangalan ng unang anak nating babae. I'd call her Kristina, kung babae. Mula sa mama. At kapag lalaki ay isusunod ko sa pangalan ng lolo, Franco," wika nito.

Agad nitong inilipat ang atensiyon sa kapitan na tinungo ang wheelhouse. Hinawakan siya nito sa kamay at hinila pasunod sa kapitan.

"Gusto kong matutuhan ang pagpapatakbo nito, Chantal. Come..."

Walang kibo siyang nagpaakay, gustong mahawa sa excitement ni James sa bagong yate."At kapag natutuhan kong patakbuhin ito'y yayayain kong mag-yacht racing si Karl..." Then he laughed happily.

"Who's Karl?"

"Oh. He's almost family by affinity. Ang Tiyo Zandro niya'y asawa ng kapatid ng Papa, ang Aunt Jenny." Pagkuwa'y hinapit siya nito at hinagkan sa noo.


ANG SUMUNOD na mga araw ay mananatili na sa isip ni Chantal magpakailanman. James made love to her anywhere he had the chance to do it and anytime. In broad daylight or under the moonlight. And making love with her husband was a soul-shattering experience. A two-minute quickies on the dark corner of the deck with their clothes on or underwater when they swam during the day, was as satisfying as many nights spent inside their cabin habang walang-sawang ginagalugad ang katawan ng bawat isa.

At hindi sila nakabalik sa Batangas sa araw na sinabi ni James. He instead instructed the captain to set sail to Paso de Blas where Chantal met Karl and his wife, Lora. At nakita niya ang pagkamangha ni Karl nang malaman ang pagpapakasal ni James na hindi man lang nito nalaman. James explained laughing, na kahit ang pamilya nito mismo'y hindi nagawang makadalo.

"Look at those men, nalimutan na tayo nang dahil lang sa kuwentuhan tungkol sa mga yate nila," nakatawang sabi ni Lora.

She was more than four months pregnant and pregnancy became her. And Chantal liked her instantly. Friendly and gregarious. Then she felt guilty dahil nakalimutan na niyang sulatan si Helen at ipaalam dito ang nangyayari sa kanya. At ipinangako niya sa sariling susulatan ito pagbalik nila sa Tagaytay.

"James attended our wedding. Hindi makapaniwala si Karl na sa muli nilang pagkikita'y may asawa na rin ito."

"B-biglaan lang ang nangyari..." Hindi niya makuhang salubungin ang mga mata nito. Paano ba niya sasabihin kay Lora ang sirkumstansiya ng pagpapakasal nila? Na kinaiinggitan niya ang mga sulyap na ipinupukol ni Karl sa asawa, puno iyon ng pag-ibig.

"Do you love it here?" pag-iiba niya sa usapan. Nilinga ang buong paligid. Nasa tabing-dagat sila at doon ipinasyang mananghalian. Sa buhanginan na rin nag-ihaw ng makakain.

"Yes," ani Lora. "Sa tabing-dagat ako lumaki. And Karl's a country boy. Nagtatrabaho siya through computers. Twice a week ay lumuluwas kami. Pero siguro kapag malaki na ang tiyan ko'y mababawasan ang pagparoo't parito namin sa Maynila. Ikaw, gusto mo bang magdalang-tao kaagad?"

Kristine Series 19, James Navarro (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon