MALIBAN sa kalansing ng mga kutsara't tinidor ay walang maririnig na usapan sa pagitan ng dalawa nang hapunan na. Si Chantal ay nakatuon ang buong pansin sa pagkain sa pinggan na hindi naman nagagalaw. Ni hindi niya gustong salubungin ang mga mata ni James.Alam niyang sinusulyapan siya nito. And everytime he did, nag-iinit ang mukha niya. Paulit- ulit ang eksena sa itaas na naglalaro sa isip niya. At hindi niya maiwasang pamulahan ng mukha.At alam niyang nahuhulaan nito ang naglalaro sa isip niya. At gusto niyang kasuklaman ang sarili roon.
"Nag-away ba kayong dalawa?" si Adora nang mainip na wala man lang nagsasalita sa kanilang dalawa.
"Huwag mo kaming intindihin, Adora," ani James sa matabang na tinig. "Nagkataong may natuklasan akong isang bagay sa asawa ko kanina at hindi niya gustong tanggapin iyon "
"Natuklasang ano?" kunot ang noong susog ni Adora.
"You're mistaken!" kontra niya kasabay ng pag- angat ng mukha rito. Alam niyang tinutukoy nito ang ginawa niyang mainit na pagtugon dito. "I–it was... Oh!" nanlulumong napaungol siya.
"Kumain ka, Chantal," utos nito. "Huwag mong paglaruan 'yang ulam. Walang kapantay ang sisig ni Adora."
Gusto niya itong singhalan sa pagtatratong bata nito sa kanya. Subalit naroon si Adora at hindi niya gustong marinig nito ang palitan nila ng salita. Hindi siya nakatitiyak sa maaaring sabihin ng asawa, lalo at hindi naman ibang tao ang turing kay Adora kundi kapamilya.
Ang galit niya'y ibinunton niya sa pagkain. Kung masarap man nga ang mga niluto ni Adora'y hindi niya alam. Gusto niyang tapusin ang pagkain at nang makaalis na sa harap ng asawa.
She heard a gurgling sound and her head went up to him only to find him smiling at her. No, it wasn't a smile. He was mocking at her.
"Childish tantrums again, Chantal?"
She gritted her teeth. At bago pa siya makaisip ng isasagot ay tumayo na si James."May tatapusin akong trabaho, Adora," wika nito at ibinaba ang linen napkin sa mesa. "Bago ka matulog ay pakisabi kay Elsa na dalhan ako ng kape."
Nawala na ito sa dining room pero nanatiling nakatitig si Chantal sa dinaanan nito.
"Natitiyak kong hindi mo sasabihin sa akin kung ano ang ibig sabihin ng asawa mong may natuklasan siya sa iyo," ani Adora, may nakatagong ngiti sa mga mata.
"Halos inamin na rin niya sa aking babae ang kasama niya sa Puerto Azul, Adora!" padabog niyang sagot. Iyon ang unang pumasok sa isip niya.
Umangat ang mga kilay ni Adora at napangiti. "Sinita mo ang asawa mo? At inisip ni James na nagseselos ka, ganoon ba?"
Napasinghap siya. "Hindi!" she denied vehemently. Pagkuwa'y huminga nang malalim. "May binanggit si Elsa noong araw na inihanda namin ang gamit ni James..."
"Kukutusan ko ang babaeng iyon sa kadaldalan," wika nito. Yumuko upang hindi niya makita ang ngiting hindi nito maitago. But she caught it and frowned. Tinutukso ba siya nito?Nag-angat ng ulo si Adora. "Maliligayahan ako at si Nayumi kung matututuhan mong mahalin si James, Chantal..."
"Adora, 'ayan ka na naman.. "
"Bulag, bingi at walang pakiramdam lamang ang babaeng hindi magkakagusto kay James, hija. At hindi mahirap para sa inyo ang magkaroon ng atraksiyon sa isa't isa. At natitiyak kong hindi ka pakakasalan ni James kung wala siya kahit na kaunting atraksiyon sa iyo—"
"Dahil sa binitiwan niyang pangako kay Quinn. Iyon ang dahilan..." pagdiriin niya. May kasiyahang gustong lumutang sa dibdib niya, kasiyahang agad na naglaho nang may maisip. "Sinabi ni Nayumi na na-pressure ng p-papa niya si James na pakasalan ako bukod pa sa pangako kay Quinn..."
BINABASA MO ANG
Kristine Series 19, James Navarro (UNEDITED)(COMPLETED)
Romance"My brother excels in everything, Chantal. He's a martial arts expert, a champion swimmer, he races cars like a madman... and he didn't just inherit my grandfather's looks but also Franco's business acumen and ambition. And women run after him as if...