33

23.9K 532 125
                                    


SA IBABA sa kuwadra'y napatingala sa silid nila si James nang marinig ang tinig ni Chantal. Nagdikit ang mga kilay na ibinigay niya ang renda kay Simon at nagmadaling pumasok sa bahay. Nasa loob na siya ng bahay nang muling marinig ang pagtawag nito. In a matter of seconds, he was at the foot of the stairs.

Nagsasalubong ang mga kilay na tiningala niya ang asawa na nasa landing.

"Anong—" He stopped in midsentence nang makitang halos walang kulay ang mukha nito. Dinalawang hakbang niya ang mga baitang sa pagpanhik. "Chantal, what's wrong?"

"S-sumasakit ang tiyan ko.. "

"Why? I mean, what happened?" nalilitong tanong niya. Hindi malaman kung paano hahawakan ang asawa.

"I-I fell... nadulas ako sa banyo..."

"Oh, lord!" Mabilis niyang pinangko ito at ibinaba ng hagdan at palabas ng garahe. "Adora, tawagin mo si Josue!" utos niya nang matanaw si Adora.

Si Adora na sandali lamang ang pagkabigla'y mabilis na sumunod. Naisakay na niya si Chantal sa backseat nang dumating si Josue.

"Sa pinakamalapit na ospital, Josue!" utos niya rito. Agad itong sumampa sa driver's seat at binuhay ang makina ng four-wheel drive. Ilang sandali pa'y inilalabas na nito sa garahe ang sasakyan.

"I'm sorry," ani Chantal, sobbing in fear and hysterics. "Hindi... ko sinasadya. Please, believe me, James... I didn't do it on purpose..."

"Hush, darling... Of course, I believe you..." he said gently. Pinahid niya ng palad ang mga luha nito. Hinawi ang buhok nito mula sa mukha patalikod at dinampian ng halik sa noo.

"H-hindi ko... mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa baby ko, James..."

"Please, darling, calm down. It isn't a baby yet... You're only a month pregnant..."

"How can you say that! Buhay ang nasa sinapupunan ko..." Sob after sob racked her body.

Hindi niya malaman kung paano kakalmahin ang asawa. He held her against his chest and kissed her hair. Ang isang kamay niya'y humahaplos sa braso nito.

"Everything will be fine," he whispered in her ear. Held her trembling body against him, giving her the security she needed at the moment. "You won't have a miscarriage... not if I can help it." And he was worried because it didn't stop her from crying so miserably.



***************************************Hayst nakakalungkot naman ang nangyari  kay Chantal , sana okay lang si baby :( Ang hirap talaga kapag nasstress ka sa asawa mo o sa ibang bagay tapos buntis ka. Sana talaga okay lang si baby kundi di ko na tatapusin itong story sa inis ko kay James char hahahahaha. Gigil mo ako james hahahaha. Pero huwag kayong gumaya sa akin mga beshie dapat chillax lang kayo maaga pa para mastress eh. mayang tanghali na kayo ma stress char hahahahaha. Naalala ko tuloy yung namatay na idol kong singer na si idol #Jamir. #ripIdolJamir nung mga panahong nadedepress ako , pinapakinggan ko lang yung songs niya para lumalakas ang loob ko at magpatuloy , hindi ko pa kasi alam nun yung mga stories ni Ms. MC eh. Mangmang pa ako nun sa makamundong mga bagay, inosente sabi nila sa mga bagay na panlupa char hahahaha pero nung naging makamundo na ay nakalimutan ko na ang aking sarili at nagpakalunod sa alak at mga problema kaya ayun nalugmok sa kalungkutan at ang tanging gabay na lang sa akin ay mga kanta ng aking mga inidolo kaya ayun siguro kung hindi ako nagkasakit nuon at naoperahan ay hindi pa siguro ako magigising sa mga luho ng mundo at hindi ko matutunang alagaan ang aking physical at mental na katawan. Sana huwag kayong gumaya sa akin mga beshie, kung sana noon pa may nababasa na akong mga stories ni Ms. MC ay sana hindi ko naranasan ang mga madidilim na parte ng aking kasaysayan char ang lalim ko dito , ako ba talaga ito hahahaha . Pero totoo nga , pero pinagpapasalamat ko pa rin naman ang lahat ng mga bagay ito dahil kung hindi ko yun naranasan ay hindi ko malalaman ang tunay na halaga ng buhay at ng mga kaibigan, kakilala, pamilya na umagapay sa hirap at lungkot at pighati at pagdurusa. Hindi ko pinagsisihan na nangyari sa akin yun kasi maramin akong bagay na natutunan at pinagpapasalamat dahil sa kabila ng lahat ng nangyari ay andito ako buhay, malakas at kausap ko kayo char hahahahaha. Feeling ko pwede na akong maging motivational speaker hahahahaha . Basta sa kabila ng lahat ng pangyayari sa ating buhay ay dapat tayong magpasalamat sa PANGINOON. Maraming salamat sa inyong lahat. Love you all char hahahaha . Take care and God bless. - Admin A *******************************************************

Kristine Series 19, James Navarro (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon