22

19.6K 532 48
                                    


SA LANDMARK parking lot nagkita ang dalawang babae. Pinauwi na ni Nayumi si Josue at sinabing ito na lang ang maghahatid kay Chantal pauwi sa Tagaytay.

"This is the best thing I like," natatawang wika nito at ikinawit ang braso sa kanya. "Shopping. Binigyan ka ni James ng sariling credit card, 'di ba?"

Tumango siya. Kasama ng isang ATM card ay ibinigay ni James ang mga iyon sa kanya nang araw na manggaling sila sa ophthalmologist. Bumili raw siya ng anumang bagay na kailangan niya.

"Pati na rin ATM card," aniya. "Hindi ko nga gustong tanggapin dahil may sarili naman akong pera pero nagpilit siya at alam kong magagalit kapag nagmatigas ako."

"Loka," natatawang sabi ni Nayumi. "You're a novelty, Chantal. Iyong ibang babaeng nakarelasyon ni James, umaasa ng mamahaling regalo kung hindi man pera."

"Hindi ako ibang babae, Naya, I'm his wife. Ano pa ba ang maaari kong kakailanganin? He is providing me everything I need... at kahit nga iyong mga hindi ko kailangan. At natitiyak kong sobra-sobra ang laman ng ATM card na ito."

"Huwag mong gawing issue iyan." May inabot itong bestidang naka-hanger sa rack. "Look at this, bagay sa iyong tiyak ito... at ito rin..."

Ilang sandali pa'y nagkakatuwaan na silang dalawa sa pamimili. Hindi lang isang party dress ang gusto ni Nayumi na bilhin niya. Iba't ibang style ng damit at napakaraming gamit pambabae ang itinuro nito. Mula sa underwears hanggang sa pabango at makeup. At aminin man niya o hindi, nag-e-enjoy siya. No wonder shopping ang isa sa mga weaknesses ng mga babae.

Pagkatapos nilang mamili ay pumasok sila sa isang kilalang coffee shop and was shocked to learn that a cup of coffee would cost so much. Hindi pa sila natatagalang makaupo nang mula sa pinto ng coffee shop ay sumungaw si Renz. Nagulat pa ito nang matanaw sila. Kinawayan ito ni Nayumi.

"Hi, ladies..." nakangiting bati nito. Hinila ang isang silya at naupo. "Shopping?"

"Yeah. Hindi na nga kami magkandatuto sa pagbuhat, eh," ani Chantal.

"I'm not surprised. Naya's a shopping bug."

"Why are you in this area, Renz? May kausap ka ba rito?" tanong ni Nayumi, then sipped her iced cappucino.

"Yap, but got stood up," nakatawang sabi nito sabay sulyap kay Chantal and winked at her. Siya namang pagtunog ng cell phone ni Nayumi, dinukot nito iyon sa bag at sinagot.

Kinawayan ni Renz ang waiter at humingi ng kape. Si Chantal ay nahulaang si Alvaro ang kausap ni Nayumi sa kabilang linya. Hang sandali pa'y ini-off na nito ang cell phone at muling ipinasok sa bag.

"Oh, Chantal," wika nito, "tumawag ang Papa, nagpapasundo sa barber shop. And knowing my father, tutuloy pa iyon sa massage parlor pagkatapos."

"It's all right, Naya," walang anumang sabi niya. Hindi ikagagalit ni James kung matatagalan sila sa pag-uwi kung dahil lang sinamahan nila si Alvaro.

"No, no. Matatagalan ang Papa sa barber shop." Binalingan nito si Renz nang biglang may pumasok na ideya rito. "Ikaw na lang kaya ang maghatid kay Chantal, Renz? Is it okay with you? Wala ka bang appointment?"

Renz shrugged his shoulders. "Libre ang oras ko..."

"That's great." At bago pa may masabi si Chantal ay nasa kanya na uli ang pansin ni Nayumi. "I'm sure you won't mind, Chantal. Napaka-wrong timing naman kasi ng papa, eh. Don't worry, Renz' a good company, ginagarantiyahan ko."

"Chantal's in good hands, Naya. Go ahead." "You're an angel, Renz," wika nito at binuhat na ang sariling shopping bag. "Gotta go, Chantal, pasensiya ka na."

"O-okay..." marahang sabi niya. Nabigla ma'y hindi na rin siya kumibo. Sinundan ng tanaw ang paglabas ni Naya ng coffee shop.

Sinulyapan ni Renz ang relo niya. "Six-thirty. Let's have an early dinner somewhere else bago umuwi. Sandwich lang ang tanghalian ko."

"S-sure. Pero paano ang in-order mo?" Dinukot nito ang portamoneda sa bulsa ng pantalon at kumuha ng bill at sinenyasan ang waiter bago inilapag iyon sa mesa at hinawakan na siya sa siko at iginiya palabas.

They went fine dining. At hindi maitatanggi ni Chantal na nagustuhan niya ang mga pagkaing in-order ni Renz nang ipaubaya niya rito ang pag- order para sa kanya. Natitiyak niyang French ang lengguwaheng nakasulat sa menu na kung may English translation man sa ilalim niyon ay hindi rin naman siya familiar sa pangalan ng mga pagkain.

She looked around her. The place was elegant, at nakikita niyang puro may mga sinasabing tao ang mga naroroong customers. At kung hindi nakamaong din lang ng pantalon si Renz at puting sport shirt ay baka nailang na rin siya sa suot niya.

Marahil ay walang dress code sa restaurant na iyon na nasa loob ng isang five-star hotel.Renz was handsome and charming. Maraming mga kababaihan ang nagtutuon ng tingin sa dako nila. Kahit ang ilang mga kalalakihan ay sandaling nag-angat ng ulo nang pumasok sila kanina. Tulad ni James, he, too, had a commanding personality. Perhaps a Navarro trait dahil kahit puti nang lahat ang buhok ni Franco ay nakikita niya ang aroganteng tayo at paraan ng pagsasalita nito.

They had wine after their meal. And she thoroughly enjoyed his company, laughing with his jokes. He was a good conversationalist. They'd talked of anything under the sun. From movies to politics. At lumipas ang mga sandaling hindi niya namamalayan.

"I hope I did you justice as your date, Renz," she said in a little insecured tone nang nasa labas na sila ng hotel at hinihintay ang pagkuha ng valet ng kotse nito.

"More than just justice, Chantal," wika ni Renz, he stared at her with open admiration. "A man couldn't ask for more."

"Thank you." She smiled at him and took the compliment with grace.Huminto ang sports car ni Renz sa tapat nila at bumaba ang valet. Renz tipped him and opened the passenger for Chantal and let her in.

"Oh!" she exclaimed nang palabas na sila sa highway at masulyapan ang oras sa dashboard. Alas-diyes y media. "Hindi ko alam na inabot tayo ng ganitong oras."

"We both enjoyed the night. Hindi natin namalayan ang oras. Don't worry, Cinderella," nakangiting sabi nito. "I'll get you home before the clock strikes twelve midnight."Cinderella.

The name was aptly given. May pakiramdam siyang tila siya si Cinderella. Sino ang mag-aakalang magkakaroon siya ng pagkakataong makakain sa isang French restaurant na ang mga customers ay nasa higher echelon ng sosyedad.

Hindi lang iyon, who would have ever dreamt that from her simple life in Aurora as kindergarten teacher she would be married to a gorgeous millionaire, albeit the circumstances that brought her to this marriage.

Naalala niya si Helen. Susulatan niya ito at natitiyak niyang mamamangha ang kaibigan sa nangyayari sa buhay niya.



*****************************Grabe talaga ang bibi Renz ko, lagot ka sa akin mamaya bibi hahahahaha. Alam n'yo ba mga beshie, dami kong iniisip sa sobrang dami kong iniisip wala na akong nagagawa kundi malungkot, alam mo yung feeling na sa sobrang dami mong gustong gawin wala kang nagagawa ni isa. Alam n'yo yun parang ang hirap, ang hirap kumawala sa kadenang nakatali sa atin sa realidad ng buhay at pag-ibig char hahahaha. Parang ako hirap maiwala sa mga Kristine Series boys na dumaan sa aking buhay char hahahaaaaaaa. Dami ko na namang sinasabi hahahaha. Basta thanks mga beshie at nandyan kayo, yung gift n'yo sa akin sa Dec. iready n'yo na mga beshie hahahahaha char. Love you all . Ingats mga beshie. Saranghaeeee  <3 <3 <3 - Admin A ********************

Kristine Series 19, James Navarro (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon