NANG humupa ang bugso ng damdamin ay nanatiling nakahiga sa kama si Chantal. Blankly staring at the shadowy patterns reflected on the veranda glass door by the trees habang ang mga sanga nito'y isinasayaw ng hangin. Kung gaano siya katagal nanatili sa ganoong ayos ay hindi niya alam. Subalit nang sa pakiramdam niya'y kalmante na ang damdamin niya'y tumayo siya at pumasok sa banyo at binasa ng tubig ang mukha upang kahit paano'y mapawi ang bakas ng pag-iyak niya.
Inayos niya ang sarili at isinuot ang salamin sa mata at lumabas ng silid at bumaba. Dahil kung hindi niya gagawin iyon ay natitiyak niyang papanhikan siya ng tanghalian ni Adora.
"Ipatatawag na sana kita kay Elsa," wika nito nang bumungad siya sa dining room. "Nakahain na ako. Lechong manok at sinigang na hipon ang tanghalian. Tiyak na magugustuhan mo. Maupo ka na at humigop ng mainit na sabaw..." wika ni Adora at agad siyang nilagyan ng pagkain sa pinggan.
"You're spoiling me, Adora," banayad niyang sabi, clearing her throat.
Mas lalong bumigat ang dibdib niya sa pagsisilbi nito dahil may pakiramdam siyang gusto niyang umiyak dito at ibuhos ang sama ng loob. Pero hindi niya magagawa iyon. Adora would know for sure that she had fallen in love with her husband. At maaari nitong kausapin at sitahin si James.
"Ipagpaubaya mo na sa akin ang ginagawa ko, Chantal. Para na ring nadagdagan ang anak ko. Kayo nina James at Naya." Naupo na rin ito at nagsimulang lagyan ng pagkain ang sariling pinggan.
Hindi niya gustong kumain subalit hindi niya kayang tanggihan ang kalam ng sikmura. Walang kibo siyang kumain. Mayamaya'y nag-angat ng mukha.
"Adora..." she paused, "si... si Sylvia ba ay tagasaan?"
Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ng matandang babae sa tanong niya. "Sa pagkakaalam ko'y taga-Cebu ang mga magulang niya pero sa Maynila sila nagkakilala ni James. Isa siyang Binibining Pilipinas runner-up. Bakit bigla mong naitanong?"Sa nanginginig na kamay ay inabot niya ang soup bowl at banayad na humigop ng sabaw bago sumagot.
"W-wala lang..." She felt like dying. At kung hindi ang matinding pagpipigil sa sarili'y baka bumulalas na naman siya ng iyak.
Kung mayroon man siyang gustong kasuklaman ay walang iba kundi ang sarili niya—for falling in love with James.
"May problema ba, Chantal?" nag-aalalang tanong ni Adora.
"Wala, Adora... gusto ko lang umiyak." It was safer to tell the truth. But not the reason behind it.
"Hindi ko maintindihan ang sarili ko."
Nakakaunawang ngumiti si Adora. "Kabahagi ng pagdadalang-tao iyan, hija. Hormonal changes..."
SHE WAS at the veranda blindly watching the verdant rolling hills and the forests nang dumating si James. Nagulat pa siya nang yakapin siya nito mula sa likod at hagkan sa batok. Ang mga kamay nito'y agad na dinama ang dibdib niya, kneading them gently.
"Oh, I missed you, darling," James murmured in her hair, then biting her earlobe gently. "Hmm...you always have this bewitching scent, Chantal."
Sa kabila ng lahat ay iglap na may pinukaw na init sa kanya si James. Pride at self-preservation ang nagpigil sa kanya upang huwag gumanti ng yakap at halik dito. She missed him so much that it was killing her.
Pagkuwa'y huminto ito sa paghalik at pagdama sa kanya, iniharap siya nito, raised her face to his. Pagkuwa'y nagsalubong ang mga kilay.
"Are you all right?"
"What made you ask that?" Ipinagpasalamat niyang hindi siya nag-stammer.He shrugged. "Somehow... you're different. Your eyes look so sad and... Oh, I must really have missed you so much and started to imagine things. Ang sabi ni Adora'y may sorpresa ka sa akin.
BINABASA MO ANG
Kristine Series 19, James Navarro (UNEDITED)(COMPLETED)
Romance"My brother excels in everything, Chantal. He's a martial arts expert, a champion swimmer, he races cars like a madman... and he didn't just inherit my grandfather's looks but also Franco's business acumen and ambition. And women run after him as if...