"FOR PETE'S sake, ano ang ginagawa mo?!" Pumuno sa tenga niya ang galit na tinig ni James.Ang sindak ni Chantal ay nauwi sa galit. Naniningkit ang mga matang hinarap niya ito. "Wala kang karapatang takutin ako nang—" Hindi niya natapos ang sasabihin nang makita ang mga mata nito. Kung nagagalit siya'y higit ito.
"You're such a silly girl, aren't you? Ano ang ginagawa mo't pumanhik ka sa stool na iyan?" Sandaling lumipad ang mga mata nito sa stool sa likod niya bago iyon ibinalik sa kanya.
"Gusto ko lang isara ang top door closet!" she hissed. "Hindi ko maintindihan kung ano ang dapat mong ikagalit at tinakot mo ako nang ganoon."
"Hindi ko intensiyong takutin ka. Ako ang tinakot mo na baka ka mawalan ng panimbang at mahulog! Maaari mo namang iutos kay Elsa o sa mga lalaki ang bagay na iyan. Paano kung nahulog ka?"
Napailing siya. Ang galit ay nabawasan nang mahimigan ang pag-aalala sa likod ng galit nitong tinig.
"Nakakatawa kayong mayayaman..." she said in dry amusement. Tiningala niya ang itaas ng closet. "Kaunting trabaho ay iuutos sa katulong. Iyan ba namang distansiyang iyan ay ipag-aalala mo? Pinapanhik ko ang puno ng mangga sa amin, James."
Hindi niya matiyak, subalit tila may ngiting gustong sumilay sa mga labi nito sa huling sinabi niya.
"Hindi ko maisip ang anyo mo sa itaas ng punong mangga, Chantal," he said, anger gone. May ibang tonong humalili sa tinig nito. Something seductive...
At kung ano man iyong gusto niyang sabihin ay tuluyang naglaho sa isip niya nang mapunang hanggang sa mga sandaling iyon ay nasa baywang pa niya ang mga kamay nito. Bigla ang pag-ahon ng panic sa dibdib niya, mabilis na kumawala at tumalikod. In the process, tumama ang paa niya sa stool at nawalan siya ng panimbang.
Muli'y naroon ang kamay ni James sa baywang niya at pahapit siyang hinila.
"B-bitiwan mo ako, James..." Ang mga kamay niya'y nasa dibdib nito na automatic niyang isinangga.
Ang buntong-hiningang pinakawalan ni James at ang mukha nito'y nagbabadya na tila ito martyr at na labis-labis ang pagpapasensiyang ginagawa sa kanya.
"Lahat ng ginagawa ko ay para sa iyo, Chantal," wika nito sa pinakabanayad na tinig na narinig niya mula rito. And that made her feel so guilty.
"T-thank you... pero mas marami akong kapahamakang aabutin sa ginagawa mo." Ang pagsisikap na lagyan ng akusasyon ang tinig ay nawalan ng silbi. Napangiwi siya, nasaktan ang paa niyang tumama sa stool.
"I won't let harm come to you, Chantal. You're carrying Quinn's child. I don't want to let my father down where you were concerned and afterwards put the blame on me."
Ang guilt ay iglap na nawala. Heto siya at agad inisip na kapakanan niya ang inaalala nito, iyon pala'y hindi lang gustong masisi ni Alvaro kung may mangyari sa kanya.
But then, bakit niya inasam na siya ang inaalala nito?Ipinagbuntong-hininga niya ang kalituhan. Sa pagkakataong iyon ay maingat at matagumpay niyang napakawalan ang sarili nang walang disaster.
"Alam ba ni Adora na dumating ka na?" tanong niya, she tried avoiding his eyes.
"Kung hindi sa mga stammering mo, hindi mo ako gustong tingnan nang deretso kapag nakikipag- usap ka sa akin. Napakalaki ba talaga ng kaibahan namin ni Quinn? Was he too saintly while I look like a devil to you?"
Ikinabigla niya ang tanong nito. James was everything Quinn talked about. Arrogant, strong, handsome that he had women throwing themselves at his feet. At kailanma'y hindi niya naihanda ang sarili na makaharap ito, higit sa lahat, ang mapakasal dito.
BINABASA MO ANG
Kristine Series 19, James Navarro (UNEDITED)(COMPLETED)
Romance"My brother excels in everything, Chantal. He's a martial arts expert, a champion swimmer, he races cars like a madman... and he didn't just inherit my grandfather's looks but also Franco's business acumen and ambition. And women run after him as if...