8

18.1K 517 11
                                    


UMUWI si Chantal nang hapong iyon at palihim na inilagay sa bag ang mga kakailanganing dokumento sa pagpapakasal nila ni Quinn. Nagpaalam sa tiyahing sa bahay nina Helen matutulog dahil wala itong kasama at lumuwas ang mga magulang. Hindi iyon totoo subalit wala siyang ibang maisip na dahilan.

"Naloloka ka na ba!" bulalas ni Helen nang marinig ang napili niyang solusyon sa problema niya.

"Matagal na nating kilala si Quinn, Helen. He was a perfect gentleman. Kahit minsan ay wala akong makita sa kanyang dapat kong ipintas..."

"Estranghero pa rin siya, Chantal!" protesta nito. "At ni wala tayong alam tungkol sa buhay ng lalaking iyon. Dayo lang siya sa kabilang barangay. For all you know, isa siyang ex-con."

"Hindi totoo iyan," depensa niya. "Quinn's too gentle and mild. Isa pa'y wala ka namang nakikitang tattoo, 'di ba?"

"Baka natatago lang ng damit," giit pa rin ni Helen. "At saka napakalaki ng agwat ng edad ninyo!"

"I love him, Helen..." halos pabulong niyang sabi at nagyuko ng ulo.Nanlaki ang mga mata ni Helen. May ilang sandali ang pinalipas bago nagsalita. "Hindi mo ako mapapaniwala sa sinasabi mong iyan. Sa kalagayan mo ngayo'y nakikita mo si Quinn bilang lifeline. At ipinagkakamali mong pag-ibig..."

"Kung magsalita ka'y para namang marami kang alam tungkol sa pag-ibig," aniya, sinamahan iyon ng ngiti. "Magkasing-edad lang tayo halos. Isa pa'y buo na ang pasya ko, Helen..."

Nalulungkot itong umiling. "Sana'y hindi mo pagsisihan itong ginagawa mo, Chantal. At ikinalulungkot kong wala akong magagawa para matulungan ka sa problema mo. Ni hindi ko maisuhestiyong tumakas ka at lumuwas ng Maynila dahil baka higit na kapahamakan ang sapitin mo roon."

"Basta bukas pagkatapos ng oras ko sa mga bata'y samahan mo kami ni Quinn..."

At kinabukasan nga ng hapon pagkatapos ng oras niya sa montessori ay halos magkasabay na dumating sina Quinn at Helen. Sinamahan sila nito sa kakilala nitong officiating minister. Si Helen na rin ang tumayong testigo.

"Congratulations, Mr. and Mrs. Borromeo," wika ng nagkasal at kinamayan sila. Pagkatapos ay tinapik nito sa balikat si Quinn. "Ikaw na ang bahalang magdala ng mga papeles sa munisipyo sa bayan, Mr. Borromeo..."

Tumango si Quinn at ibinigay sa kanya ang dokumento ng kasal nila at tinanggap ang pagbati ni Helen at ang maybahay ng officiating minister. Kasama pa rin si Helen nang umuwi sila ni Quinn sa kanila upang kuhanin ang mga gamit niya.

Galit na tinitilian siya ni Lolita nang sabihin niyang mag-asawa na sila ni Quinn. Sabi nito'y wala siyang utang-na-loob; na ano ang mapapala niya sa pagpapakasal sa isang tulad ni Quinn; at kung ano-ano pang mga salitang ipinagbingi-bingihan na lamang ni Chantal.

Palabas na siya sa silid niya nang hawakan siya sa braso ni Mariano. "Naunahan ako ng lalaking iyon, Chantal..." wika nito, nasa mga mata ang pagkasuklam at malisya. "Dapat sana'y—"Subalit hindi pinatapos ni Chantal ang sinasabi nito. Halos takbuhin niya ang hagdanan pababa, hila-hila ang maleta niya. Higit kailanman, noon niya natiyak na tama ang ginawa niya. Nakahinga lamang siya nang maluwag nang makasakay sila ni Quinn sa tricycle at pauwi na sa bahay nito.

ANG PAGHAWAK ni Nayumi sa braso niya ang nagpabalik ng isip ni Chantal sa kasalukuyan.

"Tayo na, natitiyak kong nag-iisip na niyan si James kung bakit kay tagal mong bumaba..." wika nito at inilagay sa mga kamay niya ang bouquet ng mga sariwang bulaklak. Roses, in varieties of colors. Sa ibang pagkakataon, she would have appreciated the flowers."I... I wonder why James agreed to this marriage, Nayumi," anas niya. Tila ba may bolang bakal na nakakadena sa mga paa niya nang humakbang. Na para bang sa silid-bitayan siya pupunta sa halip na sa kasal niya. "Natitiyak kong hindi dahil pinanghihinayangan ni James na mawala ang trust fund ni Quinn. Sa nalaman ko sa nakalipas na limang linggo'y alikabok lamang iyon sa kayamanang pag-aari ng mga Navarro."

"Nangako si James kay Quinn, Chantal, na magiging legal na Navarro ang magiging anak ninyo. Even in his deathbed, Quinn was so obsessed about that..." Gumaralgal ang tinig nito at umiwas ng tingin, marahil upang hindi niya makita ang pagkislap ng namumuong luha sa mga mata nito.

Hindi pa natatagalang namamatay si Quinn, sariwa pa ang sakit na iniwan ng pagkawala nito sa pamilya. Na marahil ay mas pinatindi ng guilt na taglay ng bawat isa, dahil nag-iisa ito sa panahong alam nitong may taning na ang buhay. At si Alvaro ay ganoon na lamang ang pasasalamat kay Chantal dahil sa paningin nito'y inalagaan niya si Quinn sa panahong nag-iisa ito; na pinaligaya niya si Quinn sa mga huling araw nito.

She even doubted that. It was the other way around. Dahil sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay niya'y mas naging matiwasay at maligaya siya sa dalawang linggong pagsasama nila ni Quinn—kung matatawag mang pagsasama iyon. Na nang dahil kay Quinn ay nakalaya siya mula sa manipulasyon ni Lolita at sa kapahamakang maaaring sapitin mula sa mga kamay ni Mariano.

"You see," patuloy ni Nayumi, "Quinn was my father's son, his spitting image. Iba man ang ina niya'y isa pa rin siyang Navarro. Kung hindi man sa pangalan ay sa dugo, Chantal. At isa iyan sa alam kong hinanakit ni Quinn—ang hindi niya magamit ang pangalan ng Papa... Though my father would have had done anything in his power mapalitan lang ang pangalan ni Quinn, But there are things in this world money can't buy..."

Yes, she agreed silently. Hindi miminsang sinabi ni Quinn na hindi pera ang pagmumulan ng kaligayahan ng isang tao.

"But now that Quinn's dead, maiintindihan ng lahat na hindi itutuloy ni James ang ipinangako niya kay Quinn... He didn't have to marry me... isa iyong malaking pagsasakripisyo sa sarili, Nayumi..."

"Siguro nga. But my father was holding him on to his promise to Quinn."

"W-what do you mean by that?"

"Si Papa ang nag-pressure kay James na pakasalan ka sa sandaling malamang nagdadalang-tao ka..."

Nahinto siya sa paghakbang. "A-ang papa mo?" Hindi siya makapaniwala roon. Hindi si James ang uring nagpapa-pressure sa kanino mang tao.

"Madali para sa amin ang ibigay ang pangalang Navarro sa sandaling maisilang ang anak mo. Subalit bastardo pa rin ang kalalabasan ng bata. Walang ipinagkaiba kay Quinn. At iyon ang hindi gusto ng Papa. And James would do anything to please him..." Nabahiran ng lungkot ang tinig nito sa bahaging iyon. Humakbang na ito palabas sa pinto. Sumunod siya.

Nasa bungad na ito ng hagdanan nang lumingon. "On top of all that, si James ang uring hindi tumatalikod sa pangako, Chantal."


Yes. She could believe that.



*********************Minsan talaga masarap alalahanin ang mga bagay - bagay lalo na kapag masaya at nakapagdulot sa'yo ng kakaibang kasiyahan parang noong tayo pa, masarap alalahanin ang masasayang sandali natin sa piling ng isa't isa char hahahaha. Kapag ganitong makulimlim talaga na panahon masarap mag reminisce (tama ba spelling ko? basta yun na yun hahaahaa ) char hahahahaha. Kayo ano ang naalala n'yo? - Admin A **************************

Kristine Series 19, James Navarro (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon