19

18.2K 491 60
                                    


NANG magising si Chantal kinabukasan ay mabilis siyang bumangon kasabay niyon ay ang pagsalakay ng hilo kaya ipinasya niyang maupo muna sa gilid ng kama. Ilang sandali niyang pinalipas ang hilo at saka pa lamang muli tumayo.

Bukas ang kanugnog na silid at sumilip siya. Wala roon si James subalit naroon pa ang attache case nito. Marahil ay nasa ibaba lang. Hatinggabi na'y naririnig pa niya ang keyboard ng computer. Gusto niya itong pasukin upang itanong kung ano ang maitutulong niya subalit hindi siya nagkaroon ng lakas ng loob na gawin iyon. At hanggang sa makatulugan na niyang nagtatrabaho pa rin ito.

Lumakad siya patungo sa pinto ng veranda at binuksan iyon at lumabas. Malamig na pang- umagang hangin ang humaplos sa mukha niya.Then she saw him.

Sakay ito ng malaking kabayong nakita niya minsan sa kuwadra at pinapaliguan ni Simon. Ayon kay Simon, isa iyong chestnut Arab breed. Maaga marahil itong bumangon at nakapangabayo na dahil nakikita niyang pabalik na uli ito. Kumaway ito nang matanaw siya sa veranda.

She was hesitant to wave back. Her pulse started to drum in her ear. She was mesmerized. Iyon ang unang pagkakataong nakita niya ito sa ibabaw ng kabayo. And she couldn't come to terms with the man and the horse, with verdant rolling hills as backdrop. She could be watching a Marlboro commercial. James and horse were poetry in motion. At hindi niya mapaniwalaang ang isang lalaking tulad ni James ay umiiral.

He was exceptionally good-looking and as sexy as all get-out. Sana'y nanatili na lang na pantasya ang taong ikinukuwento ni Quinn sa kanya.

She filled her lungs with morning air. She admired him. Iyon ang natitiyak niya. Pero naroon pa rin ang bahagyang takot niya rito. Takot na hindi katulad ng nararamdaman niya kay Mariano. Kung ano mang uring takot iyon ay hindi niya maintindihan.

Muli itong kumaway nang ilang metro na lang malapit sa kuwadra. This time, she waved back. Muling lumanghap ng sariwang hangin at nagmamadaling bumalik na uli sa loob ng silid.

Alam niyang papasok ito sa banyo pagpanhik at minabuti niyang mauna na. Dinala niya pati bihisan sa loob ng banyo, na karaniwan na'y hindi niya ginagawa. Pero hindi niya nais na abutan siya ni James na nakatapis lang ng tuwalya.

Tinimpla niya ang tubig sa shower bago mabilis na naghubad. Ilalagay na lang niya ang underwear niya sa laundry basket nang matigilan siya.

Dugo!May bahid ng dugo ang underwear niya! Napasinghap siya? Bakit may dugo siya? Tila napasong binitiwan niya ang underwear at hinablot ang tuwalya mula sa towel rack at itinapis iyon sa katawan habang nagmamadaling lumabas. Nasa gitna na siya ng en suite papasok sa silid niya nang siya namang pagpasok ni James. Kasalukuyang hinuhubad ang puting kamiseta na puno ng pawis.

"James!"

"Kung mamangha ka'y para akong tagaibang planeta." He shook his head in exasperation at inihagis sa sofa ang T-shirt.

"James... I... I..."

"What?!" he snapped.

"I'm... bleed—No, I think I have my period!" nalilitong sabi niya. Hindi niya matiyak kung alin ang tama. But she relied on her instinct, at ganoon din sa nararamdaman niya.

"Your period," wala sa loob nitong ulit, staring at her blankly."I... I don't know. I'm not really sure. But., but there's blood in my panties."May kung ilang sandaling nakatayo lang doon si James. At nang marehistro ang sinasabi niya'y mabilis itong lumapit sa kanya sa malalaking hakbang at hinawakan siya sa magkabilang balikat.

"This isn't a joke, Chantal, is it?" His voice quivered slightly.

She shook her head. "W-wala akong ginawang anuman, James. Hindi ako pumatong sa stool at hindi ako nahulog o natumba..." she said defensively dahil hindi niya maintindihan kung galit, takot, o ano ang nasa mga mata nito.

Kristine Series 19, James Navarro (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon