SI NAYUMI ay bahagya lang na nilingon si Chantal at tuloy-tuloy na. Samantalang napahinto siya sandali sa gitna ng hagdanan nang makitang nakatayo sa puno niyon si James. Tall, dark and devastatingly handsome. At nakabadya sa mukha ang pagkainip.
Well, if someone would ask her what the devil looked like in barong-Tagalog, then she would have a definite answer. Ipinagpatuloy niya ang pagbaba bago pa manlambot ang mga tuhod niya. At pipiliin sana niyang lumihis sa kabilang bahagi ng hagdan but that would make her look foolish.
"Who chose that wedding dress?" he asked as she descended the final two steps. nagdidikit ang mga kilay nito habang sinusuri ang suot niya. "Kung damit-pangkasal man ngang matatawag iyan? I can't believe my sister have chosen such horrible—"
"Don't blame Nayumi," agad niyang sabi. "A-ako ang pumili ng damit na ito..."
Lalong nagdikit ang mga kilay ni James. "You're entitled to wear a proper wedding dress, Chantal," he said brusquely. "This is your wedding day not your elementary graduation!"Napahugot siya ng paghinga. Hindi maiwasang yukuin ang sarili. She had never been vain in her whole life, at alam niyang rebellion ang dahilan nang piliin niya ang ganoong uri ng damit-pangkasal.
Subalit ngayong si James mismo ang pumintas niyon ay parang gusto niyang pagsisihang pinili niya ang damit na iyon.
She bit her lip. "O-ours is not a normal marriage, James... It doesn't matter what I wear..."
"It does to me, Chantal," he said angrily, ang mga mata nito'y matalim na muling humagod sa kabuuan niya na gusto niyang manliit. Tila ba anumang sandali'y hahablutin nito ang damit sa katawan niya at pagpupunit-punitin. "And just in case you forgot, this is also my wedding day... At hindi katulad ng kasal ninyo ni Quinn, ang magiging seremonyas ngayon ay legal... It would bind you to me... as my wife!"
"Hindi sinasadya ni Quinn na hindi maging legal ang kasal namin!" pagtatanggol niya kay Quinn. Nasasaktan siyang marinig na tila ipinahihiwatig ni James na niloko siya ni Quinn at sadyang hindi ginawang legal ang kasal nila.
"Yes! But it was just like him to forget something as important as legalizing his marriage."
Nanlaki ang mga mata niya sa akusasyong iyon ni James sa kapatid na wala na para ipagtanggol ang sarili. At gusto niyang tumakbo palayo sa lalaking ito sa sandaling iyon... He wasn't like Quinn at all. Quinn was mild, gentle and caring. Gusto niyang isigaw rito na hindi kailangang pakasalan siya nito... Instead tears filled her eyes.
James muttered an oath at tumingala sa kisame. "I really don't understand why you women could cry in a drop of a hat," he said drily. Then his arms went around her and pulled her to his chest. "Come now, Chantal, don't cry..." His voice had changed to a gentler tone. Dumukot ng panyo sa bulsa ng pantalon at ibinigay sa kanya.
Ang biglang pag-iiba ng tono at kilos nito'y nakalito kay Chantal. Wala sa loob na inabot ang panyo mula sa kamay nito.
Parang araw at gabi ang kaibahan nina James at Quinn. Quinn was fair, of medium height at hindi malaki ang katawan, ni wala siyang makitang muscles dito. Bagaman ngayon ay alam na niya kung bakit, dahil nga buong buhay nito'y lagi na lang itong maysakit. While James was dark, big and tall, kung tatayo siya nang tuwid ay aabot lamang ang ulo niya hanggang sa may baba nito.
And while Quinn was soft-spoken, mild and reasonable, James was a big bully, arrogant and brusque.
Kumawala siya mula sa mga bisig nito. "S-salamat," aniya, nanginginig ang kamay niya habang idinadampi sa mga mata ang panyo nito. At nang tumingala siya upang ibalik ang panyo'y nanlaki ang mga mata niya nang makitang nabasa niya ang barong-Tagalog nito.
BINABASA MO ANG
Kristine Series 19, James Navarro (UNEDITED)(COMPLETED)
Romance"My brother excels in everything, Chantal. He's a martial arts expert, a champion swimmer, he races cars like a madman... and he didn't just inherit my grandfather's looks but also Franco's business acumen and ambition. And women run after him as if...