23

18.8K 507 29
                                    


NA-TRAFFIC sila pagdating sa coastal road dahil may container van na marahil ay nawalan ng preno at tumagilid sa tabing-daan. At bagaman mabilis ang ginawang pagpapatakbo ni Renz, nakarating pa rin sila ng bahay ng hustong alas-dose.

"Sorry, Cinderella," Renz turned to her grinning, matapos maibaba ang pinamili niya sa may porch. "Kung ako lang mag-isa sa kotse'y mas mabilis akong magmaneho but I don't wanna scare you. Anyway, get inside before you turn into a pumpkin..." He bent and planted her lips a brief kiss before she could react. "Goodnight, Chantal."

Nabigla siya subalit hindi nagpahalata. Hindi niya iyon gustong bigyan ng malisya. It seemed that kissing was an ordinary thing for Renz.

"Hindi ka ba muna tutuloy?" tanong niya nang bumalik ito sa sasakyan at binuksan ang pinto sa driver seat. "O, di kaya'y dito ka na matulog?"

"Thanks, but I have an early meeting tomorrow. Give my regards to James and Adora." Iyon lang at sumakay na ito at mabilis na pinaatras ang Mercedes sports sa driveway.Nang mawala sa dilim ang sports car nito'y hindi sinasadyang nagtaas siya ng tingin sa ikalawang palapag at nakita niyang nakapanungaw roon si James. Dahil maliwanag naman sa silid, natanaw pa niya ang madilim nitong anyo bago agad ding umalis sa bintana.Bumukas ang pinto at lumabas si Elsa at tinulungan siyang ipasok sa loob ang mga shopping bags

"Si... Adora?"

"Tulog na, ma'am, sinumpong ng rayuma. Kanina pa kayo hinihintay ni Sir. Galit yata, eh. Nakailang shot na nga iyon ng brandy, eh..." Gusto niyang mairita sa kadaldalan ng katulong pero hindi siya kumibo. Bahagyang kinakabahan siyang tumingala sa itaas. And hated herself for feeling so. Kapatid at pinsan nito ang mga kasama niya. She sighed heavily. Ikinagagalit ba nitong inabot sila ng hatinggabi sa pag-uwi?

"Iwanan mo na ang mga iyan diyan, Elsa, at matulog ka na rin," utos niya rito. Ang servants' quarters ay nasa likod ng labas ng bahay. May dalawang silid doon, isa para sa mag-asawa at isa kay Josue. "Ako na ang bahalang magsara ng bahay."

Naghikab si Elsa kasabay ng pasasalamat at tumalikod na.May ilang sandali siyang nakatayo roon, hindi malaman ang gagawin. Tumingala siya sa itaas, pagkatapos ay lumakad patungo sa kusina upang isara ang pintong nilabasan ni Elsa. Pinatay ang mga ilaw na bukas at pumanhik sa itaas. Puno ng antisipasyon ang dibdib, subalit ang inaasahan niyang presensiya nito sa silid ay wala. Bukas ang connecting door at alam niyang wala ang asawa roon. Napuna niya ang nakabukas na pinto sa balcony at marinig ang splash ng tubig sa pool sa ibaba.

Lumakad siya palabas sa balkonahe at natanaw niya si James na lumalangoy. Paroo't parito. In a punishing way. Halos hindi lumilitaw ang ulo sa tubig. Sa paraan nito ng paglangoy ay natitiyak niyang sa tubig nito ibinubuhos ang galit. Mabilis siyang nagbalik sa silid, pumasok sa banyo at naglinis ng katawan at nagsuot ng pantulog nang wala pang limang minuto. She locked the connecting door. Gusto niyang isipin ni James na tulog na siya pagpanhik nito.

Pagkatapos ay pinatay ang main light at binuksan ang lampshade sa night table at nahiga. Closing her eyes tightly sa pag-asam na makakatulog siya kaagad.Subalit hindi pa nag-iinit ang katawan niya sa kama nang marinig niya ang tinig nito sa kabilang silid.

"Buksan mo ang pinto, Chantal!"

Napabangon siyang bigla. Hindi malaman kung magkukunwang tulog na o bubuksan ang pinto. But the voice behind the door was angry. Kaya minabuti niyang tumayo at pagbuksan ito. At tumambad sa kanya ang tumutulong katawan ni James. Between him and nudity was a black swimming trunks. The sight took her breath away. She'd always been awe with his physical size and strength kahit pa nakadamit ito. But without his clothes on, he seemed larger.Ang pino at basang balahibo nito na tumatakip sa gitnang dibdib ay gumagapang pababa sa tiyan nito at naglaho sa bahaging natatakpan ng swimming trunks.His chest still heaving from that physical effort of savage swim.

"You've got me worried. Inisip ko kung ano na ang nangyari sa inyo ni Naya. Her phone's off. Kung hindi pa ako tumawag sa Neopolitan ay hindi ko malalamang kayo ni Renz ang magkasama." Walang emosyon ang tinig nito subalit ibinabadya ng mga mata ang galit.

"Di... di ipinaliwanag na niya kung bakit si Renz ang naghatid sa akin...""Tulog na siya!" he said furiously. "Ang papa ang nagsabing si Renz ang naghatid sa iyo. Paano kayong nagkasama ni Renz? Ang pagkakaalam ko'y may meeting iyon hanggang alas-otso ngayong gabi. I was supposed to be at the meeting myself kung hindi lang importante ang kliyenteng kausap ko."

"N-nagkita kami sa... sa coffee shop..." she stammered. Iniiwas ang mga mata sa hubad nitong katawan at itinuon sa sahig. Mula sa katawan nito'y nakita niya ang tumutulong tubig na bumasa sa carpet.

"Gusto kong mainggit kay Renz, sa tatlong pagkakataon ay madali para sa kanyang hagkan ka..." may malisyang sabi nito.

Doon siya marahas na nag-angat ng ulo. "That kiss had no malice!" she snapped. He couldn't be jealous, could he?

"And he's making a habit of it, dear wife," he mocked.She sighed wearily. Lumakad patungo sa kama at naupo roon. "Bakit mo ipinakikipagtalo sa akin ang bagay na iyan, James? In the first place, ikaw ang gustong lumuwas ako. At hindi ako makapaniwalang binibigyan mo ng malisya ang kagandahang loob ng pinsan mong ihatid ako. Kung hindi niya ako inihatid ay tiyak na gagabihin din ako dahil hihintayin pa naming matapos ang papa na magpagupit bago ako maihatid ni Naya."

"Magpagupit?" ulit nito sa mataas na tinig. Pagkuwa'y lalong nagdikit ang mga kilay at nagtagis ang mga bagang. "Hindi umaalis ng bahay ang papa, Chantal! In fact, kausap ko siya kanina sa opisina sa telepono at nagrereklamo sa arthritis niya."

Naguguluhang nag-angat ng mga mata si Chantal dito. "You could be mistaken. Baka pagkatapos ninyong nag-usap ay tinawagan ng papa si Naya..."

"I doubt that. At hindi ko gustong isiping may kinalaman ang papa sa..." Hindi nito itinuloy ang sinasabi. Then something akin to pain crossed his eyes, but she could have imagined it dahil nang muli itong tumingin sa kanya'y naroon na uli ang galit sa mga mata nito.

"So my handsome cousin fancies you, eh. I should have known. I could see some signs kahit nang nasa Alta Tierra tayo pero binale-wala ko."

She gasped at the accusation. "Renz's a decent man, James, and I like him!" she said heatedly. All right, Renz showed extra sweetness, pero natitiyak niya at nararamdamang walang malisya sa mga ipinakikita nito.

"Oh, yeah?" he said in mocking anger. "He must have known you liked him at hindi pinalalampas ni Renz ang kaalamang iyan."

Unti-unti ang pagbangon ng galit sa dibdib niya. "You're a vile man!" she hurled. "Paano mong napaghihinalaan ang sarili mong pinsan?"

"Wala kang muwang sa mundo, Chantal. Hindi lahat ng tao'y katulad ni Quinn. At alam ng pamilya ko kung bakit tayo nagpakasal!" His nose flared in controlled anger. "And my cousin is a womanizer. He's loved and left more women than I can count! Renz could eat you up and spit out for breakfast!"

Her eyes grew wide in shock. "Hindi ko iniuugnay sa iyo ang salitang paninira sa kapwa, James, and that is exactly what you're doing!"

"Damn you, Chantal, hindi ko sinisiraan ang pinsan ko! I'm stating facts. Alam ng lahat iyan at hindi itinatanggi ni Renz ang katotohanang iyan!"

"And look who's talking!" Tumaas-baba ang dibdib niya sa galit. "How could you be so judgmental gayong kagagaling mo lang sa Puerto Azul na may kasamang babae!"

"Now, who's being judgmental," he countered furiously. "Besides, hindi ako ang pinag-uusapan dito kundi ikaw at—"

"At huwag mo akong itulad kay Sylvia..." It went out of her mouth before she could stop herself. She saw him stiffened. Then his expression haunted. Then all of a sudden he seemed so tired.

"I–I'm sorry, James. I have no right—"

Pinutol nito ang sasabihin niya sa tinig na kasinlamig ng yelo. "Go to sleep, Chantal. Forget this conversation ever took place." Pagkasabi niyo'y lumakad ito patungo sa en suite at isinara ang pinto.

And for the first time in her whole life Chantal had never felt so miserable.



***************************Grabe naman si Papa James galit na galit ayaw magpaawat buti na lang tapos na tayo kaya hindi ko na feels yan char hahahaa. Take care mga beshie. - Admin A *************************

Kristine Series 19, James Navarro (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon