5

21.2K 588 36
                                    

NAG-INIT ang sulok ng mga mata ni Chantal habang nakapanungaw siya sa bintana. But she blinked the threatening tears away.

Hindi niya gustong paganahin ang isip at sa halip ay itinuon niya ang paningin sa malawak na karagatan. Ang Alta Tierra Villa ay nakatayo sa ituktok ng isang mabato at matarik na talampas at nakatunghay sa dagat. Sa laot ay may mangilan-ngilang bangka siyang nakikita. Halos hindi na magkahugis ang mga iyon sa layo.

Naririnig niya ang huni ng mga ibon sa paligid. Nararamdaman niya ang haplos ng hanging-dagat sa kanyang mukha, at naririnig niya ang lagaslas ng tubig mula sa talon na hindi kalayuan sa villa. Sa isang buwan niya sa Alta Tierra ay minsan lang niyang napuntahan ang talon na iyon at hindi na siya pinayagan ni Adora na muling mag-ikot sa rancho nang nag-iisa. And she was fascinated by it. Ang tubig ay tila nagbukal lamang mula sa mga bato at humuhugos pabagsak sa dagat.

Gayunma'y hindi natutuyo ang pagbukal at patuloy sa pagbuhos. O ang tubig na humuhugos ay galing din naman sa dagat at may puwersang nagpapangyari upang ipanhik iyon sa talampas at ibalik na muli sa pinanggalingan? Marahil. Sa Aurora'y maraming bukal na nagmumula sa mga bundok ng Sierra Madre at humuhugos pababa sa kapatagan..

She sighed sadly and again blinked away the threatening tears as she thought of Quinn. He died almost a week matapos itong dalhin sa intensive care unit ng Makati Medical Center.Hindi niya malaman kung tatawa o bubulalas ng iyak. Halos kailan lang ay nagpakasal sila ni Quinn. And now, in a span of less than ten weeks, magpapakasal siyang muli. To his younger brother. At tila hindi na niya hawak ang nangyayari sa buhay niya. It had been taken from her by Quinn's bully of a brother.

May pakiramdam siyang ang buhay niya'y tila isang dahon na nalaglag sa tangkay at nahulog sa isang agos ng tubig at tinatangay iyon palayo sa kung saan man.

She barely heard the soft knock on her door. At kahit ang marahang pagbukas ng pinto ng silid. "Naghihintay na sila sa ibaba, Chantal."

Agad ang pag-ahon ng kaba sa kanya. Pinuno niya ng hangin ang dibdib upang kalmahin ang sarili at mula sa bintana'y nilingon niya si Nayumi. Pilit ang ngiting ibinigay niya rito.

Tinitigan siya ni Nayumi at kumislap ang mga mata nito. At saka masuyong sinabi, "You're so lovely, Chantal." Pagkuwa'y hinagod ng tingin ang suot niya. Her beautiful mouth curved in distaste. "Though I don't really understand why you chose this thing as your wedding dress."Nagkibit ito ng mga balikat at hindi hinintay na sumagot siya. Inayos nito ang bulaklak na yari sa lace na nakapalibot sa sombrero niya.

"You could have followed tradition, you know," muli nitong sabi. "Hindi naman kailangang ganito ang isuot mo. Hindi ko kailangang hulaan kung ano ang suot mo nang ikasal kayo ni Quinn. At sa ikalawang pagkakataon, pinagbigyan mo na ang sarili mong makapagsuot ng traditional gown, Chantal."

Isa iyong off-white-a couple of inches-below the knee wedding dress. Napakasimple na siya mismo ang pumili sa kabila ng pagtutol nito at ni Adora. At ipinilit lamang ni Adora na palagyan ng imported beads at swarovski stones sa may collar. Iyon at ang vogue-style wedding hat niya na ipinilit naman ni Nayumi na ipagawa sa couturier at lagyan ng white net upang siyang ipangtakip sa kalahati ng mukha niya, ang nagpangyari upang kahit paano'y magmukhang damit-pangkasal ang suot niya.

"Hindi rin naman ayon sa tradisyon ang pagpapakasal kong ito kay James, Nayumi." Hindi niya maiwasan ang sarcasm sa tono niya at gusto niyang ma-guilty. Nang una niya itong makita, inaasahan niya ang isang palalong dalaga dahil natiyak na niya kung gaano kayaman ang mga Navarro. But she was wrong.

Nayumi had a goddess-perfect beauty. While James was dark, ito at si Quinn ay maputi. At noon lang siya nakakita ng ganoong uri ng buhok. Parang buhok ng bagong sibol na mais. May di-mabilang na kulay ang streaks ng buhok nito, from pale blond to brownish-red, at hindi niya matiyak kung totoo o dye. Nahihiya siyang magtanong.

And yet she was sweet and kindhearted, too. At gusto lamang nitong maging maganda siya sa araw na iyon ng kanyang kasal.

Sa loob ng isang buwang pananatili niya sa Alta Tierra ay si Nayumi at si Adora ang kasama niya. Mula sa bahay ng mga Navarro sa Corinthians ay umuwi sa Alta Tierra ang dalawang babae upang may makasama siya roon habang hinihintay ang paglalakad at pag-aayos ng mga papeles para sa kasal nila ni James.

"Kung sa bagay ay isang buwan pa lamang mula nang mailibing si Quinn." Sudden sadness filled Nayumi's voice. Pagkuwa'y mabilis na idinugtong sa pinasiglang tinig, "Subalit kung hindi kayo pakakasal ni James ay malalagay ka sa kahihiyan, Chantal. Sabi ni Adora, you're considered one month pregnant at walang kikilalaning ama ang nasa tiyan mo. Hindi bale sana kung lalabas na biyuda ka..."

Agad na nagbara ang lalamunan niya. Nanikip ang dibdib at nag-init ang sulok ng mga mata. The Navarros were multi-millionaires. At kahit si Quinn ay nalaman niyang may sariling pera mula sa trust fund na iniwan dito ng lolo nito sa bahagi ng ina noong ito'y sanggol pa lamang. Bagaman hindi kalakihan kung ikokompara sa mamanahin nito sa pamilya ay sapat ang salaping iyon upang mabuhay ito nang maalwan kung nangyaring hindi nito gustong umasa sa mga Navarro.

The trust fund had accumulated through the years. Dahil ayon sa abogadong nagbasa ng testamento nito ay hindi man lang iyon binawasan ni Quinn kahit isang sentimo.

And he could have used a little of his money when he was in Aurora for almost a year. But he lead a very simple life. Ang buong akala niya'y ang pagsusulat ng mga kuwentong-pambata lamang ang maaaring pagkukunan nito ng ikabubuhay.

"H-hindi ako makapaniwalang hindi kami legal na mag-asawa ni Quinn, Nayumi..." Hindi niya napigil ang pagkawala ng isang hikbi. She could remember how she raised her chin defiantly nang ulitin niyang sabihin kay James na asawa siya ni Quinn—legal.

Puno ng simpatya ang tinging ibinigay ni Nayumi sa kanya. "Hindi sinasadya ni Quinn ang pagkakamaling iyon, Chantal. Unti-unti na siyang iginugupo ng karamdaman niya. At natural lamang para sa abogadong alamin ang ganitong bagay bago mapunta sa iyo ang trust fund ni Quinn."

"Ipagpalagay na," sagot nito. "Pero paano ang batang dinadala mo? Of course, financially, hindi pababayaan ni James ang magiging anak mo. Pero karapatan ng bata ang mga naiwan ni Quinn, Chantal."

Nang araw na dalhin sa ospital si Quinn ay agad nitong ipinatawag ang abogadong may hawak ng trust fund nito. Na ang beneficiary ng trust fund ay ang magiging anak nito kay Chantal kung sakaling maiiwan siya ni Quinn na nagdadalang-tao. At kung hindi naman siya nagdadalang-tao ay mauuwing lahat iyon sa kanya bilang asawa nitong legal.

She wasn't interested with the money. Mas niyang ipinagdaramdam ang kapabayaang hindi narehistro ang kanilang kasal... na sa loob ng dalawang linggong magkasama sila'y wala naman pala siyang karapatang tawaging asawa.

Pero paano niya itong masisisi? Nawaglit marahil sa isip ni Quinn na dalhin sa munisipyo ang mga dokumento. He was ill... terribly ill. Leukemia. At sa panahong alam nitong maysakit ito'y hindi ito nag-abalang manatili sa ospital. Ang buwang itinaning dito ng doktor ay ginugol nito sa paggawa ng mga aklat-pambata—sa bagay na gusto nitong gawin.

At itinago nito iyon sa lahat... sa sariling pamilya at sa kanya. Nag-init ang sulok ng mga mata niya kasabay ng alaala...



**********************************Mainit na hapon sa inyo mga beshie. Kumusta ang lahat? - Admin A *************

Kristine Series 19, James Navarro (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon