PAGGISING kinabukasan ay agad ang pagsalakay ng "morning sickness" kay Chantal. Tutop ang sikmurang nagmamadali siyang pumasok sa banyo at sumalampak sa tiled floor at nagduwal nang nagduwal sa toilet bowl.
Si James na nasa shower ay biglang pinatay ang gripo at marahas na hinawi ang kurtina.
"Chantal!"
Uncaring of his nudity, nilapitan nito ang asawa, squatted on the floor beside her at hinagod siya sa likod.
"is it really this bad?" he asked gently, worriedly. "How can I help?"
"You can't!" she hissed, tinabig ang kamay nito. Hindi niya gustong makita siya ni James sa ganoong ayos. Magkasama ang luha mula sa pagduduwal at pawis sa mukha niya, huwag nang idagdag pang nakasabog ang buhok niya. She felt and looked wretched. "Get out... iwan mo ako!"
"No," he said determinedly. And then added softly. "Gusto kitang tulungan..."
"Hindi... ko kailangan ang tulong mo!" halos patili niyang sabi. At saka tinutop ang tiyan sa pagbabadya ng pagsukang muli. "Leave... me... alone, please!"
May ilang sandaling namangha si James at nakatitig sa kanya. Pagkuwa'y tumayo at hinila ang tuwalya mula sa towel rack at itinapis sa ibabang bahagi ng katawan at atubiling lumabas ng banyo. Mula sa banyo'y naririnig niyang tinawag nito si Adora sa interphone.
Napayupyop siya sa may rim ng toilet bowl at tahimik na umiyak nang umiyak. She wanted him... needed him. Kaninang hinahagod nito ang likod niya'y gusto niyang pumaloob sa mga bisig nito, gusto niyang yumakap dito. But she held herself.
Kagabing umuwi sila'y halos hindi niya ito kausapin. And he didn't try talking to her either.
James even looked angry. Nang mahiga na siya'y nanatili ito sa kabilang silid at binuksan ang computer at nagtrabaho. Kung gaano katagal ay hindi niya alam. Later, she dozed in complete exhaustion, physically and emotionally.
Hanggang sa maramdaman niyang nahiga ito sa tabi niya, calling her name softly.Subalit hindi niya kayang harapin ito. The emotional tidal wave she'd been riding since she learned of his betrayal had left her drained and empty. Gusto niyang matulog. Kapag tulog siya'y hindi siya nakadarama ng kahit na ano. She kept her eyes closed and pretended not to hear him.
"I know you're awake, darling," James had whispered, hinawi nito mula sa mukha niya ang buhok niya and ran a gentle fingers across her cheek. She flinched.
James had stilled for a moment, pagkatapos ay narinig niya ang malalim nitong pagbuntong- hininga. Halos hindi siya huminga nang umuga ang kama at tumayo itong muli at bumalik sa kabilang silid. She heard him opened the linen cabinet na malapit sa banyo at alam niyang kumukuha ito ng sariling kumot.
Nang magmulat siya ng mga mata'y patay na ang ilaw sa kabilang silid.
Sapat iyon upang lubusan siyang magising. Ang pagtulog nito sa kabilang silid ay lalong nagpatibay sa hinala niya. At least he had the decency not to sleep beside her kung ang laman naman ng isip nito'y ibang babae.
Si Sylvia ang dahilan kung bakit kumuha ito ng silid sa hotel sa gabing iyon. At napigil niya ang tangkang pagtatagpo ng dalawa sa hotel, right under her nose.
She had cried silently. At nang wala na siyang maiiyak, she laid awake the whole night aware of nothing but her pain.
"Chantal..."
Ang tinig ni Adora ang pumukaw sa pag-iisip niya. Mabilis niyang pinahid ng palad ang pawis at luha sa mukha niya at tumingala kay Adora nang pumasok ito sa banyo.
BINABASA MO ANG
Kristine Series 19, James Navarro (UNEDITED)(COMPLETED)
Romance"My brother excels in everything, Chantal. He's a martial arts expert, a champion swimmer, he races cars like a madman... and he didn't just inherit my grandfather's looks but also Franco's business acumen and ambition. And women run after him as if...