21

18.7K 512 21
                                    


"BAGAY naman sa iyo ang nakasalamin," ani Adora nang sa pag-uwi niya'y may suot na siyang salamin sa mata at matapos niyang masabi ritong hindi naman pala siya nagdadalang-tao.Pagkagaling sa OB-GYNE ay nagtuloy na sila ni James sa ini-refer na ophthalmologist. May astigmatism siya at kailangan niyang magkaroon ng correction eyeglasses. Iyon ang dahilan ng pagsakit-sakit ng ulo niya at pagduduwal.

"Kung sa bagay, sino ba naman ang mag-iisip na hindi ka nagdadalang-tao? Kahit na nga ba nagpadalos-dalos si James at hindi na hinintay na makapagpatingin ka," patuloy ni Adora. Not bothered by the fact that she hadn't been pregnant at all. "Nagsama kayo ni Quinn sa iisang bubong, pagkatapos ay hindi dumating ang buwanang-dalaw mo sa takdang araw at sinamahan pa ng pagduduwal at pagkahilo mo..."

Nagbuntong-hininga siya. Inalis ang salamin sa mukha at inilapag sa working counter. Naninibago siyang suot iyon.

"Ngayong wala naman pala ang talagang dahilan ng pagpapakasal niya sa akin, nakokonsensiya ako, Adora. Natali si James sa akin... at sinabi niyang wala siyang balak ipa-annul ang kasal namin. At naguguluhan ako nang sabihin niyang natutuwa siyang hindi ako nagdadalang-tao," tuloy-tuloy niyang sabi. Pero hindi niya idinagdag ang huling sinabi ni James.

"Malaki ang pagpapahalaga ni James sa pag- aasawa, Chantal. Hindi iyon magiging dahilan upang ipawalang-bisa niya ang kasal ninyo.

Somehow, may sekyuridad na dulot ang sinabing iyon ni Adora sa dibdib niya. "Ang sabi ni James ay wala kaming dapat sabihin sa papa, Adora. Iyon ang inaalala ko."

"Siguro'y para hindi makadama ng muling pagkabigo si Alvaro, Chantal," katwiran nito. "Hindi pa siya nakaka-recover sa pagkawala ni Quinn. Inaasahan niyang nagdadalang-tao ka at umaasang makalipas ang walong buwan ay makikita na niya ang anak ninyo ni Quinn "

"Oh, Adora," she said miserably. "Ano ang gagawin ko? Hindi namin maitatago sa Papa ang katotohanan. Lilipas ang mga buwan at hindi lalaki ang tiyan ko."

Tinitigan siya nito nang may ilang sandali bago nagsalita. "Bakit hindi mo gawing totoo ang pagsasama ninyo ni James, Chantal?"Lumipad ang mga mata niya rito. "W-what are you suggesting?"

"Alam mo ang ibig kong sabihin," wika nito, a smile formed her lips at saka lumakad patungo sa pantry at kumuha ng tomato sauce. Inilapag iyon sa working counter kasama ang ilan pang rekado sa pagluluto.

"Hindi ko kayang isipin ang sinasabi mo, Adora!" namumula ang mukhang sabi niya. "I... I love Quinn, at—"

"Wala na si Quinn, Chantal," putol nito sa sasabihin niya. "At kilala ko si Quinn. Madali para sa sinuman ang maakit dito. Mabait at mahinahon. He could easily make people love him. At hindi ko gustong pagdudahan ang damdamin mo sa kanya. Pero ayon sa pagkukuwento mo, si Quinn lamang ang tanging taong maaaring makapagligtas sa iyo mula sa tiyuhin mo. At ipinagkamali mong pag-ibig ang pagiging harmless nito..."

"Adora—"

"Hayaan mo muna akong matapos," patuloy nito at ibinaba ang kutsilyo sa counter. "Maraming uri ng pag-ibig, hija. At magkaibang-magkaiba ang magkapatid. James had this overpowering aura. Pero hindi marahil dahilan upang makadama ka ng takot sa kanya dahil alam mong sa pisikal na paraan ay hindi ka niya sasaktan. At naisip mo na rin ba kung bakit hindi mo kayang tingnan siya nang deretso? That sometimes you shiver kapag nasa malapit ka?"

"Nai-intimidate niya ako, Adora..." nalilitong sagot niya.Adora smiled knowingly. "Marahil. Pero pag- isipan mo ang sinabi ko at ikaw ang magpasya. Hindi ko gustong isubo sa iyo ang posibilidad at ayokong sa akin manggaling."Humugot siya ng malalim na paghinga habang pinanonood ang paglalabas ni Adora ng gagamitin sa pagluluto. Iniisip ang sinabi nito. Had she been drawn to James? Na tulad ng sinasabi ni Adora ay bulag, bingi at walang pakiramdam lang ang hindi maa-attract kay James?Adora was right, she was first drawn to Quinn because of his mild nature. Quinn was handsome in a boyish way. Maginoo at mahinahon. Iyon ang mga bagay na hinangaan niya rito.

Minahal nga ba niyang talaga si Quinn? Yes. Pero ang sabi ni Adora'y maraming uri ng pag-ibig. Was Quinn had been just a lifeline nang dumating ang suliranin niya kay Mariano?

At si James? Ano ang maidadahilan niya sa damdamin niya rito? Surely you wouldn't fall for someone because he was dead-gorgeous? That would be very shallow.

There's sex. Iyon ang idinidikta ng kabilang isip niya. She could be attracted to him on a purely sexual level only. At hindi naman imposible iyon. James was a very good-looking man.

Perhaps she could make their marriage a real one. Tulad ng ipinapayo ni Adora. Para na rin kay Alvaro.

The thought surprised her. At unti-unti nang naglalaro sa isip niya ang maraming eksena kung paano niya gagawing makatotohanan ang kasal nila. At iniisip pa lang niya iyon ay gusto na niyang nerbiyosin. Not to mention the thrill that went along with it.

Ang pag-iisip niya'y pinukaw ni Adora. "Magpamaneho ka kay Josue pa-Maynila, tatawagan ko si Nayumi para magkita kayo sa mall."Kumunot ang noo niya. "Para saan?"

"Sa Lunes ng gabi'y may pampamilyang handaan sa mansiyon, darating ang matatandang Navarro. Gusto ni James na magtungo ka sa mall at bumili ng isusuot mo sa gabi ng party. Sasamahan ka ni Nayumi. Tatawagan ko siya at mag-usap kayo kung saan kayo magkikita "



**************************Sorry mga beshie, busy na si ako ....... super dami kong ganap......work....life....chika...pag uwi ko sa bahay tulog ako agad hahahaha sana hindi magtampo ang baby James ko char hahahahaha. Bawi nalang ako kapag free na dumadami na kasi work ko eh. Hirap matambakan hahahaha. Na-miss n'yo ba ako ahhahaaha parang alam ko na kung ano namiss n'yo eh kahit binobola n'yo ako magpapabola na rin ako hahahaha. Ingat ang lahat. - Admin  A ******************************

Kristine Series 19, James Navarro (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon