LUNES pa lang ng umaga'y pinauna nang paluwasin ni James sa Maynila sina Adora at Chantal dahil may importanteng meeting ito sa umaga. At para na rin magkaroon ito ng pagkakataong makatagpo muna ang buong pamilya.
Chantal met the whole family maliban kina Cameron at Monique na parehong nasa ibang bansa. At ikinagagalak niyang lahat ng mga Navarro ay mainit siyang tinanggap.
Nang dumating si James ay nagsisimula na ang party.
"You're a workaholic, James," masuyong sabi ni Beatriz. "Gusto kong magtampo dahil wala ka nang dumating kami ng lolo mo."
Isang tawa ang pinakawalan ni James at hinagkan sa ibabaw ng ulo ang matandang babae. Pagkuwa'y sinulyapan si Chantal. "Gusto kong magkaroon kayo ng pagkakataong makilala at makausap ang asawa ko, Grandma, nang wala ang impluwensiya ko."
"And I'm impressed, James," ani Beatriz, ang papuri'y itinukoy kay Chantal na tipid na ngumiti.
"I wish you all the best in the world, mga apo," ani Franco at pinisil sa balikat si James. "At dahil hindi ako nakadalo sa kasal ninyo, ngayon ko ibibigay ang regalo ko..."
James laughed habang ang isang kamay ay nakaakbay pa rin kay Beatriz. And Chantal had never seen him so happy. He obviously adored his grandparents.
"I'll make an easy guess, Grandpa," he said grinning. "A world trip? A house and lot or more money? I like the latter, kailangan ko ng panibagong finances para sa rancho," biro nito.
"True, pero bagaman hindi pa stable ang mga negosyo mo'y alam kong kayang-kaya mo iyon, James," may pagmamalaking sabi ni Franco. "You and Renz both inherited my shrewdness when it comes to business and dealing with people..."
"At kahit sa babae," natatawang idinugtong ni Beatriz."But you're my only one, Beatriz," masuyong sagot ni Franco, laughing at the same time. "At natitiyak kong ganoon din si James sa asawa niya. At si Renz sa sandaling makatagpo ng babaeng magpapatibok sa puso niya."
"And you tolerated the boys, Franco..." accused Beatriz softly. And Chantal listened to the exchange with mild amusement.
"Boys are boys, hija. They will sow their share of wild oats. Anyway..." Muli nitong ibinalik ang atensiyon kay James. "I decided to make one of your dreams come true, hijo. Right at this moment she is probably tied up in one of the concrete dock in Sto.Cristo marina." He turned to smile at Chantal.
At kahit siya ay hindi makapaniwala sa sinasabi nito kung totoo nga ang nasa isip niya sa maaaring regalo ng mag-asawa sa kanila.
"Gran... Grandpa?" James stammered, his eyes wide. Hindi malaman kung tatawa o mamamangha. At sa paningin ni Chantal ay tila ito batang niregaluhan ng isang pinakamimithing laruan. Pagkuwa'y niyuko nito si Beatriz na masuyong nakangiti sa apo.
"You're both kidding me, aren't you?"
"Pagkatapos ng regalo, apo," ani Beatriz, "your grandfather and I will both settle in Alta Tierra, with no money."
Ang tawa ni Franco ay tila kulog na dumadagundong sa buong study. "It's called La Princepessa, James. Her former owner is a Roman royalty. Choose your own crew. You may change the name, if you want. The captain was well recommended and so are his mates. If you want to retain them, ikaw ang bahala."
Gumagaralgal ang tinig ni James nang muling magsalita. And Chantal saw his eyes were brilliant. She suspected they were tears.
"I... I don't know what to say. I don't deserve this, Grandpa, Grandma."
"Oh yes, you do. Now, go and dance with your lovely wife." Kinindatan nito si Chantal and for one moment, nasilayan niya ang magiging anyo ni James sa sandaling sumapit ito sa edad ni Franco. "Don't waste time talking to your old man. Magpapahinga kami ng lola mo. Jet lag's catching up with us. And dammit, I wish men didn't grow old." Impatiently, nilingon nito ang nurse na lalaki na nasa isang sulok ng study at agad namang lumapit at pumuwesto sa likod ng wheelchair nito.
BINABASA MO ANG
Kristine Series 19, James Navarro (UNEDITED)(COMPLETED)
Romance"My brother excels in everything, Chantal. He's a martial arts expert, a champion swimmer, he races cars like a madman... and he didn't just inherit my grandfather's looks but also Franco's business acumen and ambition. And women run after him as if...