16

21.4K 597 58
                                    


"JAMES!"

To her horror, tinamaan niya ito ng pinto sa bigla niyang pagbukas nito.

James groaned and uttered an oath at the same time. Sapo nito ang noo. Guiltily, napalapit si Chantal dito. Wala sa loob na inalis niya ang kamay nitong nakahawak sa noo upang makita ang resulta ng pagkakatama nito sa pinto. Hinawi niya ang basang buhok nito at nang makita ang bahaging namula ay hinaplos.

"Oh, James, I'm so sor—" Hindi niya natapos ang sasabihin, hawak ni James ang kamay niyang humahaplos sa noo nito. Ang isa nitong braso'y nakapulupot sa baywang niya. At noon lang niya napagtantong hubad ito maliban sa tuwalyang nakatapi rito. And she was pressed close against his wet and naked body.

"N–n–nasaktan k-kita..."

"Stammering again, dear wife?" he said in half-mocked half-amused tone.

And to Chantal's horror, sadyang idinikit ni James ang ibabang katawan nito sa katawan niya. Hindi tulad ng unang magdikit ang katawan nila kung saan pinagdududahan pa niya ang arousal nito, this time, dahil tuwalya lang ang nakapagitan, at duda pa siya kung nasaang bahagi ang dugtungan ng tuwalya, she could feel the rock-hard maleness that was deliberately pressed against her stomach.

Ang panunuya sa tono nito'y sapat na lakas ng loob upang magawa niyang pakawalan ang sarili.

"W-wala kang karapatang... wala kang karapatang...""Walang karapatang ano, Chantal?" he asked. Ang mga mata nito'y humahagod sa kabuuan niya. "Na pagnasaan ka? Tell that to my body." Yumuko ito sandali sa ibabang bahagi ng katawan na wala naman sa loob niyang sinundan ng tingin.

She gasped at iglap din niyang iniangat sa mukha nito ang mga mata. His heat, his scent, his potent male sensuality enveloped her. At sapat iyon upang sandali siyang hindi makapag-isip nang matino.

James stared at her shocked face with amused expression, then his eyes caressed her body boldly that she felt naked in her oversized T-shirt.

"You happened to be a lovely woman na basta na lang dumikit sa akin and I happened to be a normal man with normal desires. Or shall I say, huge desire. At isipin pa lang na asawa kita'y hindi ko maintindihan kung ano ang kailangan nating pagtalunan."

She tried to shake the cobwebs from her mind. "I am your wife in name only, James!"He cocked his head at humakbang palapit sa kanya. "I could easily rectify that..."Mabilis siyang umatras. "Don't you dare touch me! Nalimutan mo na bang sinabi mo sa aking wala akong dapat ipag-alala sa sex life mo? At nalimutan mo na rin bang taglay ko sa sinapupunan ko ang dahilan kung bakit mag-asawa tayo ngayon?"

Sa sinabi niyang iyon ay nawala ang nakakalokong ngiti sa mga mata nito. Tumiim ang mga bagang at muling tumigas ang anyo.

"Go back to sleep, Chantal, bago ko malimutan ang ano pa mang matitinong pangangatwiran... kung matino mang matatawag iyang mga sinasabi mo," he added the last sentence sarcastically. Itinaas ni Chantal ang mukha niya, in what she hoped in dignified manner at lumabas ng en suite. Napaigtad siya nang marinig ang pabagsak na pagsara ng pinto sa likuran niya.Halos hindi niya gustong gumawa ng ingay nang magbalik siya sa higaan. Kahit ang paghinga ay tila gusto niyang pigilin. She was trembling. At hindi niya malaman kung ano ang dapat niyang maramdaman. Nagagalit siya. Napapahiya. Gusto niyang umiyak.

And above all that, nangingibabaw sa damdamin niya ang sensasyong naramdaman nang idikit ni James ang katawan sa kanya. Sensasyong hindi niya naramdaman sa kanila ni Quinn sa sandaling pangyayaring iyon ng buhay-mag-asawa nila.

Napatitig siya sa mga palad niya. They were still tingling from where they'd rested against the hard expanse of his chest. At ang isip niya'y abala sa pagsisikap na ibalik ang sandaling unti-unti niyang naramdaman ang pagkalalaki nito sa katawan niya. How her body felt the throbbing maleness. And never in her whole life had she wanted a man to touch her. And in one insane moment ay gusto niyang itaas ang mukha at siya na mismo ang humalik dito.Mortified, napasubsob siya sa unan. Paano niya haharapin si James sa umaga? How would she survive the days to come?

Kristine Series 19, James Navarro (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon