7

18.2K 524 13
                                    


"HINDI ko alam ang gagawin ko, Quinn..."

Quinn sighed, then he looked at her intently. Nakaupo siya sa silya sa may tabi ng bintana ng bahay nito, looking so lost and so helpless.

Dumating si Helen sa montessori kaninang bago mananghalian. "Nasa bilyaran ni Ka Celso si Mariano, Chantal, ang aga-agang lasing." Ang bilyarang sinasabi nito ay kadikit ng karinderyang binibilhan ni Helen ng pagkain kapag tanghalian dahil magkamag-anak ang may-ari at sawaling dingding lang ang pagitan.

"Ano naman ang bago roon?" bale-walang sabi niya. Sinaway ang isang batang pumatong sa silya.

"Puwes, makinig ka. Bumibili ako ng pagkain nang marinig kong ipinagyayabang ng asawa ng tiyahin mong hindi lilipas ang linggong ito at... at maaangkin ka niya!"

"N-nagbibiro ka ba, Helen?" tanong niya, napatuwid ng tayo kasabay ng pagbundol ng kaba sa dibdib.

"Bakit naman ako magbibiro?" wika nito. "Ang layo nitong montessori para sadyain ko at biruin ka. At halang naman talaga ang kaluluwa ng lalaking iyon. Hindi nga ba't may kasong rape iyan sa kabilang bayan? Ewan ko ba riyan sa tiya mo at pinatulan."

Hindi makuhang magsalita ni Chantal. Hindi miminsang pinaalalahanan siya ng ilang kapitbahay na mag-iingat kay Mariano dahil hindi miminsang ipinagyabang nitong iiwan si Lolita at basta na lang itatanan siya. Bagaman hindi niya iyon sineryoso, hindi rin naman niya binale-wala. Minsang wala ang dalawa'y ipinagawa niya at ipinaayos ang lock ng silid niya.

At sa nakalipas na mga araw ay hindi miminsang nahuhuli niyang malimit siyang titigan ni Mariano. At minsan namang lumabas siya ng banyo galing sa paliligo'y nakatayo ito sa mismong harap ng pinto at puno ng pagnanasang tinititigan siya nito mula ulo hanggang paa.

Hindi niya alam na nagbalik ito. Ang alam niya'y kasama itong umalis ng tiya niya. Hinawakan siya nito sa braso subalit mabilis niyang napakawalan ang sarili at halos takbuhin ang hagdan papanhik sa silid niya at nag-lock.

"Ano ang gagawin ko, Helen?" nanlulumong tanong niya sa kaibigan.

"Hindi ko rin alam," sagot nito kasabay ng buntong-hininga. "Kung bakit kasi nama'y wala ka pang sinasagot sa mga nanliligaw sa iyo. Kung may nobyo ka na'y di mayayakag mo nang magtanan kayo..."

Napasandal siya sa hamba ng pinto ng classroom. May mukhang nagpipilit na gumuhit sa balintataw niya.

"Alin, kung ako ang may mukha at tindig na tulad ng sa iyo, nakasampu na siguro akong nobyo," dagdag pa ni Helen.

"Wala akong gusto sa mga manliligaw ko, Helen..."Umismid ito. "Paano, ang hinahanap mo'y iyong makadama ka ng magic kapag tinitigan at hinahawakan ka, iyong tipong nananayo pa ang balahibo mo sa batok. Puwes, tiyak mong mararamdaman iyon kapag na-rape ka ng tiyuhin mo! Black magic! At mananayo ang balahibo mong tila si Troll, loka!"

"Helen, naman..."

Muling nagbuntong-hininga si Helen. "Nagpapaalala lang ako, Chantal. Ayokong may masamang mangyari sa iyo. Wala kang laban doon. Rereypin ka ng lalaking iyon sa harap ng tiyahin mo at hindi mag-aangat man lang ng daliri si Lolita. Hibang kay Mariano iyon."Ang pag-iisip niya'y pinutol ng tinig ni Quinn. "Hindi ba maaaring lumipat ka muna kina Helen?" suhestiyon nito.

"Wala akong maidadahilan para gawin iyon, Quinn. May tatlong malalaking silid ang bahay na iyon ng Tiyo Delfin ko. Isa pa, mas di-hamak na doble ang layo ng bahay nina Helen patungo sa montessori."

Hindi rin niya alam kung bakit siya kay Quinn nagtungo. She was desperate and scared. Kung tutuusin ay estranghero din si Quinn. Wala pang anim na buwan mula nang unang magtungo ito sa montessori at naging magkaibigan sila. At dayo rin lang naman sa lugar na iyon. At hindi rin naman niya alam kung tagasaan dahil hindi naman ito nagsasalita ng tungkol sa pagkatao nito. Subalit mas panatag ang loob niya rito, mas nagtitiwala siya rito. higit sa lahat ay may pakiramdam siyang mahal niya si Quinn.

All right, she couldn't feel the magic, the spark, o kung ano man iyong dapat niyang maramdaman kapag magkasama sila ni Quinn. Marahil ay hindi iyon totoo... marahil ay nababasa lang iyon sa libro para paganahin ang imahinasyon ng mga mambabasa. Though she did feel something for him, at iyon ay ang pagtitiwala at kapanatagan.

And wouldn't you call it love? Hindi ka magtitiwala at mapapanatag sa isang tao kung wala kang pagtingin sa taong iyon.At dahil doon ay hindi miminsang hinihintay niyang manligaw ito sa kanya. She had this feeling that he desired her. Nakikita niya iyon sa mga mata nito kapag nahuhuli niyang nakatitig sa kanya.

"A-ayoko nang bumalik sa amin, Quinn..."

"At... saan ka titira?" Quinn asked.She swallowed a couple of times, bago sa determinadong tinig ay, "Dito sa bahay mo.""Dito ka titira?" ani Quinn sa amused na tono. Ni hindi ito nagpakita ng pagkamangha sa sinabi niya na para bang inaasahan na nitong kasunod niyang sasabihin iyon. "Paano ang sasabihin ng mga tao? Dalaga ka at ako nama'y—"

"Hindi mo ba ako gusto, Quinn?" aniya bago nito natapos ang sinasabi. Ni hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas ng loob para sabihin iyon, ganoon din ang mga sumunod niyang sinabi. "You're a thirty-five-year-old bachelor. At the prime of your life—"

"Prime of my life..." he repeated, at napatanaw sa labas ng bintana at saka nagbuntong-hininga.

"Yes," aniya, hindi pinagtuunan ng pansin ang tono sa tinig nito at ang biglang pagbabago ng anyo. She was desperate. "Hindi pa naman katandaan para mag-asawa ka..." Sandaling nangulubot ang noo niya at tumitig dito. "U-unless you're... you're already married." Iyon ang hindi niya matiyak. Ipinalagay lang nila ni Helen na binata ito dahil hindi ito tatagal sa Quirino nang nag-iisa kung may asawa.

"May... asawa ka na ba?""Binata ako, Chantal. But that is not—"

"Then you could marry me!" Muling bumalik ang excitement sa tinig niya. "I promise to be a good wife to you. Look at you..."

Tumayo siya at humarap dito. "Tuwing nagkikita tayo'y tila nababawasan ang timbang mo. Nangangalumata ka... at namumutla pa yata. Nagpupuyat kang masyado sa pagguhit at paggawa ng children's books at marahil ay nakakalimutan mo nang kumain. Kung magpapakasal tayo'y maaalagaan kita—"

"You're desperate," putol nito sa litanya niya. "You don't know what you're talking about, Chantal..."

"No. Alam ko ang sinasabi ko," she persisted. "I love you, Quinn... and I want to be your wife..."Sa loob ng ilang sandali'y hindi sumagot si Quinn. Nakatitig lang sa kanya. Then a sad smile crossed his face. It was so sad na may pakiramdam siyang gusto niyang maiyak. Pero iglap iyong naglaho. Umiling ito, na tila ba isang malaking kalokohan ang sinasabi niya. At gustong manlumo ni Chantal.

He was rejecting her. And what would she do now?

"Well, whyever not?" ani Quinn makalipas ang ilang segundo.Her head jerked sharply. May pag-asang umahon. "W-whyever not what?"

"Marry you..."



*******************Marry you or marry me char hahahaha , ano ba talaga hahahaha. Minsan parang gusto kong pumasok sa loob ng kwento para makiechos eh char hahahaha. Musta mga beshie> - Admin A ***************************

Kristine Series 19, James Navarro (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon