13

18.6K 529 23
                                    


NASA puno pa lang siya ng hagdan ay natanaw na siya ni Renz na nasa bar at nagsasalin ng alak. He smiled at her. Agad nitong binitiwan ang pagsasalin ng alak sa wineglass at sinalubong siya.

"Lovely," Renz whispered.

"Thank you," aniya. Ikinasiya niyang pinili niyang isuot ang damit na iyon. The dress was almost two years old. Pero hindi pa niya naisusuot iyon dahil wala namang tamang okasyon para gamitin. Regalo sa kanya ng Tiyo Delfin niya nang magtapos siyang cum laude sa Aurora State College of Technology.

Isa iyong ankle-length Chinese-cut silk dress in lilac na may itim na Chinese buttons. May slit sa isang tagiliran na bukod-tanging dahilan upang bahagya siyang ma-self-conscious. Ang nasa paa niya'y isang itim at mababang sandalyas. Itinirintas niya sa likod ang buhok niya.

Wala sana siyang balak isuot iyon subalit gusto niyang bawiin ang walang kakuwenta-kuwentang damit-pangkasal niya. Bukod pa sa gusto niyang magkaroon ng tiwala sa sarili sa pagbaba niyang muli.

"I don't go for women with chinky eyes... Now you're giving me second thoughts..." ani Renz, admiration in his blue eyes habang sinasabayan siya sa paglakad patungo sa dining table.

She smiled, bahagyang nadagdagan ang confidence sa sarili. "Maaari ba akong uminom?" tanong niya at nilingon ang hindi natapos na ginagawa nito sa bar.

"Of course," wika nito. "Ikukuha kita."

Humakbang siya patungo sa nakabukas na pinto ng family room. Natuon ang pansin ng lahat sa kanya nang bumungad siya. Si James ay nakatayo sa may French door palabas sa gazebo. Nakatitig sa kanya, in his usual cool manner. Bigla'y parang nanigas ang mga binti niya. Hindi niya makuhang humakbang. Ang lakas ng loob niya mula sa papuri ni Renz ay biglang naglaho. She contemplated on bolting back upstairs. But James eyes locked with hers, forcing her to walk forward.

Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit natatakot siya rito. O tama bang salita ang natatakot?

"Are you all right, hija?" si Alvaro nang makalapit siya.

"I'm fine... Mr... P-papa, thank you." Muli niyang sinulyapan si James. Dinala nito sa bibig ang hawak na wineglass and sipped from it. He was staring at her over the rim.

She sighed at inikot ang tingin sa mga nakapaligid. "I... I am sorry I made a scene a while ago. I—""There's no need to apologize," ani Nayumi, smiling at her.

"Don't blame yourself," dagdag ni Alvaro. "It was James' fault that you lost your temper. At tama ka. It was inconsiderate of him to talk against Quinn when he wasn't around anymore to defend himself."

Napahugot ng marahang paghinga si Chantal kasabay ng muling pagtuon ng tingin sa asawa. Nakayuko ito sa hawak na wineglass at hindi niya makita ang mga mata, but she saw his shoulders stiffened. Nakadama siya ng simpatya rito at gusto niyang ipagtanggol ito pero hindi niya alam kung ano ang sasabihin.

Pagkuwa'y marahan siyang tinapik ni Alvaro sa braso. "Ipagpaumanhin mo, hija, pero gusto kong magpahinga. Hinintay lang kitang bumabang muli. Now that you're here, traditions done. At napagod ako sa biyahe kaninang umaga. At muli'y bibiyahe na naman mamaya."

Tumango si Chantal, lihim na nagpasalamat. Nakalabas na si Alvaro nang tanggapin niya ang wineglass na iniabot ni Renz. Hindi pa siya minsan man nakainom ng alak. Subalit sa sandaling iyon ay may palagay siyang kailangan niya iyon. Hindi na matapos-tapos ang tensiyon.

"Huwag mong biglain ang pag-inom," ani Renz, smiling at her. "Sandali mong pigilin sa bibig mo ang alak, tasting it, then swallow slowly..."

She sipped from her wineglass at the same time watching her husband over the rim. Nakatitig ito sa kanya, his eyes dark and brooding. Si Nayumi at Renz ang gumagawa ng mga bagay na pag-uusapan. Nagsisimula na siyang mapalagay nang lumapit si Renz, may hawak na red wine upang lagyan ang wala nang lamang wineglass niya. Subalit bago masalinan iyon ni Renz ay lumapit si James.

"That's enough. Hindi ka sanay uminom..." wika nito.

"Come on, James," ani Renz. "Hayaan mong si Chantal ang magpasya niyan."Gusto niyang sang-ayunan si Renz para lang kontrahin ang asawa subalit bago niya masabi ang anumang sasabihin niya'y kinuha ni James sa kamay niya ang walang lamang wineglass niya at inilapag sa isang mesa sa sulok.

"Wala akong balak magsama ng asawang lasing sa rancho," wika nito sa matabang na tono. Hinawakan siya nito sa likod ng braso at inakay palabas. "Binalak kong gamitin ang mga kabayo. Pero hindi ko maisip ang sarili kong nasa ibabaw ng kabayo na nakabarong-Tagalog at ikaw ay diyan sa suot mo. Gamitin na lang natin ang pickup."

Nang makalabas sila'y bigla niyang binawi ang brasong hawak nito. Iniisip pa lang niyang dalawa lamang silang magkasama sa loob ng sasakyan ay gusto na niyang pangapusan ng hininga.

Huminto si James sa paghakbang. "What's wrong with you?" he snapped. "It isn't as if I am going to rape you! O baka naman sa palagay mo'y madudumihan ka kapag nahawakan man lang kita?"

"You're... being ridiculous," aniya."Yeah? Kung ganoon ay bakit ka kumikilos na tila may sakit akong nakakahawa sa tuwing lalapitan kita? You stammer kapag kinakausap kita gayong hindi ka naman sa iba. Malibang nagagalit ka sa akin, nalilimutan mo ang takot mo at saka mo pa lang natutuwid ang mga sinasabi mo. At hindi tayo maaaring laging ganito, Chantal!"

"I–I'm... sorry..."

"See what I mean?""Oh." Nanlulumong napayuko siya."Look at me, Chantal!" utos nito. Hinawakan siya sa baba at itinaas ang mukha niya. Napaungol ito nang makitang kumikislap ang mga mata niya sa pinipigil na pag-iyak. Binitiwan nito ang mukha niya at hinawakan siya sa magkabilang baiikat. "Nayumi said I'm a natural bully. I'm sorry..." At bago pa makakilos si Chantal ay humigpit ang pagkakahawak nito sa mga balikat niya, pulling her against him.

Tumaas ang mga kamay niya sa dibdib nito. She meant to push him, subalit ni hindi niya nagawang lagyan ng puwersa ang mga kamay.

His voice was tortured when he spoke again. "I'm sorry if I have been brusque. Pero hindi mo ba alam kung gaano kahirap para sa akin ang... ang..."

Napatingala siya rito, naghihintay ng karugtong na sasabihin nito, her eyes wide in wonderment and shock. His face wasn't grave but strained as he looked down at her, his breathing uneven.

Pagkuwa'y pinakawalan siya ni James at nagbuntong-hininga at saka tumalikod."Let's go." Bumalik ang kalamigan sa tinig nito. Nagpatiuna itong lumabas ng kabahayan patungo sa kinaparadahan ng sasakyan.

Hindi agad makuhang sumunod ni Chantal. Para siyang estatuwang nakatayo lang doon. Her own breathing was as uneven as James had been. Higit kailan man, ngayon siya lalong naguluhan.

Sinisikap niyang ibalik sa isip ang mismong sandaling hinapit siya nito. Tinitigan niya ang mga kamay, nararamdaman pa niya ang init na nagmumula sa dibdib nito and wondered why she hadn't pushed him as she had intended to do. Sa halip ay hinayaan niyang manatiling nakapaloob sa mga bisig nito at... even when she'd became aware of his arousal.Did James desire her?

Mabilis din niyang tinanggihan iyon. Mas madali ang arousal sa lalaki kaysa sa babae. And James could have been turned on easily by hugging any women. It didn't mean he desire her particularly.

Still, naguguluhan pa rin siya. Bantulot siyang sumunod dito sa labas.



******************Hindi ko pa birthday mga beshie pero thanks sa mga pagbati hahahaha. Okay na ako kung bibilhan n'yo ako kahit milktea lng hahahaha char. Puro sale pa naman ngayon, bili na rin kayo ng kulang n'yo na mga stories ni Ms. MC, tsaka kung gusto n'yo akong ilibre okay lang din tumatanggap ako ng donations char hahahaha. Stay mga beshie. God bless. - Admin A ****************

Kristine Series 19, James Navarro (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon