15

20.1K 541 41
                                    


ISANG mahinang katok ang narinig ni Chantal subalit hindi niya gustong bumangon. Narinig niyang bumukas ang pinto.

"Hey, sleepyhead," bati ni Nayumi na tuloy-tuloy sa loob ng silid at naupo sa gilid ng kama. "Talaga bang ganyan ang naglilihi? It's past nine already."

"Oh..." ungol niya. Tumagilid paharap kay Nayumi. Inabot at niyakap ang isang malaking unan. "Wala pang alas-siyete ay gising na ako. Pero nahilo ako at sumakit ang ulo kaya hindi ako bumangon... nakakahiya naman."

"Rubbish!" exclaimed Nayumi. "You can sleep the whole day at wala sana akong balak na pasukin ka pero nagbilin si James na sasamahan kitang magpa-checkup ngayon. Pero kung ganyang masakit ang ulo mo'y mamayang makapananghali na lang. I'll ask Adora to give you something safe for the headache. Temporarily, until you see the doctor." Tumayo na ito at muling lumakad patungo sa pinto. "Don't worry, Adora knows which medicine to give you. She's a retired nurse..." Nagkibit ito ng mga balikat. "Magpapapanhik ako ng breakfast dito sa silid mo."

"Si... si James?" pahabol niyang tanong subalit hindi gustong salubungin ang mga mata ni Nayumi.

"Nasa office na. Hindi ka na ginising nang umalis siya, pagod ka raw sa pag-iikot sa rancho at sa disteleria kahapon at sa biyahe. Itatanong ko kay Adora kung anong gamot ang dapat mong inumin, okay?"

Bahagya na siyang tumango at nang makalabas si Nayumi sa silid niya at maisara ang pinto'y muli niyang ibinaon ang mukha sa unan.

Ano ang iniisip ni James at nakaalis itong nakahiga pa rin siya? Totoong sa pangalan lamang ang pagpapakasal nila pero mag-asawa pa rin sila at dapat niyang gampanan ang tungkulin niya bilang asawa kung hindi man pagdating sa sex life nila.

He opened up yesterday sa disteleria, at nakita niya sandali ang isang bahagi ng pagkatao nito. At bagaman agad ding nagbalik ang kalamigan sa tinig nito'y nagsimula siyang bigyan nito ng impormasyon tungkol sa pamilya at sa rancho. At naisip niyang simula na iyon ng pagiging magkaibigan nila.

Kinahapunan din ay bumalik sila sa Maynila sakay ng Cessna with Renz piloting. Subalit nagpaiwan si Alvaro at sinabing mananatili na muna ng ilang araw sa rancho.

Only James became even more remote and colder nang lumapag sa hangar sa Parañaque ang cessna at lapitan siya ni Renz.

"So," wika nito na nakangiti. His blue eyes sparkling. "Welcome to the family. At kung sakali mang may problema ka, Chantal, huwag kang mag-aatubiling tawagan ako. Ask Naya my hotline." Kinamayan siya nito at sa pagkabigla niya'y hinapit siya ni Renz at muli siyang hinagkan sa pisngi.

She smiled at him, sinisikap bale-walain ang halik. It was a brotherly kiss, nothing more. Iyon ay kung hindi niya nalingunan si James na nakatingin sa kanila. His eyes grew darker, his face grimmer.

Kung sa normal na pagkakataon ay iisipin niyang nagseselos ito. But of course he couldn't be jealous. He didn't even like her.

At hanggang sa makasakay sila sa naghihintay na sasakyan na nakaparada sa parking area ng hangar ay hindi nagsalita ang asawa at nag-concentrate sa pagmamaneho. Nayumi and Adora did all the talking. Kung ano-ano na lang na mapag-uusapan subalit ang karamihan ay tungkol sa pamilya. Na sa tantiya niya'y kilala na niyang lahat ang mga Navarro at ang iba pang miyembro ng pamilya sa pakikinig pa lamang kay Nayumi.

At nagtaka siya nang lumabas ng Metro Manila ang sasakyan at makitang binabaybay na nila ang coastal road.

"Saan tayo pupunta?" she couldn't help asking him.

"I have a ranch and a house in Tagaytay," sagot nito subalit ang mga mata'y nanatiling nasa daan.

Gusto pa niyang magtanong subalit sa tono nito'y tila ipinahihiwatig na hindi nito gustong makipag-usap. Kung sa bagay ay bahay ng matatandang Navarro ang mansiyon sa Neopolitan. Bagaman doon niya inaasahang uuwi sila dahil noong unang dumating siya sa Maynila ay sa mansiyon siya itinuloy ni James kung saan doon din tumutuloy si Alvaro. At sa pagkakaalam niya, ang mag-asawang Franco at Beatriz ay isang taon nang nasa America.Nakalampas na sila sa pinakabayan ng Tagaytay at ang nakikita niya sa magkabilang daan ay mga bulubundukin. Nang sa may kaliwang bahagi ay may matanaw siyang isang pribadong daan at lumiko roon ang sasakyan. Ilang sandali pa'y may natanaw na siyang wooden gate na tila sa kastilyo. Bukas iyon at dere-deretsong pumasok doon ang Ford Explorer.

Kristine Series 19, James Navarro (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon