"IT'S HER normal period, Mr. Navarro. You're wife had not been pregnant," wika ng doktora. At nang parehong hindi nagsalita ang dalawa at nagkatinginan lang ay isang mahinang tawa ang pinakawalan ng doktor. "But don't you worry, Mr. Navarro. Your wife's healthy. She'll give you a dozen kids."
Napasinghap si Chantal doon. Si James ay hindi pa rin kumikibo.
"At tungkol doon sa symptoms na sinasabi mo, Mrs. Navarro..." Siya naman ang hinarap ng doktora. "Irerekomenda kita sa isang eye specialist. Baka kailangan mong magpatingin sa mata. Halos pareho ang sintomas nito sa pagdadalang-tao. At nagkataong sunod-sunod ang paghihilo at pagsusuka mo sa delay ng period mo." Pumilas ito mula sa reseta ng booklet na nasa harap at may isinulat.
"But... I've never been delayed, doktora..." she said though unsure about that herself.
Nag-angat ng mukha ang doktor. "Maraming dahilan kung bakit tayo nadi-delay, Mrs. Navarro. Hormones, stress and tensions ay ilan lang sa maaaring sanhi..." Nginitian siya nito at iniabot ang referral letter sa kanya subalit bago niya iyon natanggap ay nakuha na ni James.Tumayo ito, nagpasalamat at kinamayan ang doktora at nagbayad ng professional fee nito. Pagkatapos ay inakay na siya nito palabas ng clinic.Hanggang sa kotse'y nanatiling walang kibo ito.
Si Chantal ay hindi malaman kung ano ang sasabihin. She felt so guilty that she broke the silence.
"P-please say something..."Sandali lang siyang nilingon ni James sa walang emosyong mukha. "So you were not pregnant. Ano ba ang dapat pang sabihin?"
"You're trapped in this marriage for nothing. I'm not pregnant with Quinn's child. Ang... ang sabi ko sa iyo noon, magpapatingin ako. Ikaw ang nag-assume na nagdadalang-tao ako..."
"What about you, Chantal? Do you feel trapped in this marriage?" he countered.Did she feel trapped being married to him? Hindi niya kayang sagutin iyon. And she couldn't even lie. Para ano at magsisinungaling siya?
"Mahirap bang sagutin ang tanong ko?" he rasped. "Karaniwan na'y ikaw ang nagsasabing mag-asawa tayo sa pangalan lang. Bakit bigla'y wala kang maisagot? Don't worry about my feelings, sanay na akong nasasaktan."
"W-what do... y-you want me to say?" "Dammit! Kung ano ang nararamdaman mo ang sabihin mo, hindi iyong kung ano ang gusto kong sabihin mo!"
"Huwag mo akong sigawan!" she cried miserably. Ang tinig niya'y gumagaralgal. Gusto niyang maiyak pero pinipigilan niya.
She was swamped by depression, na hindi niya matukoy ang dahilan. Surely, hindi iyon dahil sa hindi naman pala siya nagdadalang-tao. Deep in her heart, alam niyang naroon ang kasiyahang hindi naman pala siya nagdadalang-tao.
"If you want our marriage annulled, then go ahead, hindi naman kita pipigilan. Ipinakipag-usap ko na sa iyo iyan, 'di ba?"
Nagbago ang tono ni James nang mapunang maiiyak na siya, he sighed and said gently. "Wala akong balak ipa-annul ang kasal na ito nang walang matibay na dahilan, Chantal. And I promised Quinn on his deathbed that I'll take care of you. And I will do exactly that..."
Marahil ay iyon ang gusto niyang marinig mula rito dahil may naramdaman siyang kasiyahang humaplos sa puso niya sa sinabi nito. Subalit kasiyahang kagyat ding naglaho nang dugtungan nito ang sinabi.
"At ano na lang ang sasabihin ng mga tao sa akin? I had been jilted, pagkatapos ay nagpa-annul naman ng kasal... Na walang babaeng makatagal sa akin?"
Now she felt trapped. Hindi niya gusto ang dahilang binitiwan nito. He only wanted to save his male pride. Pero ano ba naman ang inaasahan niya? Itinuon niya ang paningin sa labas ng bintana ng sasakyan. She felt so miserable and alone.
Bahagya pa siyang napapitlag nang muli itong magsalita.
"But I'm glad, Chantal... so glad that you're not pregnant with any man's child! Kahit pa si Quinn iyon. Ang tanging inaalala ko'y ang papa. Inaasam niya nang husto ang pagdadalang-tao mo kay Quinn."
"W-what shall we tell him?" she asked in small voice.
"Nothing!" pagalit nitong sabi. "Wala tayong sasabihin sa kanya. Pero huwag kang mag-aalala, kung apo lang ang gusto niya ay bibigyan ko siya. And soon."
Kumunot ang noo niyang lumingon dito subalit nasa daan na ang buong atensiyon ni James.
Ano ang ibig sabihin nito? Naguluhan siyang lalo.
***********************Dumami lang ang iniisip ko akala mo nakalimutan na kita baby James, huwag mo namang sabihin kay Chantal ng harap - harapan yan baka masaktan siya sa gagawin natin char hahahahaha. kakaloka siguro ang mga susunod na mangyayari dito hahahahaha.
Nakalimutan ko na sa puro pagdadrama ko, nakalimutan ko ng kumustahin kayo? Kumusta na ba kayo mga beshie? Balita ko ay kukwentuhan n'yo raw ako hahahahaha char. Take care and God bless mga beshie. - Admin A *****************
BINABASA MO ANG
Kristine Series 19, James Navarro (UNEDITED)(COMPLETED)
Romance"My brother excels in everything, Chantal. He's a martial arts expert, a champion swimmer, he races cars like a madman... and he didn't just inherit my grandfather's looks but also Franco's business acumen and ambition. And women run after him as if...