35

41.6K 930 219
                                    


NAGISING si Chantal sa tunog ng engine motor. She squinted and looked about her feeling fuzzy and disoriented. Bright sunshine was streaming in through the porthole. At saka lang niya naalalang nasa yate siya. Ilang sandali ang pinalipas niya bago marahang bumangon.

Sumilip siya sa porthole ng cabin subalit wala siyang matanaw kundi ang asul na karagatan.

Narinig niya ang pagpatay sa makina ng motor. Natitiyak niyang hindi ang makina ng yate iyon. Hindi iyon ang tunog ng twin-power engines ng yate. It was a smaller one. Lantsa marahil. Dinampot niya ang wristwatch niyang nasa mesa sa may gilid ng bunk bed—8:30.She stripped off her oversized T-shirt and her panties and walked nude into the bathroom. Pinagmasdan ang sarili mula sa malaking salamin. Ang kamay niya'y bumaba sa flat niyang tiyan. She didn't have a miscarriage at maraming beses na siyang umusal ng pasasalamat sa panalangin.

Natakot at naghisterya siya nang walang dahilan. Ni hindi nga siya nagkaroon kahit na bakas ng dugo.

Tensiyon at takot ang ibinigay na dahilan ng doktor sa biglang pananakit ng puson niya. Bukod pa sa sinabi nitong normal sa isang nagdadalang-tao ang paminsan-minsang makadama ng stomach cramps. Na hindi siya dapat mag-alala na baka siya makunan, she was young and healthy.

She realized now that it was her guilt that made her panic and fell into hysterics. Hindi siya nag-ingat at nagagalit siya kay James nang marahas siyang humakbang patungo sa shower cubicle. At kung nagkataong hindi nahagip ng kamay niya ang shower curtain at ang toilet bowl rim ay baka napasama ang bagsak niya at posible siyang nakunan.

She was four weeks pregnant, ayon sa timetable ng doktor. Calm down... darling, it isn't a baby yet... Iyon ang sinabi ni James nang naghihisterya siya. The thought confused her. There was life in her womb, and for her it didn't matter whether it was a four-week blood or a four-month fetus.

Hindi ba't si James ang masidhi ang pagnanais na magkaanak na siia kaagad? Pero bakit ipinahihiwatig ng tinig at salita nitong walang anuman dito kung sakaling makunan man siya dahil hindi pa naman talaga bata ang nasa sinapupunan niya?

Had he finally changed his mind overnight at hindi na gustong magkaanak sa kanya? Na ang anak na inaasam nito'y maaari nitong makamit sa babaeng talagang mahal nito?Pain sliced through her like a two-edged blade. Subalit agad niya iyong pinalis at humugot ng paghinga. If she wanted to survive this ordeal, she had to be strong. Para sa magiging anak niya.

Binuksan niya ang gripo and took a quick hot shower. Pagkatapos ay bumalik sa loob ng cabin at naghanap ng maisusuot mula sa bagahe nila. Isang puting cotton pedal pusher at dilaw na cotton blouse ang isinuot niya. Slipped on her sandals and left the cabin. Wala siyang natanaw kahit isa sa tatlong crew ng yate... o si James.

Pumanhik siya sa upper deck. Agad ang paghaplos ng pang-umagang hanging-dagat sa mukha niya. Greedily, she filled her lungs with air. Mula sa barandilya'y natanaw niya ang pulo ng Sto. Cristo.

White sandy beaches reached out to embrace the aqua water. Nagtatayugan ang mga puno ng niyog na nakahilera sa baybayin as if they grew in wondrous confusion. The land rose gently from the beach, at sa pinakamataas na bahagi ng Alta Tierra ay nahahagip niya ng tanaw ang villa sa tuwing hinahapay ng hangin ang sanga ng mga punong nakapaligid dito.

She stayed in the hospital for one day for observation. Then James took a month's leave from his office at niyaya siyang maglayag sila. At sa nakalipas na tatlong araw, James had been thoughtful and caring. Kung tratuhin siya nito'y para siyang babasaging kristal. Sa gabi'y nakakatulugan na niya ang pag-aantabay ng pagpasok nito sa cabin. And she didn't know how to react everytime he was near.

Kristine Series 19, James Navarro (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon