MATAPOS ang halos isang oras na pakikipagsaya sa mga taga-rancho ay ipinakita sa kanya ni James ang disteleria sa Sto. Cristo.
Mula sa rancho at hanggang sa Disteleria Navarro ay mga nakangiting mukha ng mga empleyado ang sumasalubong sa kanila. One could always recognize sincere greetings. James was respected by his employees. At sa nakikita niyang pakikipag-usap nito sa mga tauhan ay hinahanap niya ang "bully" na nakikita niya sa pagkatao nito. But there was none. James was strict and businesslike habang nakikita niya itong nakikipag-usap sa mga tao. But she could see that beyond the businesslike tone was a compassionate man.
"Sana'y maging maligaya ang pagsasama ninyo ni James, ma'am," wika ni Mang Jacinto, isa sa mga matatandang katiwala sa rancho nang lapitan siya nito. "Hindi pa ipinapanganak ang batang iyan ay narito na ang mga magulang ko. Sa ikalawang pagkakataon ay naranasan namin ang takot na baka mawalan kami ng ikabubuhay. Subalit tulad ng matandang Franco ay itinayong muli ni James ang Rancho Navarro."
"At hindi lang iyon," nakangiting sabi naman ni Aling Josefa, ang asawa nito. "Nagdagdag pa siya ng hanapbuhay nang itayo ang Disteleria Navarro sa bayan."
Sinulyapan niya ang asawa na nakaupo sa koral ng mga baka at inaabutan ng local wine ng isang ranchero. Gusto niyang mangiti sa ayos nito, alangan ang barong-Tagalog nito sa mga baka at kabayo sa kapaligiran. Ibang James ang nakikita niya sa sandaling iyon. Nakikipagbiruan ito at nakikipagtawanan sa mga rancheros. Kinakarga ang maliliit na batang mga anak ng mga tauhan.
Hinahanap niya sa sarili ang takot at pagkailang na tuwina'y nararamdaman niya rito. At tila wala iyon sa sandaling iyon. Sa halip ay naroon ang paghanga't paggalang. Quinn never felt a malicious jealousy over his brother's achievement. Now she knew why.
Ibinalik niya ang isip sa kasalukuyan nang makitang gumulong ang isang barrel mula sa ibabaw ng salansanan pababa, mabilis iyong inagapan ng dalawang tao.
"Saan galing ang ginagawang rum?" tanong niya, kahit ang pagod ay hindi nakapag-alis sa interes sa tinig niya habang nakikita ang mga barrels.
"Sugar cane," sagot ni James. "Sa buong panahon ng kabataan ko'y pagra-rancho ang kinalakihan ko. Subalit hindi miminsang pinag-uukulan ko ng pansin ang mga tubong nakatanim sa iba't ibang bahagi ng lupain. Isang taon matapos kong maibalik sa stability ang Rancho Navarro ay nag-imbita ako ng mga experto mula sa ibang bansa sa paggawa ng rum."Tiningala nito ang kabuuan ng building. Pride in his eyes as he surveyed the whole place. "Bata pa ang disteleria, hindi pa kayang makipagkompetensiya sa malalaking kompanya. But it's earning and doing well. And I have plans to export.
"At hindi ko magagawa iyon without Grandpa. He financed everything. I've started repayment on installment basis a year ago with interest. Noong una'y ayaw tanggapin ni Franco ang bayad ko, saan daw ba niya ibibigay ang pera niya kundi sa mga apo. But I insisted, sabi ko'y saka na lang niya ipamana sa akin kapag malapit na siyang mamatay at isama uli ang interest..." At that point, he grinned at her and her heart went overdrive.
Bahagya nang napigilan ni Chantal ang mapasinghap. My god, the man was really handsome!"It was a private joke between me and my grandfather," patuloy nito. At kung gaano kabilis dumating ang ngiti sa mga labi nito'y siya ring bilis ng paglalaho niyon. Sadness crossed his eyes na gusto ni Chantal na abutin ito at dalhin sa dibdib niya at pawiin ang lungkot na iyon.
"You see, I was just a little boy when my mother died. Hindi ko na halos matandaan ang anyo niya dahil lagi naman din siyang wala at nagpapagamot. Ang mga Lolo at Lola na halos ang nagpalaki sa akin. And it pains me to think that my grandparents are very old now, lalo na ang Grandpa. I couldn't come to terms with the thought that the man I admire and love so much would soon leave me... that after all he's a mere mortal." Then he stiffened. Niyuko siya at tinitigan. Muli'y bumaba ang maskara, his face cold again.
"I'm sorry if I bore you with my life story. Natangay ako nang itanong mo ang tungkol sa disteleria," wika nito sa tonong tila pinagsisisihang sandali itong nakalimot at lumitaw ang totoong James Navarro.
Her heart sank. She wanted to hate her father-in-law para sa hindi pantay na pagmamahal na inuukol nito sa mga anak. She swallowed and said, "Quinn was so proud of you that I've already heard part of the story from him. He'd said you inherited your grandfather's business acumen..." Nagdala ng lungkot sa tinig niya ang muling pagkaalala kay Quinn.
James sighed heavily. Muli'y ang anino ni Quinn ay nagbigay ng isang maitim na ulap sa pagitan nila. Hinawakan siya nito sa siko at iginiya palabas ng distileria.
"Let's go. Natitiyak kong nag-aapura nang makabalik sa Maynila si Renz at ang Papa."
"Sino ang mamamahala sa rancho at sa disteleria kung nasa Maynila ka?"Huminto ito sa paghakbang at muli siyang nilingon. "Wanting to get rid of me this early, my dear wife?" patuyang tanong nito, pagkuwa'y nagpatuloy at binuksan ang pinto sa bahagi ng passenger seat.
"Resonable ang tanong ko, James," aniya. "Wala akong ibig sabihin."
"Kaya kong pangasiwaang pareho ang Rancho Navarro at ang disteleria mula sa Maynila. Maliban sa mga competent employees ay nariyan ang mga telepono at computers. Bukod pa sa kailangan ako ng Manila office para sa mga meetings at advertising side ng produkto."
*****************Malayo - layo pa ang birthday ko beshie at walang update nun for sure kasi matutulog ako nun hahahaha. Pero natuwa ako sa mga messages n'yo . Thanks sa inyong lahat. Now ko lang na feel na may bumati sa bday ko char hahahahaa. Di kasi me sanay magcelebrate ng bday eh. Basta thank you sa inyong lahat. :) Kahit alam kong iniechos n'yo lang tlga ako para mag-update ako , thank you pa rin kahit papaano char hahahaha. Unting drama muna tayo sakto sa maulan na panahon hahahaha. - Love lots mga beshie. - Admin A *************
BINABASA MO ANG
Kristine Series 19, James Navarro (UNEDITED)(COMPLETED)
Romance"My brother excels in everything, Chantal. He's a martial arts expert, a champion swimmer, he races cars like a madman... and he didn't just inherit my grandfather's looks but also Franco's business acumen and ambition. And women run after him as if...