4

21.9K 630 30
                                    


SA GITNA ng maliit na silid ay ang papag na kawayan at naroon si Quinn, nakahiga. Sa malalaking hakbang ay mabilis na nilapitan ni James ang kapatid. And he sucked his breath when he saw him. Gusto nitong isiping hindi si Quinn ang nakahiga roon at ibang tao. He had been sick and hospitalized many times in the past subalit gusto niyang kabahan sa nakikita niyang anyo ng kapatid.

"Quinn..." he said gently.

Nagmulat ng mga mata ang tinawag. Isang ngiti ang sumilay sa mga labi nang mamulatan siya. "I knew you'd come but not this soon. Pinalipad mo ba sa ibabaw ng Sierra Madre ang sasakyan mo, James?"

"What's going on?" halos pabulong na wika ni James. Naupo sa gilid ng papag. "Dammit, Quinn! Bakit kahapon ka lang nagpasabi? Bakit hindi ka man lang pumasok sa ospital?"

"Have you met my wife, Chantal?" ang sa halip ay sagot nito at lumipat ang mga mata kay Chantal na nakatayo sa may di-kalayuan at masuyong nginitian.

Lumingon si James dito at nakita niyang sa kabila ng pag-aalalang nasa mukha nito'y nakuha nitong ngitian din si Quinn. Pero agad niyang ibinalik ang mga mata sa kapatid. Nakatiim ang mga bagang at muli niya itong niyuko.

"You've gone too far this time, Quinn. Pati sarili mo'y pinabayaan mo. I'm taking you home," wika niya sa galit at hindi-mababaling tinig.

"Nakalimutan mo bang mas di-hamak na matanda ako sa iyo, James?" wika nito, trying to sound like an older brother reprimanding his younger sibling. But Quinn failed miserably.

"Yes, but you've never been one, Quinn," wika niya and grimaced nang makita ang pait na gumuhit sa mga mata ni Quinn. He sighed. "Dadalhin kita sa ospital ngayon din..." Tumayo siya at hinugot ang CP mula sa bulsa at lumakad patungo sa may bintana.

He took a deep breath habang idinadayal ang pribadong telepono ng tiyuhing si Lance. His worried eyes went back to his brother's pale face and cursed Quinn silently dahil sa hindi nito pag-contact agad sa kanya at sa tingin niya'y pagpapabaya nito sa sariling katawan.

"Uncle Lance... yes... I'm here now... Dammit, yes! In Quirino... a little town in Aurora. Perhaps an hour from Alta Tierra by sea!" he said, anger in his voice. Hindi malaman kung kanino itutuon ang galit, kung kay Quinn dahil sa hindi nito agad pag-contact sa kanila o sa sarili dahil hinayaan niyang hindi ito makipag-communicate man lang sa nakalipas na mga buwan. "Maaari ko bang hiramin ang isa sa mga chopper ng FNC...?"

"Anong klaseng tanong iyan, James?" si Lance sa kabilang linya. "Of course you could borrow the chopper, kahit ang Cessna. Ipadadala ko ngayon din. Give me the exact location..."

Tumanaw siya sa bintana, tinitiyak na may bababaan ang chopper o Cessna na ipadadala ng tiyuhin. Pagkatapos sabihin ang lugar at tamang lokasyon ay ini-off ang telepono.

"In less than an hour, darating ang FNC chopper, Quinn," wika niya sa kapatid.

"Hindi ako sasama sa iyo kung hindi kasama si Chantal, James..." Bagaman mahina'y nakuhang sabihin nito iyon sa tinig na puno ng determinasyon.

Napalingon siya kay Chantal na tila ba noon lang niya napunang naroroon ito. Mula sa kinatatayuan ay agad itong lumapit sa papag at naupo sa gilid niyon. Ginagap ang mga palad ni Quinn.

"It's okay, Quinn," she said softly. "Kailangan mong madala kaagad sa ospital... Nag-aalala ako sa iyo. Kung bakit kasi hindi mo—"

"I won't leave you behind, Chantal..."

"Huwag mo akong alalaha—"

"Kung sinabi ni Quinn na kasama ka'y kasama ka!" putol niya sa sinasabi nito. Kahit pa marahil ipa-haul ng kapatid ang lumang bahay na iyon ay gagawin niya madala lamang kaagad ito sa ospital. "You can start packing your things..." utos niya and for a moment he thought he saw defiance in those slanting eyes.

But he probably just imagined it. Meekly, tumayo ito at nagsimulang mag-ayos ng mga gamit na dadalhin.

Si James ay nilinga ang kabuuan ng silid na di-hamak na mas malaki at maganda ang isa sa mga servants quarters nila.

Hindi siya makapaniwalang namuhay nang ganito ang kapatid. Maliban sa papag na kawayan na may banig, isang silya at mesang kahoy na maliit at isang portable plastic wardrobe, ay walang ibang laman ang silid. Nadaanan ng tingin niya ang mga gamit na nasa ibabaw ng mesa. Mga gamit para sa pagsusulat at pagguguhit.

Humakbang siya patungo sa mesa sa may sulok at sinipat ang mga nakapatong doon. Kumunot ang noo niya nang makita ang ilang pirasong children's book.

"Quinn's work, Mr. Navarro," Chantal said proudly.Nilingon ito ni James, nakita niya ang pagmamalaki sa magandang mukha nito. Ang mahabang buhok ay inililipad ng hangin na pumapasok sa maluwang na bintana.

He said nothing at muling ibinalik ang tingin sa mga children's book na nasa ibabaw ng mesa. Dinampot niya ang isa sa mga iyon. Nabasa niya ang pangalan ng kapatid sa pabalat bilang may gawa niyon, ganoon din ang iba pang children's book na nasa mesa.

Napahugot siya ng paghinga. Quinn loved to draw and create stories for children. Naalala niyang malimit itong nakikipag-usap sa mga anak ng mga trabahador sa rancho. Nagkukuwento at nagtuturo. Tinutulungan ang mga batang gumawa ng assignment. Uncaring kung nakapagtatak na ng mga baka o kung tama ang deliveries sa ganoon at ganitong supplier.

Subalit hindi niya inaasahang ganito kalawak ang hilig ng kapatid—ang mangyaring makagawa ng librong pambata at mailathala iyon. At ni wala man lang silang nabalitaan tungkol doon.

But then who would notice? Kahit pa marahil may makakita sa pangalan ni Quinn sa pabalat ng aklat. Marahil ay may mga taong malalapit sa pamilya Navarro ang nakakaalam sa totoong pangalan ni Quinn subalit hindi maghihinala ang mga itong ang isang apo ni Franco Navarro ay nagsusulat ng kuwentong pambata.

Quinn studied fine arts abroad subalit huminto rin sa ikalawang semestre nito dahil hindi iyon ang gustong kurso ni Alvaro para sa anak. Bukod pa sa hindi naman deretsong natatapos ni Quinn ang semester dahil malimit itong maospital sanhi ng asthma at kung ano-anong sakit kaugnay niyon.

Alvaro wanted his eldest son to take up Agriculture or Engineering. Pinagbigyan ni Quinn ang ama subalit hindi rin naman nakatapos. Quinn decided to stop schooling, bumalik sa Pilipinas at nanatili sa rancho. Pinagbigyan ang gusto ni Alvaro na pamahalaan nito ang papaluging rancho.Looking at the children's books now, James sighed with regret and sadness. Ito ba ang dahilan kung bakit umalis ang kapatid at hindi man lang nakipagtawagan sa kanila sa nakalipas na mga buwan?

Nabaling ang atensiyon niya sa tinig ni Quinn na tinatawag ang babae. Lumingon siya. Mula sa ginagawa nitong paglalagay ng gamit sa isang maliit at lumang maleta'y lumakad ito patungo sa papag at naupo ito sa gilid niyon at masuyong ginagap ang kamay ni Quinn. She wasn't the stunning beauty James usually preferred in women. But a beauty nonetheless. Ito ba ang dahilan kung bakit hindi nakikipag-communicate si Quinn sa kanila?

"Sa bahay ka titira, Chantal." He heard his brother's weak voice. "Hindi ka na babalik sa tiyahin mo. I promised, you will be taken care of..."

"Sshh..." sagot nito. "Huwag mo akong intindihin... magpagaling ka, Quinn..."

She spoke almost in a whisper, tulad sa isang mabining hanging-amihan na humahaplos sa pandinig ni James. Her hair fell down her face like dark curtain and encircled her neck. His imaginations ran wild... of bed of roses... and his brother's wife's beautiful hair spread out on a pillow...

At bago luminaw ang iba pang imahinasyon sa isip niya'y humakbang siya patungo sa pinto. 

"Hihintayin ko sa ibaba ang chopper!" pabagsak niyang sabi as he strode out of the room, disgusted with himself.



*************Parang maling desisyon ata ang mag-update ako ngayon , :( sorry na mga beshie baka lalo kayong nalungkot kasi ako nalungkot ako, naalala ko ang mga mahal ko sa buhay na nasa gitna ng pagsubok ngayon kagaya ni bebe James. Naluluha ako :( -Admin A *************

Kristine Series 19, James Navarro (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon