26

21.6K 570 91
                                    


SHE BLOW-dried her hair at nilagyan lang ng headband at hinayaang nakalugay. Isa sa mga damit na dala niya kahapon ang isinuot. Isang off-white and loose-empire-cut-sleeveless-dress ang isinuot niya and flat red sandals. Isa iyon sa mga binili nila ni Nayumi. Isinumpa niyang hindi na muling isusuot ang mga dusters magmula nang punahin siya ni James doon.

Walang-ingay niyang binaybay ang hallway patungo sa hagdanan. Nasa bungad na siya nang mula sa unang pinto sa kanang bahagi ay marinig niya ang tinig ni Alvaro na tila may kausap. Hindi sana niya iyon bibigyang-pansin kung hindi niya narinig ang sariling pangalan.

Curiously, she walked towards the door. Bahagya iyong nakabukas. Gusto niyang mapahiya sa ginagawa, she was really eavesdropping.

"Dammit, Renz!" wika nito. "Hindi pa tapos ang ipinagagawa ko sa iyo. Patuloy mong akitin si Chantal!"

Kung hindi niya mabilis na nailagay sa bibig ang kamay ay baka napalakas ang singhap niya."Huwag mo akong bibiguin!" ang narinig niyang muling sabi nito bago ang pagbagsak ng telepono.

She was shocked and angry, ni hindi niya magawang kumilos man lang sa kinatatayuan. Si Alvaro ang may kagagawan kung bakit nagpapakita ng pagnanasa sa kanya si Renz!

Pero bakit?Bakit kailangang kasangkapanin nito ang pamangkin para akitin siya?Para saktan si James?

Pero hindi ba at ayon kay Nayumi ay ito mismo ang nagpilit kay James na pakasalan siya kung magdalang-tao siya?

Kahapong dumating sila ni Adora ay mainit ang ginawang pagbati ni Alvaro sa kanya na gusto niyang makadama ng guilt dahil hindi nito alam na hindi naman pala siya nagdadalang-tao. At habang kausap siya ng matatandang Navarro bago dumating si James ay napansin niyang hinila nito si Renz sa isang sulok ng bahay at sandaling kinausap. Pagkatapos ay hindi na ito muli pang lumitaw sa party.

Hindi siya makapaniwalang magagawa ni Alvaro ang gayong kalupitan kay James. He was his son, too!

Kung saan man galing ang tapang niya'y hindi niya alam. Lumakad siya patungo sa pinto nito at itinulak iyon pabukas sa pagkagulat ni Alvaro.

Sandali lamang ang pagkabigla ni Alvaro. Agad itong ngumiti. "Hija... I hope you enjoyed the party last night. Hindi na ako nakatagal, alam mo naman ang tumatanda..."

"Hindi kayo nakatagal o hindi kaya ng budhi ninyong panoorin ang pang-aakit ni Renz sa akin?" usig niya.Hindi agad makuhang magsalita ni Alvaro. Bahagyang nanlaki ang mga mata. At pagkuwa'y alanganing ngumiti.

"Muntik mo nang pag-awayin ang magpinsan kagabi, iyon pala'y—"

"Narinig mo ang pakikipag-usap ko kay Renz, hija," putol ni Alvaro sa sinasabi niya.

"Hindi ko sinasadya, Papa, but I'm glad I did," she said, sinisikap na kontrolin ang galit. This was James' father after all. He didn't want to hurt him tulad din ng hindi niya gustong saktan si James. Subalit hindi niya mapapayagang magpatuloy ito sa ginagawa. It was vile!

"I believe you to be a decent man. Quinn loved you so much. Sa panahong magkasama kami'y wala siyang parating sinasabi kung paanong wala siyang ginusto sa buhay niya kundi ang paluguran kayo..." Nabasag ang tinig niya roon. Nag-init ang sulok ng mga mata. Lalo na nang makita niya ang paglatay ng matinding lungkot sa mukha nito.

"Hindi ikatutuwa ni Quinn ang bagay na ginagawa ninyo, Papa. Sinisira ninyo ang sarili ninyong pamilya!"

"Chantal..."

"Bakit, Papa?"

"Nag... nagkakamali ka sa iniisip mo, hija—"

"James is your son, too," putol niya. Hindi niya ito bibigyan ng pagkakataong makapagsalita. If she stopped now, baka hindi niya masabi ang gusto niyang sabihin.

"Quinn spoke of his brother with so much respect and love. Bakit kailangang gawin ninyo ito? Hindi ba ninyo alam na sinasaktan ninyo siya? All his life, James hungered for your love and affection... for your attention. Subalit sa iisang anak n'yo lamang ipinagkaloob iyon!" she cried passionately.

Sandaling lumitaw ang kalituhan at pagkamangha sa mukha ni Alvaro. Pagkuwa'y umiling na tila nanlumo.

"I love both my sons, Chantal. At marahil ay alam mo na ngayon na hindi ko anak si Nayumi, but I love her just as much as if she were mine..."

"Why, you have a distorted way of showing your love," she said sarcastically.

Alvaro sighed wearily. "Don't be misled, Chantal. Si James na lang ang natitirang alaala sa akin ng aking asawa. Kung mawawalang pareho ang aking mga anak ay hindi ko alam ang gagawin ko. Perhaps I made a mistake when both boys were growing up—"


"You did. And a grave one for that matter," she said accusingly. Alam niyang wala siyang karapatan subalit ang nasa isip niya'y ipagtanggol si James. And she was unstoppable. "Ang buong atensiyon mo'y inukol mo kay Quinn. Nalimutan mo ang bunsong anak mo. Ipinagkatiwala mo siya kay Adora... sa mga Lolo at Lola. You blamed him for your wife's death!"


****************************Grabeng revelations naman ang nangyari dito. Si Papa Alvaro talaga eh.  Kawawa naman ang bibi James ko huhuhu :( 

Regarding pala sa request ko ay ipo-post ko na mga beshie, don't worry hindi naman material na bagay ang kailangan ko, hindi pera or mga gamit , kundi pagmamahal n'yo lang sapat na char hahahaha pero totoo hindi naman para sa akin ang aking request kundi para sa ating lahat. TIngin ko naman dahil panahon ngayon ng pasko at pagbibigayan ay hindi ko siguro kailangang ipagdamot ito sa kanya lalo siya ang dahilan kung bakit andito ako sa harapan n'yo ngayon. Gusto ko lang sanang hingin na sana i-follow n'yo rin si Kuya_Jun at ang kanyang youtube channel para kung sakaling matuwa siya sa atin ay ibigay nya sa atin ang mga gusto natin like yung ibang stories ni Ms. MC na wala dito sa wattpad , give and take lang naman yan eh. At sympre good karma na rin char. :)Feeling ko naman lahat tayo panalo kapag nagkataon db. so ano comment kayo kung game ba kayo or ayaw kung ayaw n'yo. Thank you. -  Admin A 

Nilagay ko na rin sa external link yung youtube channel mga beshie. Thanks sa inyong lahat. :)

Ito yung youtube channel mga beshie : 

Mga Kuwento ni Kuya Jun

https://www.youtube.com/channel/UCnkFWff6g0ukFNfxOUG2kqA

************************************

Kristine Series 19, James Navarro (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon