12

20.2K 579 59
                                    


NARAMDAMAN niyang may nagbukas ng pinto ng silid niya subalit hindi nag-angat ng mukha si Chantal. She was softly weeping on her pillow.

"Chantal, I'm sorry..." ani James na sinamahan ng buntong-hininga ang sinabi.

Biglang nahinto sa paghikbi si Chantal. She was surprised to hear James' voice. Ang nasa isip niyang nagbukas ng pinto'y si Nayumi o di kaya'y si Adora, subalit hindi ito.Naramdaman niyang humakbang ito palapit sa kanya at huminto sa mismong gilid ng kama. 

"Alam kong wala akong karapatang husgahan ang ginawa ni Quinn. Tama ka, naroon siya'y itinatago sa lahat ang sakit niya at nagdusang mag-isa. And I admire the way you defended my brother..."

Hindi agad nakakilos si Chantal. Hindi niya matiyak kung makadarama siya ng konsolasyon sa sinseridad na nasa tinig nito o maguluhang lalo. Hindi niya inaasahan ang paghingi nito ng paumanhin. Hindi niya iniugnay ang salitang paumanhin kay James Navarro.

Nang iangat niya ang sarili mula sa pagkakasubsob sa unan at humarap dito'y napuno ng guilt ang dibdib niya nang makita ang anyo nito. His face bleak and his dark eyes troubled as he gazed at her. Pagkuwa'y naalala niya ang dahilan ng mga pag-atake nito kay Quinn. Alvaro provoked him. On his wedding day. Uncaring if he'd hurt his younger son in the process.

May humaplos na kung ano sa dibdib niya para dito. Napatayo siya nang wala sa loob. "Oh, James..." she whispered kasabay ng pagtaas niya ng kamay upang hawakan ito sa mukha, meaning to comfort him. Sandali lamang ang pagkadama ng mga daliri niya sa mukha nito at bago niya iyon tuluyang mahawakan ay nahagip ni James ang braso niya.

Ang tila bakal nitong mga daliri'y humigpit sa palapulsuhan niya at pabagsak iyong ibinaba. Sapat ang lakas na iyon upang mapaatras siya at kung wala ang kamay nito na nanatiling nakahawak ay baka bumagsak siya sa kama.

"Oh!" usal niya. Hinila niya ang kamay mula sa pagkakahawak nito dahil nararamdaman niya ang pagbaon ng tila bakal nitong mga daliri sa palapulsuhan niya. Subalit lalong dumiin ang mga iyon, at ang mga mata nito'y matiim na nakatitig sa kanya na hindi niya matiyak kung galit o ano.

Malaki ang silid subalit sa paningin ni Chantal ay tila unti-unting iyong lumiliit at sasakupin sila anumang sandali. He was inches closer. Ang mga mata nito'y patuloy sa matiim na pagtitig sa kanya. Then something crossed his dark eyes, hindi niya kayang bigyan ng pangalan.

At hindi niya magawang magbawi ng tingin. At lalong hindi niya mahagilap ang tinig. Her heart hammering in her chest, ang kamay nito'y humihigpit sa palapulsuhan niya. At matapos ang pangyayari sa ibaba'y hindi niya inaasahan ang gagawin nito. He bent his head and claimed her lips and kissed her savagely. A punishing kiss.

Her lips hurt and she couldn't breath. But she was too shock to even utter a sound. Kahit ang gumalaw o magpumiglas man.

James ended the kiss abruptly. Marahas nitong pinakawalan ang braso niya. Sa pagkakataong iyon ay pabagsak siyang napaupo sa gilid ng kama sa puwersa niyon. At pagkuwa'y marahas na nagmura nang patalikod. Tumingala sa kisame at minasahe ang batok, then groaned like a wounded animal.

Pagkatapos ay hinarap siya, his chest heaving, then remorse filled his eyes nang makita nito ang namumulang mga labi niya.

"Now, do I have to say I'm sorry again?" he said, anger and something in his voice. Ang galit ay hindi niya matiyak kung para kanino. Siya ang dapat na magalit sa ginawa nito.

"Wala... kang karapatang hagkan ako, James!" Sinikap niyang lagyan ng puwersa ang tinig niya. Hindi niya gusto ang nararamdaman sa dalawang pagkakataong hinagkan siya nito.

Kristine Series 19, James Navarro (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon