30

22.2K 580 71
                                    

PINILIT ni Chantal na bumangon nang umagang iyon. Kung hindi lang siya nangako kay Adora na sasamahan ito sa palengke ay gusto pa niyang magbabad sa higaan. Nahihilo siya. Siguro dahil hindi niya ginamit ang correction glasses niya nitong nagdaang mga araw.

Matapos maligo at magbihis ay bumaba na siya. "Nag-iisip ako kung lalakad na lang mag-isa sa palengke o gigisingin kita," bungad ni Adora nang bumungad siya sa kusina.

"Masama ang katawan ko, Adora." Hinila niya ang stool sa breakfast counter at naupo roon. 

"Hindi ko gustong bumangon..."

Sandali siyang tinitigan ni Adora pero hindi kumibo at kumuha ng tasa at platito. "Igagawa kita ng tsokolate. Ano ba ang gusto mong almusal?"

"Kahit na ano," patamad niyang sagot. Inabot ang bread basket at inalis ang cloth na nakatakip doon. Agad ang pagngiwi ng mukha niya. "Adora, ano ang amoy na—" Hindi niya natapos ang sinasabi, tutop ang bibig ay halos takbuhin niya ang lababo at doon nagduduwal. At dahil iyon ang ikalawang pagduduwal niya mula kaninang umaga'y halos wala rin naman siyang inilabas.

Nilapitan siya ni Adora at hinagod sa likod. "Garlic bread ang nasa bread basket, ano ba ang naamoy mo roon?"

"Garlic bread?" Napatuwid siya ng tayo, inabot ang paper napkin at pumilas at pinunasan ang bibig. Pagkuwa'y napatingin kay Adora na nakatingin din sa kanya.

"Iyon ba ang nagpaduwal sa iyo?" kalmanteng wika nito. Nanunuri ang mga mata.

"Adora... hindi kaya... naglilihi na ako?" Pinamulahan siya ng mukha roon at agad niyang iniwas ang mga mata. Kung sa kanya mismo nanggaling iyon ay para na rin niyang inamin kay Adora na tuluyan na niyang ginampanan ang tungkulin bilang asawa ni James.

Isang ngiti ang sumilay sa mga labi ng matandang babae. "Iyon nga sana ang sasabihin ko sa iyo. Pero para makatiyak ay tayo na sa bayan at nang makapagpa-checkup ka."

POSITIVE ang resulta ng pregnancy test niya. At niresetahan siya ng mga bitamina ng OB-GYNE na pinagpatingnan nila. She was so excited nang makauwi sa bahay matapos samahan si Adora sa palengke.

She was pregnant! Natitiyak niyang ikatutuwa ni James iyon. At hindi siya makapaghintay na umuwi ito sa kinabukasan. Tinawagan niya ang numero ng cell phone nito upang ibalita rito ang pagdadalang-tao niya. But James' phone was probably off dahil iisa ang sinasabi ng boses sa automated telephone system—subscriber is out of reach, try your call later...Ipinasya niyang tawagan ang hotel na tinutuluyan nito, ang Waterfront. Matapos niyang ibigay ang pangalan ni James at ang iba pang detalye kung bakit ito naroroon sa hotel ay ibinigay ng reception ang room number sa kanya.

"He's in room 305, Ma'am," wika nito. "I'll connect you now." Nagpasalamat siya at naghintay. Matapos ang apat na ring ay may nag-angat ng telepono sa kabilang linya.

Ang antimanong balak niyang pagbigkas sa pangalan nito'y napigil sa lalamunan niya nang marinig ang tinig ng sumagot.It was a woman!

"Hello... hello..." ang kabilang linya.

"Who's that, Sylvia?" Iyon ang narinig niyang tinig sa background. Tinig ni James. Hindi siya maaaring magkamali.

"Wala, darling," ang malambing na sabi at saka ibinaba ang telepono.

Nanatiling nakatitig sa telepono si Chantal gayong ilang sandali nang naibaba iyon ng kabilang linya.


Sylvia. Sylvia.

Iyon ang pangalang narinig niyang inusal ni James. A spasm of pain crossed her chest. Kasama ni James sa Cebu ang ex-fiancee nito. Hindi niya pinagdududahan ang seminar nito dahil alam niya ang mga detalye, subalit ang makasama nito sa loob mismo ng hotel room ang babaeng iyon ay hindi niya kayang ilagay sa isip niya.

In trembling hands, ibinalik niya sa receiver ang telepono, and then the tears came. Heart-wrenching sobs racked her body. How could everything that had seemed right go wrong? They'd been happy the last few weeks.

But, no. Wala naman talagang tama sa simula pa lang. James married her for the wrong reasons. Ang tanging tama ay ang damdamin niya nang matuklasan niyang iniibig niya ito. Perhaps she had loved him right from the moment she laid eyes on him. Fell for his charm hook, line and sinker.

At nitong nakaraang mga linggo'y nagtiwala siyang ang susunod na mga araw ay walang katapusang kaligayahan. She could almost feel that he loved her, too. May mga pagkakataong nagigisnan niya itong nakatitig sa kanya, at halos tinitiyak niya sa sariling may pagtingin din ito sa kanya. At tuwina'y naroon ang pag-asa.

Now, things began to fall into place. It was just sex. Though it wasn't pure and simple. Because her emotions got involved... deeply.



*********************** I know the feeling Chantal, parang masakit pa ito sa it hurts char hahahahaha. Pang nagsabi na magsasubscribe pero pinaasa lang pala ako char hahahaha . Thanks sa mga nagsubscribers natin dyan. Thank you sa inyo at shoutouts. 

Pero masakit talaga yung binigay mo ang lahat akala mo same kayo ng nararamdaman yun pala, init lang ng katawan, wala ng mas sa sakit pa sa pag-ibig na buo pero hindi sinuklian. Sa pagmamahal na inalay pero walang binalik. It really hurts talaga ang magmahal na ganito kung sino pa ang minahal mo ng totoo ay niloko ka pa char hahahaha, lakas maka hugot ni Admin A. 

*********************************************************************************************

Kristine Series 19, James Navarro (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon