First year high school.. I'm Emerald Laurenth, 15 years old.
Siguro nagtataka kayo kung bakit 15 years old na ko pero first year palang. Well, hanggang grade 9 kasi ang elementary dito sa lugar namin. Year 2030 na po ngayon. Six years old ako nag grade one. May 25 ang birthday ko kaya naman bago mag umpisa ang school year ay nakapag birthday na ako.
First day of school. Excited na ako kaya naman maaga akong nagising ngayong araw. Sabi nila high school life daw ang pinaka masaya sa lahat.
Pag pasok ko ng gate ng school ay hinanap kaagad ng mata kung may makikita ako na kakilala ko dito sa loob ng General McQueen High School. At hindi nga ako nagkamali, nakita ko ang classmate ko last school year na si Rosie. Nilapitan ko siya at todo yakap pa kami sa isa't isa dahil sa tuwa. Sa totoo lang ay friends kami nung elementary. From grade 1-9 ay magka-klase kami. Pati ngayong first year na kami ay mag ka-klase parin kami. Kami yata ang destiny e. Haha.
Pag pasok namin sa room namin ay nandun na ang iba naming ka-klase. Medyo nagkakagulo sila. Parang friends na silang lahat. Medyo napapatingin pa sila sa amin ni Rosie. Siguro dahil sa chubby ako. 😣
Huhu. Ayan nanaman ung mga mata na kung makatingin e parang ngayon lang nakakita ng chubby. E ano kung chubby ako? Masarap lagi ulam namin e. Haaays! Gusto ko sana isigaw sa kanila kaso wag nalang. First day of school kaya hindi ako mag aagaw ng eksena. Ayokong ma-bully. Papatulan ko sila. Kala nila. Pero syempre joke lang un. Hehe.. Dami nila isa lang ako. Baka tumakbo si Rosie e.
Sa may bandang likuran kami naupo. Well, nasa may dulo kami sa isang sulok. Para hindi makita ng adviser namin kapag hindi kami nakikinig at kapag nag kwe-kwentuhan kami. Hehe. Para-paraan lang yan...
Todo kwentuhan kami ni Rosie ng biglang natigil ang lahat. Biglang tumahimik. Wait! May anghel ata. Haha. Kaya naman napatingin kami ni Rosie sa harap. At shocks! OMG! May anghel nga na dumating. Ang gwapo nya. Yung kaninang magulong mga ka-klase namin ay natahimik bigla. Pero unti unting umiingay nanaman dahil mukang kinikilig sila. Sige na nga ako din. Hihi. Crush lang naman e.
After a few minutes before 8am ay dumating na ang adviser namin. Si Mr. Buenaventura. Medyo napaisip ako, tao ba to o robot? 😂
Kaloka ba naman kung todo yung pag kaka-straight body niya. Pati sa paglakad niya naka straight body din siya. Kung natutulog kaya naka straight body parin siya? Lol
Parang patay lang ang peg? 😂
San kaya siya naka higa? Sa kabaong? LolNapapatawa ako mag isa sa naiisip ko kaya napatingin sa akin si Rosie.. Ibinulong ko sa kanya ang naiisip ko kaya naman dalawa na kaming kung todo pigil sa tawa.
Isa isa kaming pinapatayo ni Sir sa harap para mag pakilala. Inumpisahan niyang patayuin ang nasa may bandang harap nakaupo. Syempre alangan naman patayuin yung nakatayo diba? 😂 just kidding.
Doon ko nalaman na Jandrick Perea pala ang name ni crush. Mey ghed ang podddeeee! Yiiiiiiee. Inspired na ako pumasok everyday because of him. Gosh! Napa english tuloy ako. Math tong first subject pero napapa-english ako. Si crush kasi e. 😍
Todo hila naman sa braso ko si Rosie.
"Ang gwapo! Crush ko na siya." Bulong sakin ng gaga.
Napa ngiwi na lamang ako dahil sa pilit na ngiti na isinagot ko sa kanya. Oo pilit dahil crush din niya si Crush ko. Haaay... Hirap talaga pag gwapo ang crush dami kaagaw.
Well nakapag pakilala naman ako ng maayos pero hindi nakaligtas sa aking mga mata ang mga mata ng mga classmates ko na nakatingin sa akin. Juskolord. Iniisip siguro nila na ang taba ko. Huhu. Nakakabawas ng self confidence.
Kaya tumungo na lamang ako matapos ko mag pakilala at nakatungong bumalik sa upuan ko. Kakahiya. Malamang pinag tatawanan na nila ako dahil sa mataba ako. 😭
Maayos naman natapos ang first four subjects noong umaga. 8am ang start ng class. 8am-9am ay Math, 9am-10am ang Filipino, 10am-10:30am ang 30 minutes break for recess, 10:30am-11am ang Religion, 11am to 12nn ang English. 12nn-1pm ang 1 hour break para sa tanghalian.
Nasa canteen kami ngayon habang kumakain ng tanghalian namin. Magkaharap kami ni Rosie. Dito kami nakaupo ngayon sa pang dalawahan na table.
"Ang gwapo ni Jandrick no?" Kinikilig na simula ni gaga.
Natatawa naman ako sa kanya at naiinggit din. Kasi hindi ko kayang sabihin sa iba kahit na sa kanya na crush ko din ang crush niya. Humanga lang ako dahil sa gwapo talaga siya. Pero wala namang special feelings na kasama.
"Ah, oo. Ang tangkad pa."
"Crush mo din?"
"Ha? A...haha... Hindi no...hehe.."
"Hmmmmp! Sinungaling. Pwede ba? Wag ako. Crush mo din sya for sure." Naka halukipkip na sabi nito.
Napahimas naman ako sa batok ko.
"Aha! Kita mo na. Sabi ko na nga ba nag sisinungaling ka. Crush mo din siya. Gwapo kasi siya no?" Kinikilig pang sabi nito.
"oo. Pero humanga lang ako dahil sa gwapo siya. Pero walang special feelings." Pagtatapat ko sa kanya
"Okay. Sabi mo e. Basta ako crush ko siya." Confident na sabi nito.
Ngumiti na lamang siya at ipinag patuloy ang pagkain.
1pm na. Nasa loob na silang lahat ng room nila at ang teacher na lamang nila ang hinihintay nilang dumating. 1pm-2pm ang Science nila, 2pm-3pm ang TLE nila at 3pm-4pm ang MAPEH nila. Nagkakagulo na ulit sila sa loob ng room. Ang mga classmates nilang lalaki ay nag babatuhan ng papel at kung anu ano habang ang mga babae ay kay crush niya nakatingin at mukang ito ang pinag uusapan.
Dumating na ang Science teacher nila at nag umpisa na ang klase. Natapos na lahat ng subject nila nitong araw pero ang adviser nila ay sinabihan sila na huwag muna silang uuwi dahil mag bobotohan pa para sa mga magiging class room officers.
~*~111820~*~

BINABASA MO ANG
Emerald: High School (Completed)un Edited
Fiksi RemajaAng story po na ito ay rated G. Para ito sa mga batang mambabasa. Chos! Pero oo nga. Rated G talaga kaya mga kids, tara na! Basa na kayo..😁 Syempre para sa mga high school student lang to para maka relate naman ang readers. 😉 This story is about a...