PROLOGUE

11.7K 156 5
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this story are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Please be advised that this story contains, Trigger warnings, sensitive content, mature theme and strong language that are not suitable for very young audiences. Read at your own risk.

Covers are not mine. All credit goes to the rigthful owners.

Copyright © 2020 zane199X

Alessa had a big secret.

Five years ago she secretly admired her sister's boyfriend and the man seemed to be the same to her pero nagkamali siya sa pag-aakalang gusto rin siya nito. She walked away just to forget everything happened. Nagpakalayo layo siya kasama ng mga alaalang hindi na mabubura pa sa puso at isip niya.

"Loving the wrong person is self-harm." Alessa said.

PROLOGUE

Parang gusto kong pagsisihan na sa tapat pa ng pakpak ng eroplano ako napaupo, masyadong maalog at maingay. Mukhang mahangin, masama ang panahon o baka naman dahil sa elesi ng eroplano. Hindi ko tuloy magawang ipahinga ang sarili ko. Pero nagpapasalamat pa rin ako dahil nakapagbook agad ako ng ticket, direct flight from London Heathrow to Manila International Airport. May limang flight lang sila kada isang linggo kaya't hindi ko na pinalampas pa ang pagkakataon. Hindi ko rin alam kong magdiriwang ba ako dahil ilang oras nalang ay lalapag na ang eroplano o parang mas gusto ko yatang bumalik nalang kinaumagahan, kung pwede lang sana, why not? Maririnig ko palang yung salitang Pilipinas, parang gusto ko ng tumakbo palayo. Kung hindi lang ako tinawagan ni Kiel ay baka wala ako sa eroplanong ito. Dad needs me, dahil? Bakit? Anong meron? I know he's in hospital pero alam ko rin na hindi naman malala ang iniinda niyang sakit. Kaya't nagtataka ako kung bakit bigla bigla silang tatawag, yun pa naman ang ayoko, natatakot ako. Natatakot akong maramdaman ulit yung sakit.

Hindi nagtagal ay narito na ako sa labas ng airport. Palinga linga ako, hindi ko kasi alam kong sino ba ang susundo sa akin dito, si Ate Deinna ba? Napakaimposible naman o baka si Kiel? Ewan. Sobrang siksikan, walang pinagbago. Maingay, magulo. Sumasakit na ang binti ko, buti nalang at hindi ako nakaheels ngayon. Hindi tulad noong unang travel ko, kinarer ko talaga ang heels from Manila to London, London to America, nilibot ko ang mundo na nakaheels. Napapailing ako. Hindi ko na uulitin iyon, never again!

"Ate Alessa!" nagulat ako sa sobrang lakas ng sigaw na yun.

"Kiel?" malabo na ata ang mata ko, masyado s'yang malayo kaya kinusot ko muna ang mata ko bago lumapit sa tumatakbong lalaki.

"Kiel? Oh my gosh!" Gulat na gulat ako, sobrang laki ng pinagbago ni Kiel, mas matangkad na siya sa akin slash parang mas lalo atang gumwapo ang kapatid ko, mukhang maraming pinagbago ang kapatid ko sa loob ng halos limang taon... "You look great, brother!" Iba talaga ang itsura ng tao pag sa phone mo lang sila nakikita.

"Sus, ako lang 'to!" Pagmamayabang n'ya.

"Where's Mom?" Tumingala pa ako para makita ang mukha ng kapatid ko.

"Hindi ko na pinasama, malamig ang panahon, katatapos lang ng bagyo tsaka malapit na ring mag-pasko." Sabi ni Kiel habang hila hila ang luggage ko. Kaunting damit lang naman ang dinala ko dahil wala naman akong balak magtagal dito, 1 week is enough.

"Kumusta ka naman ate? Parang tumaba ka yata?" Napahinto si Kiel at luminga linga para hanapin ang sasakyan n'ya. Sa dami ba namang sasakyan sa parking lot siguradong makakalimutan niya na kung saang parte s'ya pumarada.

Midnight Lover (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon