Bampira. Ang mga bampira na namumuhay sa unang kaharian ay payapa. Lingid sa kaalaman ng mga tao, may nabubuhay talagang mga bampira. Aklirah. Ang tawag sa mga purong bampira. May dalawang klase ng mga Aklirah. Ang mga masasama at ang mga mabubuti. Arusseb. Tawag sa mga bampirang kalahating tao at kalahating bampira, o basta mayroon kang dugong tao. Ngunit isinusuka sila ng mga masasamang Aklirahng bampira. Bawal rin silang makapasok sa alin mang kaharian ng mga bampira sapagkat kapag nagkataon na nakita sila ng masasamang bampira ay maaari silang bawian ng buhay. Ngunit sa pagsapit ng kabilugan ng buwan, sa isang iglap, mawawala na ang mga mabubuting bampira sa unang kaharian. Kinakailangan na rin bang mawala ng unang kaharian at gamitan ng napakalakas na mahika upang mawala? Kagaya ng nangyari sa ikatlong kaharian. Pagkawasak na lamang ang solusyon upang hindi manaig ang masasamang bampira. Masasawi ang mga namumuno sa unang kaharian pati ang mga mamamayan na dito'y naninirahan. Maliban sa dalawa. Ang batang may banal na dugo at ang tagapag-bantay nito. --- DATE STARTED: April 13,2019 DATE FINISHED: June 23, 2019 WARNING! FULL OF GRAMMATICAL ERRORS AND TYPOS!