Si Aula Maglaya ay isang ordinaryong babae na masayahin, matapang, prangka, masipag at matalino ngunit kulang sa common sense. Si Hanz Nicolo Bernales ay isang sikat na artista, mayaman, arogante, simpleng babaero, tinitingala at tinitilihan ngunit may isang babae ang ilag sa kanyang kasikatan at kailanman hindi siya tinilian. Nang magtagpo ang mga landas ng dalawa sa isang aksidente hindi na nagkaroon ng katahimikan si Nicolo. Si Aula na yata ang pinakiinisan nitong babae dahil wala itong finesse kung magsalita, putak ng putak! Ngunit natatakpan naman iyon ng angking kagandahan ng dalaga na kahinaan ni Nicolo. At nang madawit ang pangalan ni Nicolo sa isang "Blind Item" na kasama si Aula ay mas lalo pang gumulo ang buhay nito. Paano kung nagka-totoo ang tsismis sa dalawa? Gugustuhin kaya ni Aula na mapabilang sa magulong industriya na kinabibilangan ni Nicolo?
30 parts