- Featured in WattpadRomancePH's "Rainbow Romance" Reading List [1st Book of I THOUGHT DUOLOGY] *** Bata pa lang ay alam na ni Kristoper sa sarili niyang bakla siya. Pilit lang niya itong itinatanggi sa kaniyang sarili lalo na at matagal na rin silang magkakilala ni Dave na kaniyang pinakamatalik na kaibigan simula noong bata pa silang dalawa. Little did he know that Dave had feelings for him since they were young. Gusto rin niya ang binata, pero natatakot siyang aminin 'yon. Dahil sino ba naman ang totoong magmamahal sa isang tulad niya lalo na at pareho rin silang lalaki? Pero ang lihim niyang pagtingin sa binata ay nauwi sa katotohanan, at ang mga pangamba't takot ay mas nadagdagan. Maipaglaban kaya nila at mapanindigan ang pagmamahalang mayroon sila sa isa't isa, kahit alam nilang mali ito... at bawal?