Acknowledgement

915 20 2
                                    

Dalawang taon bago ko natapos isulat ulit itong istorya na 'to, at talagang isa ito sa pinakamalapit sa puso ko. Ang dami ko ring natutunan habang sinusulat ko ito ulit. At sobrang proud lang ako kasi alam ko na may pagbabago talagang naganap sa nobelang ito, lalo na kina Top at Dave. And dami ko ring natutunan sa kanilang dalawa, lalo na sa mga usapan at reyalisasyon sa buhay. And also, this story help me to realize and open my eyes to understand, and respect each other's belief and preferences—despite of our differences.

Hindi ko talaga pinagsisihan ang desisyon ko na i-revise at i-edit itong istorya nila Top at Dave. Natagalan nga lang ng dalawang taon bago ko ito natapos pero masaya pa rin ako sa journey kong ito. Wala akong pinagsisihan dahil lahat ng 'yon ay naging gabay ko't inspirasyon na tapusin ito. At talagang ang sarap lang sa pakiramdam ngayon na at last, natapos ko na siya ulit. Hindi man ako nakaabot last month sa submission ng #Wattys2020, masaya pa rin ako. Dahil 'yon naman talaga ang mahalaga sa akin—ang matapos ko ito lalo na ngayong taon.

Gusto ko lang magpasalamat siyempre unang-una sa Panginoon, dahil biniyayaan niya ako ng ganitong klaseng talento. Habambuhay ko itong tatanawin na utang na loob sa kanya, at hindi magsasawang magpasalamat dahil ito ang naging instrumento ko, ang pagsusulat, para i-express ang sarili ko.

Pangalawa, sa mga taong naniniwala sa akin at patuloy na sumusuporta sa akin. Sa mga pangarap ko sa buhay, lalo na ang pagiging isang manunulat at nangangarap na magiging isang published author din ako, PUHON! Hindi ko na sila isa-isahin dahil alam na nila 'yon.

At ang panghuli ay sa mga taong nagbabasa, binabasa, nabasa na o may balak pa lang basahin ang istoryang ito. Hindi niyo alam kung gaano ako kasaya sa tuwing nakikita ko ang progress at bagong achievements ng istoryang ito. Imposible iyong mangyari kung hindi dahil sa inyo. At sana ay susuportahan niyo pa rin ako kapag na-publish na ito balang araw. Maraming salamat sa inyong lahat.

Hanggang dito na lang ang aking pasasalamat sa inyong lahat, at sana ay nagustuhan niyo ang kuwentong ito. At inaasahan ko na may natutunan din kayo tungkol sa kanilang dalawa. Dahil iyong talaga ang pinaka-goal ko bilang isang manunulat, ang ma-inspire kayo sa mga istoryang sinusulat ko.

Ciao! 🖤

I Thought It Was Love [BOYXBOY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon