Chapter 9

1K 38 5
                                    

Halos isang buwan na ang lumipas simula nang aminin ko kay Dave na mahal ko rin siya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Halos isang buwan na ang lumipas simula nang aminin ko kay Dave na mahal ko rin siya. Lalo rin kaming naging malapit sa isa't-isa saka medyo busy na rin kami lately dahil sa pagpapa-enroll kasi malapit na 'yong pasukan namin.

Ngayong araw ay pumunta siya sa bahay para bisitahin ako. Nagulat nga ako nang makita ko siyang pormadong-pormado kaya hindi ko maiwasang mapakunot ang noo ko at tanungin siya nang makaupo kami sa sofa sa sala ng bahay namin.

"Saan 'yong punta mo at bakit bihis na bihis ka?" sabi ko sa kanya at napatingin pa siya sa sarili niya bago niya ulit ako tiningnan, at bahagyang nakangiti.

"I want you to meet someone." Sagot niya sa akin kaya mas lalo lang napakunot ang noo ko. Someone? Eh, wala naman siyang binanggit sa akin nitong mga nakaraang araw na may ime-meet kaming dalawa.

"Sino?"

"Basta, you will find out as soon as we get there," sagot niya sa tanong ko kaya napabuntong-hininga na lang ako at inirapan siya.

"Fine! Magbibihis lang muna ako." Sabay tayo at naglakad patungo sa kuwarto ko. Aakmang susundan pa niya ako at sasama pero inunahan ko na siya at sinabihang sa sala na lang siya maghintay. Kaya napabuntong-hininga na lang siya sa sinabi ko at bumalik ulit sa pagkakaupo.

Makalipas ang sampung minuto ay tapos na akong magbihis at pagbaba sa sala ay nakita ko siyang hawak ang phone niya, at may ka-text. Kaya kunwaring umubo ako para maagaw ang atensyon niya. At agad namang napaangat ang tingin niya sa akin at nginitian ako, saka agad ding tumayo at inayos ang gusot sa dulo ng suot niyang sleeveless polo.

"Tara?" aniya at tumango ako saka sabay kaming naglakad palabas ng bahay. Nagpahatid na lang kami sa family driver namin papuntang mall dahil iyon ang bilin niya kay Manong Julius. At habang nasa biyahe kami ay muli ko siyang tinanong kung sino nga ba talaga ang kikitain namin sa araw na 'yon.

"Basta nga. Malalaman mo lang 'yan mamaya. Huwag mo namang ipahalata sa akin na masyado kang excited na i-meet siya." Biro niya sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Inirapan ko na lang siya at hindi na ako ulit nagtanong sa kanya, kasi wala rin namang patutunguhan itong pagtatanong ko sa kanya kasi iyon pa rin naman ang isasagot niya sa akin. At saka pansin ko rin na panay ang pagtitig niya sa kanyang phone at busy sa pagtitipa sa screen nito, halata ngang may ka-text. Kaya hindi ko maiwasang mainis sa kanya sa hindi malamang dahilan.

At saka hindi ako nagseselos! Kainis! Sino ba kasi 'yang ka-text niya at mukhang mas importante pa 'yan sa kanya—na parang wala lang ako sa tabi niya. Napabuntong-hininga na lang ako at nakabusangot sa buong biyahe namin.

Pagdating namin sa entrance ng mall ay agad akong bumaba sa kotse saka hindi ko siya pinansin. Nagpaalam na kami kay Manong Julius at sinabi nitong susunduin niya kami mamaya. Tumango lang ako habang si Dave naman ay nginitian at kumaway pa ito bago umalis. Nang kaming dalawa na lang ang naiwan ay agad akong nagsimulang maglakad kaya tinawag niya ako pero nagbingi-bingihan lang ako sa kanya.

I Thought It Was Love [BOYXBOY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon