Tatlong araw na ang nakalipas pero sariwa pa rin sa ala-ala ko ang gabi kung saan ninakawan ako ng halik ni Dave sa labi ko. At sa tuwing maaalala ko ang pangyayaring 'yon ay bigla na lang akong nahihiya lalo na kapag kasama ko siya. Saka medyo naiilang na ako sa kanya pagkatapos ng insidenteng 'yon.
Eh, sino ba naman kasi ang hindi maiilang sa ganoong sitwasyon?
Isang araw, habang nanunuod kami ni Dave ng movie sa sala sa bahay namin ay medyo malayo 'yong distansya sa pagitan naming dalawa habang nakaupo sa couch. Masyado siyang naka-focus sa panunuod na hindi niya napansing tinititigan ko siya at malalim na napapaisip.
Minsan, makikita ko siyang nakangiti dahil sa pinanuod namin. Maya't-maya pa ay bigla na lang siyang tatawa. Kaya tahimik ko siyang ino-obserbahan at nagulat ako nang bigla siyang magsalita habang nakatuon pa rin ang mukha niya sa flatscreen tv.
"Matutunaw ako niyan sa kakatitig mo, Top," pabirong sabi niya kaya bahagyang nanlaki ang aking mga mata't agad na umiwas ng tingin. At kunwaring nanunuod din sa pinapanuod naming romance -comedy movie. Napalunok ako at hindi mapakali sa aking kinauupuan.
Napatingin ako sa kanya gamit ang aking peripheral vision at kitang-kita kong nakatitig siya sa 'kin habang may ngiti sa kanyang labi.
"Bakit mo ba kasi ako tinititigan ha? Eh, alam ko namang matagal ka nang naguwa-guwapuhan sa 'kin," preskong sabi niya kaya bahagyang napakunot ang noo ko.
"Hindi kita tinititigan 'no! Asa ka!" Sagot ko sa kanya at humalakhak siya nang mahina.
"'Sus, indenial. Huling-huli ka na sa akto, eh! Akala mo ba hindi ko alam na kanina mo pa ako tinititigan?" Natatawang sambit niya sa akin kaya doon na ako napalingon sa kanya na nakakunot ang noo ko't nagsalubong ang aking kilay.
"Huwag mong bigyan ng meaning ang lahat ng nakikita mo. Masasaktan ka lang," sabi ko sa kanya at sarkastikong napangiti. Narinig ko siyang tumawa.
"Parang double meaning 'yong sinabi mo ah?" Tanong niya sa akin at muling tumawa. Kaya dahil sa inis ay inirapan ko siya at bumuntong-hininga.
"Kagaya nga ng sinabi ko, huwag mong bigyan ng meaning ang lahat ng nakikita mo. Ikaw lang din naman ang masasaktahan kapag ginawa mo 'yon," sagot ko sa kanya at tumigil na siya sa pagtawa. Mabuti naman. Sabi ko sa sarili ko.
"Wala bang meaning 'yong gabing hinalikan kita?"
Nagulat ako sa sinabi niya at literal na pinandilatan ko siya ng mata. Agad akong umiwas ng tingin at para bang umakyat lahat ng dugo ko sa aking pisngi. Hindi ko inaasahan na babanggitin niya ulit 'yon mismo sa harap ko.
Kainis naman, eh! Kung ano pa 'yong pangyayaring pilit ko nang kinakalimutan eh siya naman 'tong pinapaalala muli sa 'kin ang lahat.
Ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso ko pati na 'yong kabang nananalaytay sa aking dibdib. Nakakabaliw isipin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
BINABASA MO ANG
I Thought It Was Love [BOYXBOY]
Teen Fiction- Featured in WattpadRomancePH's "Rainbow Romance" Reading List [1st Book of I THOUGHT DUOLOGY] *** Bata pa lang ay alam na ni Kristoper sa sarili niyang bakla siya. Pilit lang niya itong itinatanggi sa kaniyang sarili lalo na at matagal na rin sila...