Chapter 13

852 28 1
                                    

Kinabukasan, araw ng sabado ay muli kaming nag-shoot para sa ibang scenes ng aming short film—which is sa park ng subdivision namin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kinabukasan, araw ng sabado ay muli kaming nag-shoot para sa ibang scenes ng aming short film—which is sa park ng subdivision namin. Nilakad lang naming dalawa ni Dave ang park mula sa bahay namin at pagdating sa set ay agad kaming pinabihis at pagkatapos ay sinabihan ako kaming dalawa ni Steffany ang kukunan sa eksena. Bale ang scene ay nakita ko siyang umiiyak nang mag-isa sa swing at lalapitan ko siya. I'm her knight and shining armor na sasagip sa broken hearted niyang puso.

Tsk. Kahit saang anggulo ko pa tingnan, hindi ko talaga ma-imagine na ako ang third wheel sa love story na ito. O talagang sinadya nila na kunin ako dahil alam nilang boyfriend ko si Dave at may gusto naman 'yong maarteng babae na 'yon sa jowa ko. Hay nako, kung hindi lang talaga para sa grades ang ginagawa namin ngayon ay talagang hindi ako papayag na maging third wheel sa kanilang dalawa. Lalo na't leading man si Dave at ako pa ang ginawa nilang maging karibal niya.

Halos magsasampung minuto na ang lumipas ay hindi ko na ma-deliver nang maayos ang lines ko dahil talagang nadi-distract ako kay Steffany. Alam kong kailangan kong pangatawanan ang karakter ko pero kapag nakikita ko ang mukha niya ay hindi ko talaga maiwasang mainis sa, kanya kahit wala naman siyang ginagawang masama sa akin. Kaya hindi tuloy maiwasang sigawan ako ng direktor namin.

"Ano ba naman, Kristoper?! Nakailang ulit na tayo sa eksenang 'to at saka ang simple-simple lang ng gagawin mo, hindi mo pa magawa?" Bulyaw ng direktor sa akin kaya napayuko ako at bumuntong-hininga.

"Sorry po, direk." ang nasagot ko na lang sa kanya at hinahanap ng mga mata ko si Dave at nakita ko naman siyang nakatingin sa akin, bakas ang awa sa mukha niya.

"Oh sige, break muna tayo nang five minutes. At sana naman Kristoper ay magawa mo na nang maayos ang role mo mamaya, okay?" dismayadong sabi sa akin ng direktor namin kaya tumango lang ako at lumapit kay Dave.

"Mahal, okay ka lang ba?" agad niyang tanong sa akin at inirapan ko siya.

"Mukha ba akong okay sa paningin mo ngayon?" inis kong sagot sa kanya at narinig ko lang siyang napabuntong-hininga. Maya-maya pa ay inakbayan niya ako at hinila patungo sa kanya saka niya ako niyakap mula sa aking likuran.

"Naiinis ka pa rin ba sa kanya kaya ka nagkakaganyan?" paglalambing niya sa akin at hinalikan ako sa pisngi ko. Hinawakan ko ang mga kamay niyang nakagapos sa baywang ko't huminga nang malalim.

"Ba't ba kasi ako pa ang ginawang third wheel niyong dalawa? Naiinis tuloy ako lalo sa kanya. Parang kahit wala naman siyang ginagawang masama sa akin eh talagang umiinit pa rin ang dugo ko sa kanya," nakabusangot kong sabi na parang batang nagsusumbong.

Iniharap niya ako sa kanya at nakita ko siyang nakangiti. "Eh kasi naman pinag-iisipan mo pa rin siya nang masama kaya ka nagkakaganyan. At saka nag-usap na tayo tungkol dito 'di ba? Na kahit anong gawin niyang pagpapapansin sa akin ay sa 'yo pa rin naman ako interesado," paliwanag niya kaya kahit papaano ay napangiti ako nang bahagya sa sinabi niya.

I Thought It Was Love [BOYXBOY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon