- Featured in WattpadRomancePH's "Rainbow Romance" Reading List
[1st Book of I THOUGHT DUOLOGY]
***
Alam na ni Kristoper mula pa noon na iba siya. Sa bawat araw na lumilipas, mas ramdam niya ang bigat ng lihim na iyon-ang katotohanang siya ay bakla...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Halos libutin ko na iyong buong subdivison para lang makita siya. Kanina pa ako palakad-takbo at pinupuntuhan 'yong mga posibleng lugar na maaari niyang puntahan pero bigo akong makita siya roon. Pumunta na rin ako sa bahay nila ngunit walang tao roon kaya agad din akong umalis. Pansin ko rin na parang hindi maganda 'yong panahon ngayon kaya hindi magtatagal ay bubuhos din ang malakas na ulan. Iniisip ko rin kung saan siya puwedeng magtungo at isa na lang ang hindi ko pa napupuntahan at iyon ang children's park.
Kaya agad akong tumakbo papunta roon kahit na biglang bumuhos ang malakas na ulan. Hindi ko na inisip na mababasa ako kasi ang tanging nasa isip ko lang ngayon ay si Dave. Pagdating ko roon ay agad ko siyang nakitang nakaupo sa swing at bahagyang nakayuko. Nilapitan ko siya at nang maramdaman niya ang presensya ko ay agad niyang inangat ang kanyang tingin sa akin, pero agad din siyang umiwas ng tingin.
Napabuntong-hininga na lang ako at tinitigan siya saka nagsalita. "I'm sorry, Dave. Sorry sa lahat ng mga nasabi ko sa 'yo kanina at sa pagiging makasarili ko. Maniwala ka sa akin pero hindi ko talaga intensyon na saktan ka. Ang tanga-tanga ko lang kasi masyado akong nagpadala sa emosyon ko," sabi ko at mas lumapit pa ako sa kanya. Hindi pa rin siya nakatingin sa akin pero alam kong malungkot ang mukha niya sa mga oras na 'yon.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko na umiyak at lumuhod sa harap niya. Hinawakan ko ang kanyang kamay saka ako muling nagsalita.
"Dave, please...I'm really sorry. Dapat pala ay hinayaan muna kita na magpaliwanag nang maayos kaysa pairalin ang emosyon ko, kasi in the first place ay wala namang tayo, eh. Wala naman tayong relasyong pinanghahawakan. At dapat pala ay naniwala ako sa 'yo kaysa pairalin 'yong galit ko. Matagal na tayong magkaibigan pero ngayon lang kita hindi pinaniwalaan at pinagdudahan. Ang sama-sama kong kaibigan sa 'yo, Dave. Wala akong kuwentang kaibigan sa 'yo..."
Humihikbi kong sabi habang nakatingin pa rin nang diresto sa kanya. Kung hindi lang sana umuulan ngayon ay panigurado akong kanina pa niya ako nakikitang umiyak. Tumayo siya mula sa swing na nakahawak pa rin ang kamay ko sa kanya ngunit nakatingin pa rin siya sa ibang direksyon.
"Hindi ka pa rin ba talaga naniniwala sa akin ngayon, Top?" pabulong niyang sabi sa akin at nakita ko rin siyang umiiyak at mahinang suminghot.
"Naniniwala na ako sa 'yo, Dave. Naniniwala na akong tama ka at mali ako. Kaya patawarin mo na ako..." humihikbi kong sabi at niyakap ko nang mahigpit ang tuhod niya.
Pinilit niya akong patayuin—na agad ko namang sinunod at niyakap siya nang mahigpit. Naramdaman ko na lang na niyakap din niya ako pabalik kaya mas lalo lang akong naiyak sa ginawa niya na may kasamang pagsinghot.
"Ang tanga-tanga ko, Dave. Ang bobo ko para hindi maniwala sa 'yo..." bulong ko sa kanya na nakasandal ang ulo ko sa kanyang dibdib. Hinagod niya lang ang likod ko para patahanin sa pag-iyak.
"Shh...tahan na. Okay na ang lahat, Top. Pinapatawad na kita. Huwag ka ng umiyak kasi nandito na ako..." sabi niya sa akin kaya unti-unti na rin akong tumigil sa pag-iyak at bumitaw sa kanyang yakap para tingnan siya.