- Featured in WattpadRomancePH's "Rainbow Romance" Reading List
[1st Book of I THOUGHT DUOLOGY]
***
Alam na ni Kristoper mula pa noon na iba siya. Sa bawat araw na lumilipas, mas ramdam niya ang bigat ng lihim na iyon-ang katotohanang siya ay bakla...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Ayoko na, Nate! Tama na! Masyado na akong nasasaktan. Sapat na sa akin 'yong mga nakita ko kasama mo ang Hailey na 'yon. Oo, alam kong wala akong laban sa kanya dahil wala akong ganda na maipagmamayabang, mahirap lang kami at wala akong luhong maipapakita sa kanila kumpara sa babaeng 'yon. At alam ko naman na ginamit mo lang ako eh, simula pa lang n'ong una,"
"Alam ko na pinagpustahan niyo lang ako ng mga kaibigan mo, at 'yong totoo ay hindi mo talaga ako minahal! Minahal mo lang ako sa paraan nang panloloko!" Litanya ni Steffany kay Dave at bigla itong umiyak. Isang natural na iyak.
Lumapit si Dave sa kanya at akmang hahawakan ang kamay nito nang bigla rin itong umatras at nilayo ang kamay sa kanya.
"Sa tingin mo ba ay gano'n talaga ang pakay ko sa 'yo, Ianne? Na ginamit lang kita at hindi talaga kita minahal nang totoo? Saka Ianne, ni hindi mo nga ako hinayaang magpaliwanag sa 'yo. Ni hindi mo rin alam kung ano 'yong nararamdaman ko sa tuwing lumalapit ako sa 'yo, kapag hinahabol kita at sa tuwing kinakausap kita ay binabalewala mo lang ako na parang hindi mo nakikita! Ni hindi mo nga ako pinakinggan,"
"Napaka-unfair mo! Hindi ko intensyon na saktan ka dahil unang-una ay hindi ko 'yon ginawa. Ako mismo 'yong gumawa ng bitag pero ako rin 'yong biktima. Mahal kita, Ianne. Mahal na mahal. At kahit makipaghalikan pa ako sa ibang babae, ang labi mo pa rin ang gusto ko. At kahit sinong babae pa ang gusto akong makasama, ikaw pa rin ang hinahanap nitong puso ko," seryosong sabi niya at ni isa sa amin ay walang nagtangkang magsalita dahil lahat kami ay dalang-dala sa sagutan nilang dalawa.
Hindi ko mawari kung umiiyak na ba si Dave ngayon o hindi, dahil nakalagay sa script na iiyak siya sa harapan ni Ianne—which is si Steffany.
"Simula pa lang n'ong una kitang makilala, alam ko na mahal na kita. Naging matalik tayong magkaibigan noon at palihim kitang minahal. Natatakot akong malaman mo noon na mahal kita kasi ayokong masira ang pagkakaibigan nating dalawa, kaya mas pinili kong idaan na lang sa biro ang lahat. Hanggang sa ipinakilala mo ako sa mga magulang mo at ganoon din ako sa mga magulang ko. Niligawan kita nang personalan dahil gusto kong totohanin ko na 'tong nararamdaman ko sa 'yo."
"Ilang beses mo na ring pinagdudahan 'yong pagmamahal ko sa 'yo noon, at lagi kong sinasabi sa 'yo na magtiwala ka lang sa akin kasi kahit kailan ay hindi kita kayang lokohin. At hindi peke itong pagmamahal na nararamdama ko para sa 'yo, Ianne. Kung anuman ang nakikita at nararamdaman mo ay walang halong kasinungalingan 'yon. Iniyakan kita nang sobra at natatakot akong mawala ka. At nang minsang sinabi mo sa akin na gusto mong maghiwalay na tayo ay hindi ako pumayag dahil ayoko at sobra kitang mahal. Alam mo 'yon, Ianne. Kasi alam ko at naniniwala akong mahal mo rin ako. Kaya hindi ko magagawa 'yong mga ibinibintang mo sa akin na niloloko lang kita kasi sa totoo lang...handa kong itaya ang buhay ko para sa'yo."
Lahat kami ay nagulat nang marinig namin ang sinabi ni Dave dahil wala 'yon sa eksena. Kaya napailing 'yong direktor namin at ipinatigil ang kanilang pagsasagutan.
"Teka nga, ano bang pinagsasabi mo Dave?! Jusko, wala sa script 'yon at saka okay na sana 'yon eh! Nandoon na 'yong mga emosyon na hinahanap ko, eh. Hay nako. Sige, another take ulit," nayayamot nitong sabi.
Alam ko na ako ang pinapataaman ni Dave sa mga sinabi niya kanina at talagang sinadya niyang sabihin 'yon. Kaya hindi ko maiwasang makonsesnya sa mga inasal ko sa kanya nitong mga nakaraang araw. At sa punto ring 'yon ay nawala na 'yong galit at inis ko sa kanya.
Huminga nang malalim si Dave at napayuko saka marahang umiling. Bigla siyang napatingin sa kin at nang makita niyang nakatingin din ako sa kanya ay umayos siya ng tayo at naglakad papunta sa akin.
"Oh, bakit? Anong proble—"
Nagulat ako nang bigla niyang binaon ang noo niya sa dibdib ko habang nakapamulsa siya. Tiningnan ko lang siya at narinig ko ang kanyang pagbuntong-hininga.
Napatingin ako sa mga kasamahan namin at ang laki ng mga ngiti nila sa aming dalawa. Huminga ako nang malalim at muli siyang tinanong. "Bakit? Ano bang problema, Dave?" sabi ko sa kanya at umiling siya.
"Na-miss lang kita," aniya kaya napangiti ako sa sinabi niya't umiling.