Chapter 11

1K 32 1
                                        

Ngayon ang unang araw ng klase namin at maagang nag-text si Dave sa akin kanina na susunduin niya ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ngayon ang unang araw ng klase namin at maagang nag-text si Dave sa akin kanina na susunduin niya ako. Siyempre, sino ba naman ang hindi kikiligin kung ganyan ka-sweet ang boyfriend mo sa 'yo? Halos mag-iisang linggo na simula n'ong maging officially mag-on na kaming dalawa at hanggang ngayon ay parang panaginip pa rin sa akin ang lahat. Kaya nang magising ako kanina ay agad akong napangiti saka ni-replyan siya.

Nang matapos kong ayusin ang higaan ko ay agad na akong dumiretso sa banyo para maligo. Pagkatapos magbihis ng plain white round neck t-shirt, maong na pantalon at itim na sneakers agad na akong bumaba at tumungo sa kusina para mag-almusal. Agad na sumalubong si 'Nay Ester sa akin na naghahanda ng aking almusal kaya binati ko siya na may kasamang ngiti.

"Good morning, 'Nay Ester!" sabi ko sa kanya kaya napatingin din siya sa akin at nginitian ako pabalik. "Oh, tamang-tama at kaluluto ko lang ng agahan mo." Aniya kaya agad akong umupo sa kitchen stool.

Maya-maya pa'y narinig naming mag nag-doorbell kaya napalingon ako sa main door na nasa sala at aakmang tatayo nang pinigilan ako ni 'Nay Ester.

"Ako na, 'nak. Kumain ka na diyan," sabi nito sa akin kaya umayos ulit ako ng upo at nagsimula ng kumain.

Ilang segundo lang ang nakalipas ay naramdaman kong may humalik sa pisngi ko kaya literal na nagulat ako at muntik ko ng maibuga ang kinakain ko. Agad akong napalingon sa tabi ko't nakita ko si Dave na nakangiti sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin at napalinga sa palibot naming dalawa.

"Siraulo ka ba? Ba't mo ba ako biglang hinalikan, ha? Hindi mo ba naiisip na baka may makakita sa ginawa mo?" pabulong na sabi ko sa kanya at ngumisi lang siya sa akin saka siya umupo sa tabi ko.

"'Sus! Eh ano naman kung may makakita sa atin? Ikinakahiya mo ba ako?" sagot niya kaya hindi ko napigilan ang sarili ko na irapan siya.

"Magkaiba ang ikinakahiya sa nag-iingat, okay?" nayayamot kong sagot kaya bahagya siyang natawa sa reaksyon ko at lumapit sa akin saka ako niyakap ako, at agad ding bumitaw.

"Oo na. Mag-iingat na nga," natatawa niyang sabi sa akin kaya inirapan ko na lang siya at nagpatuloy sa pagkain ko ng almusal. Buti na lang at walang tao sa kusina bukod sa aming dalawa kaya hindi na ako masyadong nag-alala.

Pagkatapos kong kumain ng almusal ay sabay na kaming dalawa na nagpaalam kay 'Nay Ester at nagpahatid sa driver namin. At nang makarating na kami sa unibersidad namin ay sabay din kaming nag-thank you kay Manong Jun. Pag-alis nito ay pa-simpleng hinawakan ni Dave ang kamay ko habang naglalakad kaming dalawa. Pinipilit ko namang agawin ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya pero mas hinigpitan pa niya ang paghawak sa akin, kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Akala ko ba napag-usapan na natin ko kanina?" sabi ko sa kanya na nakakunot ang noo ko. At ang loko, nakuha pa akong tingnan na para bang wala lang 'yon sa kanya. Kainis!

"Bakit? May masama ba sa paghawak sa kamay mo?" tanong niya sa akin. Umirap ako at bumuntong-hininga.

"Seryoso ka ba talaga diyan sa sinasabi mo, ha?" sagot ko at muling sinubukang alisin ang kamay niya sa akin. "No to public display of affection, remember?" dagdag kong sabi kaya siya bumuntong-hininga at sumimangot.

I Thought It Was Love [BOYXBOY]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon