Apat na araw na ang nakalipas magmula ng makita ko ang lalaking 'yon habang kumakain kaming dalawa ni Dave sa KFC. Hanggang ngayon kasi ay binabagabag pa rin ako ng isipan ko kung saan at kailan ko ba siya nakita. Sigurado ako na hindi 'yon ang unang beses na makita ko siya. Malakas din ang kutob ko na schoolmate lang kaming dalawa pero sa tingin ko ay hindi naman siya nag-aaral doon sa university na pinapasukan ko.
Isang linggo na lang ang natitira bago ang pre-finals examination namin. Kaya busy na rin kami sa pag-comply ng aming mga task performances kasi may iba kaming subject na before the examination 'yong deadline ng pasahan nito. 'Yong iba naman ay sinabay ang pagkuha ng grado sa exam namin saka task performance kagaya n'ong ginawa naming short film. Sinadya 'yon ng professor namin na ipaaga 'yong paggawa para hindi raw mag-conflict sa iba naming subjects kasi pre-finals at finals 'yong pinaka-hectic at busy naming quarters. Lalo na 'yong finals dahil iyon ang may pinakamalaking porsiyento sa grading system namin.
Kaya kung may bagsak kaming grado sa mga subjects namin mula prelims at midterm ay pwede pa itong mabago sa finals kasi hindi pa naman fixed 'yong grado namin. Thankfully, wala kaming bagsak ni Dave at pareho kaming pasado lahat ang mga subjects naming dalawa. Qualified din kaming dalawa para mapabilang sa Dean's Lister sa department namin. Next semester pa namin malalaman 'yong resulta kasi ibabase ito sa general weight average ng grades namin pero sabi ng aming department adviser ay malaki ang tsansa na makapasok kaming dalawa.
Araw ng Miyerkules at wash day ng university namin at katatapos lang naming mag-lunch. Kasama naming dalawa ni Dave 'yong iba naming kaklase habang tumatambay kami sa aming usual spot, ang mini garden ng Liberal Arts. Nakaupo kaming lahat sa palibot na upuan na gawa sa bato. Talagang gusto naming tumambay rito kapag mataas 'yong vacant time namin kasi bukod sa mahangin doon ay marami pang mga punong-kahoy sa palibot kaya hindi mainit kapag tumatambay kami. Doon nga rin ako natutulog minsan kapag inaantok ako na kasama ko pa rin si Dave, o kapag wala siya minsan ay kasama ko naman 'yong iba kong kaklase. Sumali kasi siya sa basketball team ng department namin para sa nalalapit na intramurals. Dalawang linggo na lang kasi ang natitira bago ang main event kaya minsan ay hindi ko siya nakakasama lalo na sa pag-uwi dahil may practice sila pagkatapos ng klase namin. Sila kasi ang pambato sa department namin at gusto nila na maging panglimang taon na nila ito na manalo as overall champion sa mga events sa aming intramurals. Kaya alam ko na talagang nasa kanila 'yong pressure ngayon lalo na't marami ang umaasa na mananalo sila ngayong taon.
Sinasamahan ko naman siya minsan sa practice nila kapag wala akong pinagkakaabalahang gawin sa bahay kasi gusto ko rin manuod kung paano siya maglaro. At talaga ngang hindi nagkamali ang coach nila na kunin siya kasi napakagaling niyang maglaro. Napapanganga nga ako sa tuwing nakaka-three point shoot siya't duma-dunk. Saka hindi ko rin maiwasang mamangha sa kanya nang husto kapag pinagpapawisan siya kasi mas lalo lang siyang gumagwapo.
Hearthrob na hearthrob ang dating, eh.
Hindi ko nga maiwasang mapangiti na parang ewan sa tuwing nahuhuli niya akong nakatingin sa kanya habang naglalaro sila. Kinikindatan pa ako ng loko. Kaya kinakantsawan siya ng iba niyang kasama sa kanilang team kapag nahuhuli nila kaming dalawa. Napapailing na lang ako't natatawa kapag nahuli nila kami.
BINABASA MO ANG
I Thought It Was Love [BOYXBOY]
Teen Fiction- Featured in WattpadRomancePH's "Rainbow Romance" Reading List [1st Book of I THOUGHT DUOLOGY] *** Bata pa lang ay alam na ni Kristoper sa sarili niyang bakla siya. Pilit lang niya itong itinatanggi sa kaniyang sarili lalo na at matagal na rin sila...