Paggising ko nang araw ding iyon ay wala na sa tabi ko si Dave. Kaya inilibot ko ang aking paningin sa loob ng kuwarto, nagbabaka-sakali na baka makita ko siya pero kahit anino niya ay wala. Kaya bumangon na lang ako mula sa kama at lumabas ng kuwarto saka nagtungo sa kusina para kumain dahil naalala kong hindi pa pala ako nag-aalmusal. Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa pader sa hallway at mag-a-alas onse na pala ng umaga.
Nang makarating ako sa kusina ay nadatnan ko si Manang Ester na nililinis 'yong kitchen sink at hinihugasan iyong mga ginamit na kawali. Naramdaman niya ang presensya ko kaya agad siyang lumingon sa akin at nginitian ako. Nginitian ko rin siya pabalik at kumuha ng plato saka kutsara't tinidor sa lagayan at umupo sa harap ng mesa.
"'Nay, nakita niyo po ba si Dave? Wala na kasi siya sa kuwarto nang magising ako," tanong ko kay Manang Ester at binuksan 'yong nakatakip na food cover sa gitna ng mesa. May nakahain na doon na kanin saka ulam kagaya ng itlog, bacon saka hotdog. Agad akong natakam nang makakita ako ng adobong talong na may itlog saka sili kasi talagang isa sa mga paborito kong ulam 'yon.
Kaya agad akong nagsandok ng kanin sa plato ko at kumuha rin ng itlog saka hotdog pati na rin 'yong adobong talong na may itlog.
"Nagpaalam sa akin 'yon kanina na uumuwi muna raw siya sa kanila. Hinahanap kasi siya ng nanay niya," sabi nito sa akin habang abala sa kanyang ginagawa at sandaling lumingon sa akin. Kaya kita kong bahagyang napakunot ang kanyang noo. "Bakit? Hindi ba siya nagpaalam sa 'yo, 'nak?" dugtong niya sa sinabi niya kanina at agad naman akong umiling.
Nagpatuloy na lang ako sa pagkain ko at binigyan pa ako ni Manang Ester ng isang basong manggo juice kaya agad akong nagpasalamat sa kanya sabay ngiti.
Pangalawang ina kung ituring ko si Manang Ester kasi mula pagkabata naming dalawa ni Kuya Jasper ay siya na 'yong nag-alaga sa amin. Matagal na siyang naninilbihan sa pamilya namin at talagang masasabi ko na mapagkakatiwalaan siya. Sa katunuyan nga ay itinuturing niya kaming dalawa ni kuya na parang tunay na niyang mga anak kasi siya na halos 'yong tumayong magulang sa aming dalawa sa tuwing wala sina mama at papa sa bahay. At saka mas close kaming dalawa kaysa kay kuya magmula n'ong nag-kolehiyo na siya. Kaya hindi rin naman kaming masyadong nalulungkot kapag umaalis sina mama at papa kasi nand'yan naman si Nay Ester sa amin kasama 'yong iba pa naming mga kasama sa bahay.
Nang matapos akong kumain ay nagpaalam ako kay Manang Ester na babalik sa kuwarto ko para maligo. Kahit nasa loob lang ako ng bahay ay talagang mainit pa rin. Pagkatapos kong maligo ay agad akong nagbihis at nag-log in sa Facebook account ko gamit ang aking cellphone. Puro mga old post lang ng mga kaibigan ko ang nakikita ko sa aking news feed saka minsan at hindi ko mapigilang matawa kapag may nakikita akong mga memes.
Bukod kasi sa panunuod ng mga videos ay talagang naging libangan ko na rin ang magbasa ng mga memes at manuod din ng mga funny videos. Iyon lang kasi ang ginagawa ko para mawala 'yong stress ko saka panandaliang makalimutan 'yong mga iniisip kong problema. Pero most of the time ay bored lang talaga ako kaya trip ko lang din magbasa ng mga memes at manuod ng mga funny videos.
BINABASA MO ANG
I Thought It Was Love [BOYXBOY]
Teen Fiction- Featured in WattpadRomancePH's "Rainbow Romance" Reading List [1st Book of I THOUGHT DUOLOGY] *** Bata pa lang ay alam na ni Kristoper sa sarili niyang bakla siya. Pilit lang niya itong itinatanggi sa kaniyang sarili lalo na at matagal na rin sila...