Chapter 17

810 24 7
                                    

Ikaanim na araw ng aming intramurals ay ala siete na akong nagising dahil kay Dave

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ikaanim na araw ng aming intramurals ay ala siete na akong nagising dahil kay Dave. Hindi ko alam na kaninang ala sais pa pala siyang nandito sa bahay at paggising ko ay katabi ko na siya, habang yakap-kayap niya ako. Napangiti ako habang pinagmamasdan siyang natutulog saka ko siya hinalikan sa noo niya. Dahan-dahan kong inalis ang kamay niyang nakagapos sa aking katawan para hindi ko siya magising, saka ako tumayo at nag-stretching nang ilang segundo. At pagkatapos no'n ay dumiretso ako sa banyo para maghimalos ng aking mukha.

Chinat ako kagabi ng aming prof na mamayang alas tres pa magsisimula ang pageant, at ala una pa kami ni Dave pupunta. Kaya may ilang oras pa kami para mag-prepare at isaulo ang mga itinuro sa akin ng mga kaklase ko kung paano maglakad nang tama, ipakilala ang sarili at sagutin ang mga katanungan na ibabato sa amin ng mga judges. Sila na rin ang nag-prepare ng mga outfits na gagamitin ko mamaya kasi ayaw nilang naha-hassle ako. Mabuti na lang at nag-volunteer na silang gawin 'yon dahil panigurado ngang maha-hassle lang ako lalo na sa mga dadalhin. Wala kasing nakakaalam sa bahay namin na sumali ako sa ganoong klaseng pageant, lalo na ang mga magulang ko. Tanging si Dave lang at si Kuya Jasper ang nakakaalam. Tinawanan pa nga niya ako at inasar na hindi na raw siya magtataka kung bakit ako ang pinili na isali. Kaya ayon, nabwiset lang ako sa kanya at namura nang wala sa oras.

Pagkatapos kong manghilamos ng mukha ay agad na akong lumabas ng banyo at nadatnan ko pa ring natutulog si Dave, kaya humiga ako ulit at tumabi sa kanya saka ko siya niyakap at isinandal ang ulo ko sa kanyang dibdib. Dahilan para siya ay magising at tumingin sa akin na may ngiti sa kanyang labi.

"Good morning," sabi niya sa akin sa boses niyang bagong gising. Napangiti ako at hinalikan ang kanyang labi, na agad din siyang napangiti pagkatapos.

"Good morning din, my loves." Sagot ko naman sa kanya at natawa siya.

"Naks! May pa-my loves ka ng nalalaman ah," napailing siya at niyakap din niya ako pabalik nang mahigpit.

"Ba't hindi mo sinabi sa akin kagabi na maaga ka pa lang pupunta rito?"

"Eh, ayoko lang na istorbohin ka sa pagtulog."

Bahagyang napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Aysus, nakayakap ka nga sa akin kanina eh paggising ko. Mukha mo!" At tinawanan niya lang ako saka siya humalik sa pisngi ko.

"Kumain ka na ba?" tanong niya sa akin at umiling ako. "Tara, sabay na tayong bumaba para mag-almusal." dagdag pa niyang sabi kaya agad na kaming bumangon saka hanggang sa pagtayo ay nakayakap pa rin siya sa akin.

"Dave, mahuhuli nila tayo. Bitawan mo na ako," sabi ko sa kanya habang palabas kami ng kuwart ko. Napabuntong-hininga siya at agad din niya akong binitawan saka siya humalik ulit sa pisngi ko.

"I love you."

"Mas mahal kita kahit minsan eh inaasar mo ako."

Natawa lang siya sa sinabi ko kaya napangiti ako sa reaksyon niya.

I Thought It Was Love [BOYXBOY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon