Chapter 16

881 27 1
                                        

Kay-bilis lumipas ng linggo at intramurals na namin ngayon, kaya maaga akong nagising dahil parade pa kaming sasalihan kasabay ng opening program

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kay-bilis lumipas ng linggo at intramurals na namin ngayon, kaya maaga akong nagising dahil parade pa kaming sasalihan kasabay ng opening program. Kaya ala singko pa lang ay gising na ako at hindi ko na inabala si 'Nay Ester na maghanda ng aking agahan. Nagluto lang ako ng hotdog saka scrambled eggs at nagtimpla rin ako ng kape. Pero bago ako kumain ng agahan ko ay naligo muna ako at pagkatapos kong maligo ay tiningnan ko 'yong phone ko't may nakita akong text galing kay Dave.

"Dave Engot <3

Sabay na tayong pumunta ngayon. Susunduin kita."

Napangiti ako pagkatapos kong basahin 'yon at kaagad siyang ni-reply-an. Pagkatapos kong mag-reply ay agad na akong nagbihis, suot-suot ang department shirt namin saka maong na pantalon at puting sneakers. Saka agad akong bumaba at tumungo sa kusina para kumain ng almusal. 5:40AM na akong natapos sa pagkain ko't sakto ring dumating si Dave, suot-suot din niya 'yong aming department shirt. Agad na napakunot ang noo ko habang pinasadahan ko siya ng tingin, na agad din niya akong hinalikan sa pisngi ko nang makalapit siya sa akin at umupo sa tabi ko.

"Akala ko ba eh susuotin mo 'yong varsity shirt niyo ngayon?" tanong ko sa kanya at nginitian niya lang ako.

"Mamaya na. Dala ko naman dito sa bag ko." aniya at doon ko lang din napansin na may dala nga siyang bag pack. Inirapan ko siya't tumayo na dala-dala 'yong platong pinagkainan ko't dinala sa kitchen sink saka ito hinugasan. Pagkatapos n'on ay pinunasan ko 'yong mesa at inayos ng puwesto iyong ginamit kong upuan.

"Kunin ko lang 'yong shoulder bag ko," sabi ko sa kanya at tinanguan niya lang ako kaya agad akong bumalik sa kuwarto ko't kinuha 'yong sling bag at cellphone ko. At sinuot ang aking black na ball cap, na bigay niya rin sa akin n'ong isang linggo.

Nang makababa na ako ay agad na kaming nagpaalam kay 'Nay Ester na kagigising niya lang, pati na rin kay Manong Jun. Tinanong pa ako nito kung magpapahatid kaming dalawa pero tumanggi ako't sinabing magco-commute lang kami. Since ang assembly time namin ay 6:30, may fouty minutes pa kaming natitira. At usually, twenty to thirty minutes 'yong biyahe bago kami makarating sa university namin. And as usual kapag nagco-commute kami ay sumakay kami ng jeep, at gaya rin ng ginagawa niya ay nakahawak lang siya sa kamay ko buong biyahe. N'ong una ay talagang nahihiya pa ako pero ngayon ay balewala na lang sa akin 'yon. Talagang natuto na ako mula sa kanya na dedmahin 'yong reaksyon ng ibang taong makakakita sa amin kasi ano naman ngayon kung magkahawak ang kamay naming dalawa?

At saka isa sa pinakamasarap na feeling na mararamdaman mo kapag may jowa ka eh 'yong talagang proud na proud siyang ipaglandakan sa ibang tao na kayong dalawa talaga, sa simpleng paghawak niya lang ng kamay mo sa publiko. Na hindi iniisip 'yong sasabihin ng ibang tao tungkol sa inyo. Kasi totoo nga talaga na kahit ano pa ang gawin niyo, meron pa ring mga taong hindi tanggap at tatanggapin ang relasyon niyong dalawa. Life is not perfect, lalong-lalo na rin sa isang relasyon.

Pagbaba namin ng jeep ay hawak pa rin niya ang kamay ko hanggang sa makapasok na kami sa university namin. At hindi ko rin maiwasang palihim na mapangiti at maging masaya. May ilan pa ring mga estudyante ang napapatingin sa amin sa tuwing nadadaanan namin sila, halata sa mga mukha nila ang panghuhusga. Pero gaya nga ng nakaugalian na namin, hinahayaan na lang namin sila sa kung ano ang gusto nilang isipin tungkol sa aming dalawa ni Dave.

I Thought It Was Love [BOYXBOY]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon