Nang matapos ang pageant ay tinanghal ako bilang second runner up kaya laking tuwa nila nang malaman 'yon. Tumatalon pa nga si Dave sa tuwa nang in-announce iyon at hindi na nagdalawang-isip na tumakbo papunta sa akin saka niya ako niyakap nang mahigpit. Kaya hindi ko rin maiwasang mapangiti sa inasta niya. Pagkatapos n'on ay nagpa-picture 'yong mga ilang estudyante sa akin at sa tuwing may ibang lalaking nagpapa-picture ay grabe kung makatitig doon si Dave. Inaasar nga siya ng mga kaklase ko kasi raw grabe siya magselos.
"Kung picture lang, picture lang! Walang hawakan ng balikat." aniya nang makaalis na 'yong lalaki kaya natawa ako sa inasal niya.
"Aysus! Parang wala ring nagpapicture sa 'yong mga babae noong nakaraang araw ah?" pang-aasar ko sa kanya kaya mas lalo pang napakunot ang kanyang noo. At nginusuan ako.
"Grabe, hindi na ba talaga ako puwedeng magselos, mahal ko?" tanong niya sa akin, with his puppy eyes gesture. Hay nako! Napailing na lang ako at hinawakan ang kamay niya.
Nauna ng umuwi 'yong iba naming mga kaklase at iyong naiwan naman ay bitbit 'yong mga gamit na ni-rent nila. Nagpaalam na rin ito sa amin na umuwi na kaya kaming dalawa na lang ni Dave 'yong naiwan. Mag-a-alas otso na rin ng gabi at pareho kaming wala pang kain. Kagaya nga ng sinabi niya sa akin kanina ay kakain kami sa labas. Tinanggal ko na 'yong make-up ko at nakapagpalit na rin ako ng damit ko. Pero ayaw ipatanggal sa akin ni Dave ang suot kong korona kasi raw bagay na bagay iyon sa akin. Inirapan ko na lang siya't natawa sa kanyang sinabi.
Nang matunton namin ang parking lot ay agad na kaming dumiretso sa kotse na dala niya. Pumasok na kaming dalawa at agad niyang in-on 'yong speaker kaya agad kong kinonek 'yong phone ko through bluetooth. Nag-play ako ng kanta kasabay ng pagpaandar niya sa sasakyan at bago siya nagsimulang magmaneho ay tumingin siya sa akin, saka niya hinawakan ang kamay ko. At dahan-dahan niya itong kinuha't hinalikan ang likod ng aking palad.
Kaya ang laki ng ngiti ko sa kanya at napayuko ako kasi hindi ko akalain na maiiyak ako sa mga sandaling 'yon. Kaya agad niyang binitawan ang kamay ko't 'yong pisngi ko naman ang hinawakan at saka niya ito ikinulong sa mainit niyang palad.
"Oh, ba't ka umiiyak? May problema ba, mahal ko?" nag-aalala niyang tanong sa akin at umiling ako sa kanya na may kasamang isang tipid na ngiti.
"Sorry. Ang oa ko lang tingnan, pero masaya lang talaga ako ngayon, Dave. Sobrang saya, lalo na't palagi kang nandiyan sa tabi ko sa tuwing kailangan kita," sagot ko at inangat ang tingin ko sa kanya. Nginitian niya ako at saka niya pinunasan iyong mga luha kong lumalandas sa aking pisngi.
"Sobra akong nagpapasalamat sa Diyos kasi ibinigay ka niya sa akin. Like hindi ko naman hiniling ito sa kanya pero grabe lang 'yong blessings na binigay niya sa akin. At saka sobra rin akong nagpapasalamat sa 'yo kasi tinanggap mo ako nang buo, sa kung sino at ano ako. Hindi mo pinaramdam sa akin na naiiba ako sa lahat, na bakla ako. At nang dahil din sa 'yo ay mas minahal at tinanggap ko pa 'yong sarili ko."
Dagdag kong sabi at nakita kong tinanggal niya iyong pagkaka-lock ng kanyang seat belt saka siya lumapit sa akin at niyakap ako nang mahigpit. Kaya hindi na rin ako nagdalawang-isip na yakapin din siya pabalik at ibaon ang mukha ko sa kanyang dibdib. Ramdam kong may kumawalang luha ulit sa mga mata ko pero hinayaan ko na lang 'yon.
Pagkatapos niya akong yakapin ay agad din niya akong pinakawalan at muling pinunasan ang luha ko, saka niya hinalikan ang noo ko.
"Ako dapat ang mas magpapasalamat sa 'yo kasi hindi mo lang ako minahal, tinuruan mo rin ako't minulat sa katotohanang wala naman talagang kasarian pagdating sa pagmamahal. Nang dahil din sa 'yo ay mas tinanggap ko pa 'yong sarili ko. At maging malaya sa pagiging ako, na hindi ko na kailangan pang magpanggap para lang mahalin at tanggapin mo rin ako."
BINABASA MO ANG
I Thought It Was Love [BOYXBOY]
Romance- Featured in WattpadRomancePH's "Rainbow Romance" Reading List [1st Book of I THOUGHT DUOLOGY] *** Alam na ni Kristoper mula pa noon na iba siya. Sa bawat araw na lumilipas, mas ramdam niya ang bigat ng lihim na iyon-ang katotohanang siya ay bakla...
![I Thought It Was Love [BOYXBOY]](https://img.wattpad.com/cover/23129411-64-k930413.jpg)