Lahat kami ay sobrang excited para sa Grand Ball na gaganapin ngayong araw sa university lang din namin. Ala singko na ng hapon at 6:30 ng gabi ang call time nila dahil exactly 7:00PM mag-start 'yong event. Tinulungan ako ni mama na mamili ng susuotin ko since may mga tuxedo na rin ako. Isang dark navy blue na tux ang napili ni mama na tinernuhan ng kakulay nitong slacks na above the ankle lang 'yong haba, at brown na leather shoes. Nangningning 'yong mga mata ni mama nang matapos niya akong bihisan at pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. Ang laki ng ngiti niya nang tumingin siya sa akin kaya napangiti rin ako sa kanya.
"Talagang bumagay sa 'yo 'yong suot mo ngayon, 'nak," sabi nito sa akin at natawa ako nang bahagya.
Umikot ako para tingnan ang sarili ko sa salamin at gaya nga ni mama ay ganoon din ang naging reaksyon ko nang makita ko ang aking kasuotan. Hindi maalis sa labi ko ang aking ngiti, at halos hindi makapaniwalang ako itong nakikita ko ngayon.
Humarap ako kay mama na nakangiti pa rin sa kanya. "Thank you, ma. Mas pinaguwapo niyo pa ako ngayong araw na 'to," sabi ko at nagtawanan kaming dalawa.
"Aysus! Guwapo ka naman talaga. Baka nakakalimutan mong nagmana 'yang kaguwapuhan mo sa akin?" biro nito kaya ako napailing.
Saktong tumunog ang cellphone ko na nasa ibabaw ng aking kama kaya agad ko itong kinuha at agad na bumungad sa akin ang text ni Dave.
Dave Engot <3
Nandito na ako sa labas ng bahay niyo. :)
Mas lalo akong napangiti pagkatapos ko iyong basahin at bumuntong-hininga bago ulit humarap kay mama.
"Aalis na po ako, ma. Nandiyan na po si Dave sa baba," sabi ko rito at tumango siya sa akin at lumapit para ayusina ang kuwelyo ng suot kong panloob na polo.
"Mag-ingat kayong dalawa, ha? At saka i-enjoy niyo lang 'tong gabing ito." paalala niya sa akin at tumango ako. Saka ko siya hinalikan sa pisngi niya.
"Opo ma. Bye na po."
"Sige. Love you!"
Napangiti ako sa sinabi niya. "Love you too, ma."
At agad ko ng kinuha 'yong wallet ko na nakapatong sa ibabaw ng aking bedside table, saka lumabas ng kuwarto. Pagkalabas ko ng bahay ay tanaw ko na si Dave sa labas ng gate, nakatayo't nakasandal sa kanyang dalang sasakyan. Hawak niya ang kanyang phone at titig na titig siya rito. Pagbukas ko ng gate ay agad niyang inangat ang kanyang ulo't napatigin sa akin. At kita ko kung paano napaawang nang bahagya ang kanyang bibig habang nakatingin sa akin na papalapit sa kanya.
Napaasiwa ako dahil sa reaksyon niya't umiling.
"Para kang nakakita ng anghel sa mukhang 'yan, ah?" biro ko sa kanya at nakatingin pa rin siya sa akin. Ilang segundo ang nakalipas bago niya ako sinagot.
"Ang ganda mo lang kasing tingnan sa suot na 'yan, talagang bumagay sa 'yo," aniya kaya agad akong napasimangot.
"Wow! Naka-tux ako ngayon at slacks, tapos gandang-ganda ka sa akin? Joke ba 'yan?
BINABASA MO ANG
I Thought It Was Love [BOYXBOY]
Novela Juvenil- Featured in WattpadRomancePH's "Rainbow Romance" Reading List [1st Book of I THOUGHT DUOLOGY] *** Bata pa lang ay alam na ni Kristoper sa sarili niyang bakla siya. Pilit lang niya itong itinatanggi sa kaniyang sarili lalo na at matagal na rin sila...