Chapter 10

1.1K 35 2
                                        

Papunta ako ngayon sa parke ng subdivision namin dahil may sasabihin si Dave sa akin, gaya ng sabi sa text message niya kagabi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Papunta ako ngayon sa parke ng subdivision namin dahil may sasabihin si Dave sa akin, gaya ng sabi sa text message niya kagabi. Hindi ko alam kung ano ang dahilan niya para papuntahin niya ako rito kasi usually, kapag may gusto siyang sabihin sa akin eh pinupuntahan niya naman ako sa bahay. Habang naglalakad ako ay hindi ko maiwasang hindi kabahan, iniisip kung ano ang sasabihin niya sa akin. At nang makarating na ako ay nadatnan ko siyang nakatalikod sa akin, nakatayo at nakapamulsa. Kaya tumigil ako sandali at huminga nang malalim, napalunok at pilit na inaalis ang kaba sa aking dibdib.

"Dave..." tawag ko sa kanya. Agad siyang humarap sa akin at agad na bumungad ang seryoso niyang mukha. Napalunok ulit ako dahil kinakabahan ako sa titig niyang 'yon. At saka hindi ganoon ang nakasanayan kong Dave.

Isang nakabibinging katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa. Nagkatitigan lang kaming dalawa at ganoon pa rin ang emosyon niya sa akin—blangko. Nang hindi ko na makayanan ang tensyong bumabalot sa amin ay nagdesisyon na akong magsalitang muli.

"B-Bakit mo ako pinapapunta rito, Dave?" Tanong ko sa kanya at nakita kong umiwas siya ng tingin saka napayuko. Huminga siya nang malalim at muling napatingin sa akin.

"Hindi talaga kita minahal nang totoo, Top. Ang totoo kong dahilan kung bakit lang kita nilalapitan ay dahil napagkasunduan ka lang namin ng mga kaibigan ko, as a bet to make you fall in love with me. Ang guess what? I won that bet! At kaya ko 'to sinasabi ngayon ay para ipamukha sa 'yo na ginamit lang kita at hindi talaga kita minahal. Sino ba naman kasing matinong lalaki ang papatol sa kapwa rin niya lalaki, 'di ba? Tangina, nakakadiri lang pakinggan!"

Para akong nabingi sa mga sinabi niya sa akin, na para bang sirang plakang paulit-ulit na umiikot sa utak ko. At mga salitang 'yon ay unti-unti akong pinapatay sa bawat segundong lumilipas habang nakatayo ako at kaharap siya. Hinihiling na sana'y mali lang ang nadinig ko sa kanya. Naghintay pa ako ng ilang segundo sa susunod niyang sasabihin, na baka joke lang ang lahat ng 'yon o pina-prank niya lang ako. Pero walang nangyari.

Mas lalo lang bumigat ang pakiramdam ko.

Aakmang hahawakan ko sana ang kamay niya pero agad niya itong nilayo sa akin, na para bang diring-diring mahawakan ko siya.

"Huwag mo nga akong hawakan! Nakakadiri ka. Baka mahawaan pa ako ng kabaklaan mo!" Bulyaw niya sa at hindi ko na napigilan ang mga luha kong kanina pa nagbabadyang kumawala sa mga mata ko.

"Hindi ba...nagjo-joke ka lang? Sabihin mo, nagbibiro ka lang 'di ba? Na hindi totoo lahat ng mga sinabi mo sa akin kanina?" Pagmamakaawa ko at pilit ko pa rin siyang hawakan ngunit agad din siyang lumalayo sa akin.

"Tangina naman, Top? Ano ba ang akala mo sa akin? Na nagbibiro lang ako sa 'yo ngayon? Hindi ka ba makaintindi, ha?! Na hindi kita mahal at kahit kailan ay hindi kita minahal! Huwag kang mag-ilusyon na mamahalin kita kasi kahit kailan, hindi ko magawang magmahal ng baklang katulad mo!" Mura't sigaw niya sa akin nang harap-harapan. At sa sobrang sama ng loob ko dahil sa mga sinabi niya ay hindi ko na napigilan ang sarili ko na sampalin siya nang malakas sa kanyang pisngi.

I Thought It Was Love [BOYXBOY]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon