- Featured in WattpadRomancePH's "Rainbow Romance" Reading List
[1st Book of I THOUGHT DUOLOGY]
***
Alam na ni Kristoper mula pa noon na iba siya. Sa bawat araw na lumilipas, mas ramdam niya ang bigat ng lihim na iyon-ang katotohanang siya ay bakla...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Tulog lang ako buong biyahe namin papunta sa bahay ng tita ko na magkatabi kaming dalawa ni Dave. Nagising na lang ako sa kalagitnaan ng biyahe namin na nakasandal na pala ang ulo ko sa balikat niya saka ang mokong ay pa-simple pang umakbay sa akin. Napatingin ako sa harapan namin upang tingnan kung ano ang ginagawa nila mama, papa at kuya at nakita kong natutulog din si kuya. Si mama naman ay nakatingin lang sa labas habang si papa ay focus sa pagmamaneho. Muli kong tiningnan si Dave at pinagmasdan ang maamo niyang mukha, and at that moment ay napangiti ako.
Na-realize ko lang kasi na ang suwerte ko talaga sa kanya. At saka ang dami nang ginawa ni Dave para sa akin at ni isa man lang sa ginawa niya ay hindi ko kayang suklian. Pero balang araw ay masusuklian ko rin lahat ng mga kabutihang ginawa niya sa akin at sa buhay ko.
Six forty-nine na kaming nakarating sa bahay ng kapatid ni mama na si Tita Veronica. Pagbaba namin ng van ay agad na bumungad sa amin ang malawak na palayan saka napatingin din ako sa bahay nila at masasabi kong may kalakihan din ito. At maya-maya pa ay sinalubong kami ni Tita Veronica na may ngiti sa labi nito at niyakap niya si mama saka nakipag-beso kay papa. Nagmano naman si kuya sa kanya at maging kami ni Dave ay ganoon din ang aming ginawa. Pagkatapos n'on ay pinapasok niya kami sa loob ng bahay nila saka sumalubong din sa amin si tito. Dumiretso sila sa kusina at nagkamustahan kaya nagpaiwan na lang kaming dalawa ni Dave sa sala nila.
Bakas sa mukha nito na talagang inaantok pa siya kaya nagpaalam siya sa akin kung puwede ba raw niyang isandal ang ulo niya sa hita ko, kaya tumango lang ako at halos inukopa niya ang buong sofa. Agad siyang napapikit at ewan ko ba kung bakit panay ang pagtitig ko sa mukha niya. Hindi nagtagal at tuluyan na rin siyang nakatulog kasi rinig ko na ang mahina niyang paghilik kaya napangiti ako dahil doon.
"Ehem!"
Nagulat ako nang marinig ko ang boses ni kuya at agad na napaayos ng upo. Napalingon ako sa kanya at ang laki ng ngisi nito sa akin nang malapad, halatang may iniisip na masama kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Ano ba, kuya? Papatayin mo ba ako sa gulat?" Sabi ko sa halos pabulong kong boses.
"Aysus, kunwari ka pa, eh. Halos nag-e-enjoy ka ngang titigan 'yang Dave mo."
Aniya at tinawanan pa ako. Inirapan ko na lang siya saka umiling dahil kahit saan talaga kami pupunta, walang oras na hindi babanat si kuya sa akin. Talagang natutuwa siyang inaasar ako kaya minsan ay hindi ko talaga maiwasang mapikon sa kanya. Ang kulit, eh. Mukhang hindi yata tugma ang edad niya sa inaasal niya kasi minsan ay parang isip bata siya.
Hay nako, ang hirap talaga kapag may kapatig kang kasiyahan sa kanya ang mang-aasar at nakikita kang naaasar.
Nang madatnan kami ni tita na nasa ganoong posisyon ay pinalipat niya kaming dalawa ni Dave sa isang kuwarto upang doon kami makapagpahinga nang maayos. Kaya ginising ko siya at sinabing lilipat kami sa kuwarto upang doon ay mas makatulog siya nang maayos. Mabuti na lang at agad siyang sumunod kaya nang makapasok kami sa kuwartong 'yon ay inayos ko muna ang kama na hihigaan niya. Nang makahiga ay agad din nakatulog ulit. Napagod siguro sa medyo mahabang biyahe namin kanina.