- Featured in WattpadRomancePH's "Rainbow Romance" Reading List
[1st Book of I THOUGHT DUOLOGY]
***
Alam na ni Kristoper mula pa noon na iba siya. Sa bawat araw na lumilipas, mas ramdam niya ang bigat ng lihim na iyon-ang katotohanang siya ay bakla...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Four months later...
Nakatingala ako sa kisame ng kuwarto ko't hindi ko namalayang kanina pa pala sumikat ang araw. Hindi na naman ako nakatulog kagabi at magpa-hanggang ngayon ay mulat na mulat pa rin ang mga mata ko't gising pa rin ang diwa ko. Kahit nakararamdam na ako ng pagod at antok ay hindi ko pa rin magawang makatulog. Napatingin ako sa alarm clock na nasa ibabaw ng bedside table at nakita kong ala siyete na pala ng umaga. Huminga ako nang malalim at muling tumingala sa kisame ng kuwarto ko't napapikit.
Maya-maya pa ay bigla ko na lang narinig ang pagkatok ni mama sa pinto ng kuwarto ko't tinatawag ang pangalan ko.
"Dave, halika na rito't mag-aalmusal na tayo," sabi nito sa akin.
Huminga ulit ako nang malalim. "Wala akong ganang kumain, ma," matamlay ko naman sagot sa kanya. At ilang sandali lang ay bumukas 'yong pinto at pumasok si mama.
At iyon na naman 'yong naaawa niyang tingin sa akin, kaya agad akong umiwas ng tingin.
"Magdadalawang buwan ka ng ganyan, nag-aalala na kami sa 'yo nang husto at baka 'yan pa ang magiging dahilan para magkasakit ka." pangaral nito sa akin.
"Hayaan niyo na ako ma, mas mabuti na nga 'yon para matuto ako. Pagod na akong mabuhay ma..." sagot ko dahilan para lumapit siya sa akin at hinampas ng unan sa mukha ko.
Literal na napaaray ako't napahawak sa aking ilong dahil doon mas nanuot 'yong sakit sa paghampas ni mama sa akin ng unan. At saka ko ito minamasahe.
"Huwag mo akong madaan sa mga ganyan mo, Alexander. Alam mong ayokong makarinig ng ganyan lalo na sa 'yo." galit nitong sambit sa akin kaya umirap na lang ako at bumuntong-hininga.
Tumalikod ito at pinulot 'yong mga nagkalat kong nasuot na damit sa sahig saka niya ito nilagay sa labahan na nasa likod ng pinto. Pagkatapos ay binuksan niya 'yong mga bintana at tinabi 'yong mga kurtina sa gilid nito para tuluyang makapasok ang sikat ng araw sa loob ng kuwarto ko. Napapikit ako nang tumama 'yong sikat ng araw sa mukha ko't agad kong ginawang pangharang 'yong braso ko.
"Tumayo ka na diyan at samahan mo na kaming mag-almusal, dahil nandiyan 'yong pinsan ni Kristoper na si Kenneth. Hinahanap ka." dagdag nitong sabi sa akin kaya agad akong napabangon at napatingin kay mama.
"Ba't niya raw po ako hinahanap?"
Nagkibit-balikat lang si mama sa akin. "Ewan ko. Kaya bumaba ka na diyan at nang malaman mo ang sagot sa tanong mo," aniya saka ito lumabas ng kuwarto ko.
Huminga ako nang malalim nang ako na lang mag-isang naiwan sa kuwarto ko't umiling.
***
Pagbaba ko mula sa aking kuwarto ay agad kong nadatnan si Kenneth na nakaupo sa sofa ng living room namin at may hawak siyang isang malaking kahon. Nang makita niya ako ay agad siyang tumayo at seryosong napatingin sa akin, at saka agad niyang nilahad sa akin 'yong hawak niyang kahon.