Halos hindi ako kausapin ni Dave matapos 'yong nangyari sa amin kanina sa kuwarto. Halatang iniiwasan niya ako kaya wala rin akong magagawa kasi ginusto ko rin 'yon. Pati nga sa pagkain namin ng agahan ay tahimik lang siya at walang kibo. Kaya pasimple lang akong napapatingin sa kanya at aamin ko na nasasaktan din ako. Hay, bakit ang hirap. Ang gusto ko lang naman ay sumaya pero bakit ganito ang iginaganti sa akin ng tadhana?
Nang matapos siyang kumain ay agad siyang nagpaalam na lalabas muna ng bahay para magpahangin. Walang nakapansin sa kanila sa pag-iwas niya sa akin maliban na lang kay kuya na alam kong napapansin niya ang pagiging ilag sa akin ni Dave. Nagkatinginan pa nga kaming dalawa nang makaalis si Dave pero ako na 'yong unang umiwas ng tingin sa kanya kasi alam ko kung ano ang sasabihin niya sa akin mamaya.
Sinundan ko siya sa labas pagkatapos ko rin kumain at nakita ko siyang nakatayo sa ilalim ng punong mangga, at nakatingin sa mga palayan na nasa harap niya. Tahimik lang akong naglakad palapit sa kanya at nang ilang distansya na lang ang layo namin ay agad akong nagsalita.
"Alam kong iniiwasan mo ako..." sabi ko sa kanya at bahagya naman siyang nagulat nang bigla akong magsalita at napatingin sa akin. Pero agad din niyang nabawi ang kaninag postura at reaksyon saka agad na umiwas ng tingin.
"Wala lang ako sa mood kaya pagpasensyahan mo na ako," aniya dahilan para ako ay mapabuntong-hininga. Tumabi ako sa kanya saka napatingin din sa mga palayang nasa harap namin.
"Dahil ba sa nangyari at nasabi ko sa 'yo kanina?" Tanong ko at ilang segundo muna ang dumaan bago siya tumingin sa akin, bahagyang nakangiti at nagsalita.
"Bakit kahit ilang beses mo na akong sinasaktan ay hindi pa rin nawawala itong pagmamahal ko sa 'yo?" Aniya at nakita kong napatitig siya sa labi ko kaya umiwas ako ng tingin sa kanya.
"Talaga bang mahal mo ako, Dave?"
"Magkakaganito ba ako kung hindi?"
Napatingin ako ulit sa kanya at tipid na ngumiti. "Then don't fall in love with me. I am not worth it for your love and I don't deserve it also," sabi ko na nagpabago ng ekspresyon sa mukha niya.
"Sino ba ang may sabing hindi mo deserve 'tong pagmamahal ko sa 'yo?" Seryosong sabi niya at tuluyan nang humarap sa akin. "No one is deserving for this love except you, Top. Whatever you say, this love will always remain just for you," dagdag niyang sabi.
"Until when?"
Sandali siyang natahimik sa sinabi ko at bahagyang nakaawang ang bibig niya. Maya-maya lang ay muli siyang nagsalita. "Hanggang sa mapagod ang puso ko na mahalin ka. Hanggang sa hindi ko na makita 'yong pag-asang kinakapitan ko pa ngayon," aniya at tuluyan na rin akong humarap sa kanya saka napabuntong-hininga.
"Pagod ka na bang mahalin ako ngayon?" Seryosong tanong ko at nakita kong sumilay sa labi niya ang isang tipid na ngiti.
"Kung pagod na akong mahalin ka, susuyuin pa ba kita nang ganito?" sabi niya sa akin at nahihimigan ko sa boses niya na parang proud pa siya roon.
BINABASA MO ANG
I Thought It Was Love [BOYXBOY]
Teen Fiction- Featured in WattpadRomancePH's "Rainbow Romance" Reading List [1st Book of I THOUGHT DUOLOGY] *** Bata pa lang ay alam na ni Kristoper sa sarili niyang bakla siya. Pilit lang niya itong itinatanggi sa kaniyang sarili lalo na at matagal na rin sila...