Chapter 14

889 29 2
                                        

Dalawang araw nang huli kaming mag-usap ni Dave simula n'ong makita kong hinayaan niya lang na mahalikan siya ni Steffany

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dalawang araw nang huli kaming mag-usap ni Dave simula n'ong makita kong hinayaan niya lang na mahalikan siya ni Steffany. At sa dalawang araw na 'yon ay panay lang ang pag-iwas ko sa kanya lalo na kapag pumupunta siya sa bahay namin. Panay rin ang pagsuyo niya sa akin at paghingi ng tawad sa nangyari, na hindi talaga niya ginusto na mangyari 'yon. Hindi lang siya agad nakapag-react dahil sa sobrang gulat.

Sa totoo lang, hindi naman mahirap sa akin na patawarin siya kasi alam ko rin naman na ganoon nga talaga ang nangyari. Nahihirapan lang akong tanggapin ang katotohanan na 'yon kasi talagang nasaksihan ko kung paano naglapat ang labi nilang dalawa. Masakit pa rin kasi sa akin sa tuwing naaalala ko ang araw na 'yon.

Araw ng Miyerkules at dineklara kahapon na wala kaming pasok kaya nasa bahay lang ako. Maaga akong nagising dahil kay Dave, kinukulit na naman ako. Pero patuloy pa rin akong umiiwas sa kanya, sumasagot lang kapag may tinatanong siya sa akin. O 'di kaya ay tango lang ang sagot ko sa kanya. Alam kong nahihirapan na rin siya sa ginagawa ko pero mas nangingibabaw pa rin ang pride ko. At saka hinahayaan ko na lang siyang yakapin ako sa tuwing sinusuyo niya ako.

Saka sinabihan din kami n'ong direktor namin na may kailangan pa pala kaming i-reshoot na scene kasi may kulang pa raw sa short film namin. Nakiusap ito sa amin na makikipagkita kami mamaya sa park ng subdivision namin, although ang kailangan lang naman sa eksena ay si Dave at Steffany. Kaya sumang-ayon kami sa kanya at sinabing mamayang hapon kami magsho-shoot.

Pinakiusapan ako ni Dave kung pwede ko ba siyang samahan mamaya at tumango lang ako. Kaya ang laki ng ngiti niya pero mahahalata pa rin sa mukha niya ang lungkot. Ang call time namin mamaya ay alas tres ng hapon kaya may dalawang oras pa kami para pumunta sa park. Nanuod na lang kaming dalawa ng movie sa kwarto ko para palipasin ang oras. Magkatabi kaming dalawa habang siya ay nakayakap sa akin nang patagilid. Hindi na ako nakipagtalo sa kanya kasi alam kong mag-aaway lang kaming dalawa kaya hinayaan ko na lang siya.

Habang nanunuod kaming dalawa ay hindi ko maiwasang tingnan siya nang palihim. Tutok na tutok siya sa flatscreen tv na naka-mount sa pader at minsan ay napapansin ko rin na binabaon niya ang baba niya sa balikat ko kaya naririnig ko ang kanyang paghinga. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko sa tuwing pinagmamasdan ko siya na parang isang musmos na batang gusto lang nito ay magpalambing.

Mahal na mahal ko talaga 'tong asungot na ito. Sabi ko sa sarili ko at bumuntong-hininga.

Nang matapos namin ang pinapanuod naming pelikula ay naghanda na kaming dalawa saka bago umalis ay kumain muna kami ng nilutong carbonara ni 'Nay Ester, para raw hindi kami madaling mapagod mamaya habang nagsho-shoot kami.

"Mahal?" tawag niya sa akin habang naglalakad kaming dalawa sa gilid ng kalsada papuntang park ng subdivision namin.

Napatingin ako sa kanya't tinaas ang isa kong kilay. "Bakit?"

Napayuko siya't tiningnan ang kamay naming magkahawak. "Baka kasi magalit ka na naman mamaya kapag makita mo si Steffany. Nag-usap na kaming dalawa at humihingi na siya ng tawad sa akin sa ginawa niya noong nakaraan." aniya at muling napatingin sa akin.

I Thought It Was Love [BOYXBOY]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon