"Kristop!"
Agad akong napalingon sa aking likuran nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko. Kumakain kasi ako at nakaupo sa isang monoblock chair habang isine-celebrate namin ang aming farewell party sa isang beach resort kasama ang buong section namin.
Nang mapagtanto ko kung sino 'yong tumawag sa akin ay agad na napakunot ang noo ko't gumuhit sa mukha ko ang pagtataka. "Oh, Dave? Bakit, may problema ba?" tanong ko sa kanya nang malaman kong siya lang pala ang tumawag sa akin.
Si Dave ay 'yong bestfriend ko. Sa katunayan nga, sa iisang middle class subdivision lang kami nakatira. Mabait siyang kaibigan sa akin, at minsan din naman ay makulit. Pero hindi niya alam na silahis ako o sa madaling salita ay bisexual or bakla.
Pero nang minsang may nam-bully sa akin noon ay agad niya akong pinuntahan at nagsuntukan pa sila. At nauwi sa isang malaking gulo. Malas nga lang kasi na-guidance sila pero bilang kabayaran na rin sa tulong na ginawa niya sa 'kin ay ipinagtanggol ko siya. At sinabing sila 'yong nauna at hindi siya.
Kaya 'yon, doon nagsimula ang closeness namin sa isa't-isa.
Anyway.
"Nagugutom ako," sabi niya sa 'kin sabay himas sa kanyang tiyan. Damn! Wala kasi siyang suot na damit at kakaahon niya lang mula sa dagat. Kaya para akong magkakasala kung titingnan ko ang nakabalandra niyang katawan.
Umiwas ako ng tingin at dina-divert ang atensyon ko sa pagkain. Kumuha siya ng isang monoblock chair at tumabi sa akin. Iniharap niya 'yong likuran ng upuan at tinitigan niya lang ako. Hindi ko alam kung anong trip niya at sa totoo lang ay naiilang ako sa ginagawa niyang pagtitig sa akin. Lalo na't kumakain pa ako kaya hindi ako makakain nang maayos.
"Oh? Akala ko ba nagugutom ka? Eh ba't nakaupo ka lang d'yan? Gusto mong ako pa ang kukuha ng pagkain mo?" Tanong ko para makaiwas sa titig niya, at nginitian niya lang ako.
Damn again! Don't smile, please! Mas lalo ka pang guma-guwapo sa paningin ko, eh.
"Makita lang kita, busog na ako," sabi pa niya sa akin at para bang nagliliparang mga paru-paro sa tiyan ko. Kainis! Hindi ba niya alam na mahirap magpigil ng kilig?
Umiwas ako ng tingin sa kanya at napalunok saka huminga nang malalim, at muling napatingin sa kanya. "Inaasar mo ba ako? O talagang may balak ka lang pagtripan ako, ha?!" Inis kong sabi sa kanya at narinig ko siyang tumawa saka umiling, habang hindi pa rin nawawala sa mukha niya 'yong guwapo niyang ngiti.
"Ako? Pagtitripan ka?" untag niya sa 'kin at napakunot naman ang noo ko, pilit hinuhulaan ang ginagawa niya sa harap ko. "Bakit naman kita pagtitripan? Eh, hindi ko kayang gawin 'yon sa 'yo 'no!" dagdag niyang sabi at napatitig sa mga mata niya.
Hay nako, Dave! Hindi ako makakapag-concentrate nito sa pagkain ko, eh. Bulong ko sa sarili ko. Ramdam ko na may parang kakaiba sa sarili ko, na para bang kinikiliti ako na ewan. Sa kilig. At hindi ko inasahang bigla na lang niyang hahawakan ang magkabila kong pisngi, at mapatitig sa mga mata ko.
BINABASA MO ANG
I Thought It Was Love [BOYXBOY]
Teen Fiction- Featured in WattpadRomancePH's "Rainbow Romance" Reading List [1st Book of I THOUGHT DUOLOGY] *** Bata pa lang ay alam na ni Kristoper sa sarili niyang bakla siya. Pilit lang niya itong itinatanggi sa kaniyang sarili lalo na at matagal na rin sila...